Nararamdaman kong mahuhuli nila ako pero di ko alam ang saktong oras o araw. Syempre tao lang din ako at may limitations kaya hindi ko nahuhulaan ang lahat ng bagay.
Pagkatapos ng limang oras ay wala pa ring humuhuli sa akin kahit na napalayo ako ng distansya sa kanila. Pero ayos lang, 'di kami susuko. Nagsisimula pa lang kami.
Nang binuksan ni Chuck ang pintuan...
"Nakabalik ka agad?" tanong ni niya.
Nakita nya akong bitbit ang maleta ko sa labas ng kwarto namin sa aming dorm. Papasok na sana pero naunahan niya ako sa pagbukas ng pinto.
"Hindi naman ganun kadali yun." sagot ko. "Patago muna ng mga gamit ko dito."
"Sige, pumasok ka muna."
Pumasok ako at nilagay sa ilalim ng kama ko ang maleta ko. Umupo ako sa higaan ko. Doon pa rin ako sa pangalawang higaan ng double deck. Umakyat si Chuck sa lugar nya at nakita ko syang nakabaliktad na parang paniki nang sumilip sya sa akin.
"Kwentuhan mo naman ako tungkol sa nangyari kanina." sabi nya.
"Sige, eto ang nangyari... Zzz..."
"Nakatulog na siya? Hay, napagod siguro."
Kinabukasan, pumunta ako sa gymnasium. Hindi muna ako pumasok sa klase dahil alam naman ng principal at ng mga teacher na nasa misyon ako. Sa tabi ng switch ng mga ilaw, may mga switch para sa pagsasanay. Nilagay ko sa training mode. Ganito kasi ang physical education namin, matinding exercise at training ang meron. Kinuha ko ang itim na blindfold ko at pinangtakip ko ito. Nagtaka ako kung bakit walang umaatakeng robot sa akin? Ah... May tao sa likod ko.
"Balita ako may misyon ka daw." tanong ng isang babae.
Si Willa North, ang queen bee ng school. Crush ko si Willa pero hanggang pangarap ko lang sya, hindi nya ako napapansin dahil sa aura ko.Parang si Chuck lang ang nakakakita sa akin. Isa ba akong multo? At si Chuck lang at ang mga magulang ko ang nakakakita sa akin? Makikita lang nila ako pag nagpakita ako. Matapos ang dalawang taon, nabawasan na ang paghanga ko kay Willa. Ngunit isang himala! Pinuntahan nya ako.
"Mami-miss ko ang mala-multo mong presensya." sabi ni Willa.
"Ha?" sagot ko, namula ang mukha ko.
Tinanggal nya ang blindfold ko at nakita ko ang kulot nyang buhok na kulay brown at mga matang kulay green na parang emerald sa tiara ng isang prinsesa.Hindi ako makahinga ng maayos, pinagpapawisan ako at di makakilos. Tumahimik ang paligid at tanging hininga at tibok ng puso ko ang naririnig ko. Hinalikan niya ako sa noo.
"Sana dati ka pa nagpapansin." bulong nya.
"Nananaginip ba ako?"
"Hindi. Totoo ito." sagot niya.
"Suntukin mo nga ako sa mukha."
Bigla niya akong sinuntok. Totoo nga! Ang sakit ng panga ko. Napabagsak ako sa lapag sobrang sakit ng ginawa nya. Parang na-knock out ako ng isang boxer.
"Naku, okay ka lang?"
"Oo, ayos lang. Buhay pa naman."
Queen bee sya pero parang kangaroo siya kung umatake. Trained nga sya kagaya ko. Bumangon ako at umupo. Umupo siya sa tabi ko.
"Muntik ko ng nakalimutan. Sayo na lang itong isa kong hikaw ko para maalala mo ako at ang mga kakilala mo dito kahit na nasa malayo ka."
Binigay nya sa akin ang hikaw nya galing sa kaliwa nyang tenga. Isang maliit na ruby ang binigay ni Willa sa akin at isinuot sa akin ang hikaw."
Maraming salamat." sabi ko.
Sayang... Hindi bale na nga...
BINABASA MO ANG
Cat in Wolves' Clothing
ActionSi Willow Fantasma ay galing sa pamilya ng mga spy. Minsan sya ay 'di napapansin dahil sa aura niya na galing sa mga magulang niyang spy na pinakamagaling na nabuhay sa Justice Inc. Siya na ba ang susunod sa yapak nila? Nang magkaroon sila ng misyon...