XIX. Eye Contact

206 13 0
                                    

"Lumapit ka sa 'kin." Sinunod ni Micah ang sinabi niya.



"Lapit pa." Lumapit siya ng isang pulgada kay Dino.


"Lumapit ka pa."


"Ahhh ehhh..."


"Closer."


"Ha? Lalapit pa?"

"Ang layo mo pa. Lumapit ka pa."


"Wala na akong lalapitan hehehe."


"Bakit ba ang layo mo? Sinabing lumapit ka sa 'kin."


"Lumalapit naman ako ah?"



"Tandaan mo 'to Micah..." Para bang dumoble 'yung bilis ng pagtibok ng puso ni Micah nang marinig niya ang pangalan niya. Umiwas siya ng tingin kay Dino dahil naiilang siya. Hindi niya ito kayang titigan dahil nahihiya rin siya.



"Hindi ka matututo kung naiilang ka sa akin." Napakagat ng labi si Micah dahil sa hiyang nararamdaman niya. "Tingnan mo 'ko," may autoridad na sabi ni Dino kaya napatingin si Micah rito pero iniwas niya pa rin ang mata niya.


"Tingnan mo sabi ako sa mata ko. Eye contact, that's the first thing na kailangan mong matutunan. Kaya tingnan mo ako nang deretso."


"S-sige." Sinunod niya si Dino. Tumingin siya sa mga mata nito.


"Lumapit ka pa sa 'kin," utos pa ni Dino sa kaniya. Kahit naiilang ay sinunod niya ito. Hinawakan ni Dino ang kamay ni Micah palapit sa kaniya.


Hindi na mapigilan ang mabilis na pagtibok ng puso ni Micah. Ito ang bagay na nagpapahina ng tuhod niya. Iniisip niya pa lang na kaharap niya ang iniidolo niya ay hindi na siya makahinga. Sobrang hirap huminga dahil ang taong gusto mo ay natititigan mo at hawak-hawak ang kamay mo.


"Micah..."


"Hmmm?"


"I can feel your heartbeat," natatawang sabi ni Dino dahil nararamdaman niya ang mabilis na pagtibok ng puso ni Micah. Nahiya naman si Micah dahil rito kaya napayuko siya.


"Feel my heart too," dugtong pa ni Dino na naging dahilan ng pagngiti nang malapad ni Micah. Hindi niya na mapigilan ang kilig dahil kay Dino kaya niyakap niya ito.



****


Isang linggo na ang nakakalipas simula nang maayos ni Manager Kim ang papeles papuntang America para sa gaganaping World Dancesport Competition. At isang linggo na lang rin bago ang nasabing kompetisyon.


"Hindi na ba talaga ako pwedeng umatras?" tanong ni Micah kay Manager Kim. Binatukan naman siya nito.


"Pag narinig ka ni Dino, nako! Lagot ka r'on!" Natatawang sabi ni Manager Kim.


"Alam niyo po kasi Ate Kim, kinakabahan talaga ako."


"Bakit ka naman kinakabahan?" Napalingon sila sa nagsalita.

"Eh Dino naman kasi, first time ko lang 'to!" sigaw ni Micah.


"Tss.. Let's go."


"Hindi ba natin isasama si Ate Kim?" tanong ni Micah.


"May gagawin ako Micah, sobrang busy ko kaya," pagdadahilan ni Manager Kim. Walang nagawa si Micah kung hindi ang sumunod kay Dino. Hinatid sila ni Manager Kim sa labas.


"Kahit anong mangyari, 'wag mo 'kong iiwanan," sabi ni Dino. Ngumiti si Micah.


"Kahit anong mangyari, sasamahan kita sa competition. Ako ang partner mo 'di ba? Ako pa ba ang aatras? Chance ko na 'to no!"


Feel My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon