Geek Lab

11 5 0
                                    

  Kinabukasan, isinama ako ni papa sa geek ground este scientific research section pala ng Justice Inc. Madami akong nakitang naka-laboratory gown. Merong professional at student pa lang. Nagtutulong-tulong. Sama-sama sa pag gawa ng mga gadget, at iba pa. Nakakahilo ang pakiramdam ng nag-iisip sila. Sensitive kasi ako dahil sa psychic ability ko. Para mapawi ang pagkahilo ko, iisipin ko na lang na nakakatawa sila kasi mga nerd sila. Hahaha! 

 "Ano ang gusto mong idagdag sa device mo? Dapat yung maliit lang." tanong ni papa. 

 Namili ako. Napansin ko ang kwintas na diamond shaped, may pulang crystal na parang ruby na nakalagay sa cylinder na glass at nakapatong sa itim na foam. Parang yung hikaw ko.Nagdesisyon akong magsuot na lang ng hi-tech na pendant. Pwedeng maging laser, voice recorder, communicator ko sa Justice Inc. 

 "Anong gusto mong kulay?" 

 Naalala ko si Willa. "Yung kulay pula, dad." 

 "Isa nga nuon." sabi ni papa sa isang scientist. 

 "Sige po, sir." 

 Binigay sa akin sa papa ko ang maliit na box na gadget.Inabot nya sa akin ang itim na box. 

 "Mag-iingat ka anak, ha." 

 Hinawi nya ang buhok ko na parang nag-aalaga ng pusa. Ngumiti lang ako, meow. 

 Bumalik kami sa Cleves Marketplace para sa misyon. Naisip kong nakalimutan ko magpaalam kay Chuck at Willa.Habang naglalakad kami sa mataong lugar, nararamdaman kong malapit lang ang mga taga-Cunninghood Academy o CA. Nalaman ko yun dahil nakatitig sila sa akin. Natapat ako malapit sa madilim na eskinita at may mabilis na humablot sa akin. Tinakpan nila ng panyo ang bibig at ilong ko. Hindi ako lumaban. Nawalan ako ng malay. 

 Pag gising ko ay nasa isang gymnasium ako. Nakaupo sa bakal na de tiklop na upuan. Hindi lang ako ang nasa gymnasium. Mga isang-daan katao kami. Mga kaedad ko ang mga kasama ko. Binuksan nila ang ilaw at sumakit ang mga mata namin dahil sa pagkabigla.Kinalabit ng lalaking officer nasa stage ang microphone. 

 "Welcome sa Cunninghood Academy!" sabi ng officer.

 Nagkagulo ang ibang mga batang katulad ko. Nag-warning shot ang mga armadong lalaki sa paligid namin. Tumahimik sila. 

 "Tama na yan. Baka bumagsak ang lugar na ito pag nagpaputok kayo. Kayong mga junior ay dapat tanggapin nyo na dito na kayo habang buhay maliban na lang kung nakatapos kayo o mamatay pag sinubukan nyong makatakas." 

Nag-iyakan ang ibang bata. Ang iba naman ay cool na cool lang. Nakabukas ang mga mata ko pero nakasleep mode talaga ako. Kunwari ay nakikinig ako sa mahaba at boring na talumpati ng nasa harapan.  

Cat in Wolves' ClothingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon