XXII. For real

175 10 0
                                    

"Okay ka na ba?" tanong ni Micah.

"As long as you're here, I'm okay." Kinilig naman si Micah sa sinabi ni Dino. Kung kanina naiinis siya kay Dino pero ngayon iniisip niyang may 20% na siyang chance kay Dino.

Umorder na sila ng kakainin nila. Ilang sandali lang ay nakarating na ang pagkain nila kaya sinimulan na nilang kumain.

"Bakit ka may acrophobia? Afraid of heights?" tanong ni Micah. Umiling si Dino. "Afraid of falling..."

"Ahhh..." 'Yan lang ang nasagot ni Micah. Binalik niya na lamang ang atensyon niya sa pagkain niya. Pagkatapos nilang kumain ay napagdesisyunan na nilang umuwi. Masakit na rin ang paa ni Micah dahil naka-heels siya. Pumasok na sila sa loob ng kotse ni Dino.

"Why are you afraid of falling?" tanong ni Micah kay Dino.

"I don't know. Put your seatbelt on," utos ni Dino.

"You're not afraid of heights you're just afraid of falling..."

"I said put your seatbelt on." Deretso pa ring nakatingin si Dino sa harapan ng kotse niya.

"Si Cina ba?" tanong ni Micah.

"She's out of the picture so don't mention her name."

"Then who? Me?" seryosong tanong ni Micah. Humarap si Dino kay Micah at inayos ang seatbelt nito.
Tiningnan niya ang mga mata ni Micah. Ilang segundo ang lumipas nang halikan niya ito.


"She's my past. You're my present and my future. I'm afraid that I'm falling for you. I really like you, Micah." Habang sinasabi niya iyon ay nakatingin lang siya sa mukha ng dalaga. Hindi makapagsalita si Micah. Hindi pa nag-sisink in sa utak niya ang nangyari at ang narinig niya.

"For real?" tanong ni Micah dahil hindi talaga siya makapaniwala.


"Should I kiss you for a yes?" He laughed and kissed Micah again.

****

"Holding hands? What's the matter of you two?" tanong ni Manager Kim.

"Speaking English? What's the matter of you too?" tanong rin ni Dino habang nakangiti. Nag-tsk tsk tsk lang si Manager Kim at hinila si Micah papuntang kusina.

"Sabihin mo sa 'kin! Anong nangyari?" sigaw ni Manager Kim. Ngumiti lang si Micah.

"Nako! Anong meron sa ngiting 'yan? Sasabihin kita sa Papa mo! Ang kire-kire mo Micah!" Tumawa lang si Micah.

"Hindi ko na naman po kailangang magpaliwanag. Alam kong obvious naman sa inyo," paliwanag ni Micah.

"Huwag mong sabihing dito ka matutulog?"

"Hindi po, sususnduin po ako ni papa."

"Maigi naman! Nako! Ang mga kabataan talaga ngayon!"

Ilang sandali lang ay dumating na ang papa ni Micah. Sinabi ni Dino ang dapat niyang sabihin sa papa ni Micah kaya legal na silang nagliligawan. Ligaw pa lang, alam nating gustong-gusto ni Micah si Dino pero pa-hard to get siya, pakipot nga naman.

Nagpaalam na sila at pumasok na sila sa kotse ng papa niya.

"Masaya ako para sa 'yo anak," sabi ng kaniyang ama at sinimulan nang paandarin ang kotse.

"Salamat papa. Kahit na wala si mama, 'wag mo ring iisipin na hindi mo ako napapasaya. Sobrang masaya ako kasi lagi kang nasa tabi ko."

"Ilang araw na lang ba bago ang competition niyo?"

"Lima po."

"Eh di sa makalawa, pupunta na kayong America?" Tumango si Micah.

"Papa, habang wala ako dapat alagaan niyo ang sarili niyo---Papa! May truck!!!!"

---

Feel My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon