Muntik na

12 5 0
                                    

Nagsesepilyo ako. Nagtataka ako kung bakit ako lang ang mag-isa sa isang malaking banyo ng dormitory ng academy. Pag tingin ko sa salamin ay naka-sando ako. 

"Kailan pa ako nagpalit ng damit?" tanong ko sa sarili ko, habang may lumabas na bula galing sa bibig ko. Panaginip lang pala ito. Baka may makuha akong information tungkol sa academy pag nagtagal ako sa panaginip. Nagmumog na ako. Pag tingin ko sa salamin... 

"Bakit hindi kami magkamukha ng reflection ko?" 

Magkasingtangkad kami ng nasa reflection ko pero kulay ginto ang mga mata niya at kulay pula ang buhok niya. 

"Lumayo ka sa mga magulang ko! Alam ko kung sino ka." sabi ng reflection ko. 

Bigla siyang nawala. At bigla akong nagising dahil binuhusan ako ng kanang kamay ni Commander Forthwind. 

"Woah!" sigaw ko. 

"Tulog mantika ka pala. Tama na iyan, Lieutenant Dahl." sabi ng commander. 

Nakita kong nakalinya at nakatayo ng maayos ang mga ka-roommates ko. Bakit kami lang ang nasa backyard ng school? Tumayo na rin ako at dali-daling humanay sa kanila. 

"Sumunod kayo sa amin." sabi ni Lieutenant Dahl. 

Malamang pupunta kami sa opisina ng director. Sinundan namin ang dalawang malupit na mga binibini sa pasilyo eskwelahan. Nang sumulyap kami sa mga lecture room ng mga senior, nadama ko ang mga presensya ng mga magiging future na agent. Mga tigasin sila, mauutak, at astig na mga estudyante. Ayon sa mga natutunan ko sa lecture, pitong taon ang training namin. Sa ika-limang taon namin ay isasabak na kami sa Classified C na mga misyion. Ito'y ay madadaling misyon lamang. 

Balik tayo sa paglalakad natin, nasa harapan na kami ng malaking pinto na parang gate sa laki nito at inukit sa ebony. May dalawang guard na nakabantay sa opisina. Mukhang silang bantay sa imperiyalistang palasyo at ang suot nila ay dark blue na service duty uniform at hindi camouflage, nakaitim na necktie, mayroong din silang itim na beret, at high boots na pwede ka ng manalamin sa kintab nito.Binuksan nila ang pinto at bumungad sa amin ang director na malalim na nag-iisip. Siya si Director Sonny Gorman. May pula siyang mga mata at buhok. Lumapit kami sa harapan niya na parang mga sundalo. Pinahanay kami sa harapan niya. 

Bumati kaming lahat pati na sila Commander Forthwind at Lieutenant Dahl.

"Maganda umaga po pinuno!" 

Tumayo at nagsalita ang director, "Magandang umaga. Pakiusap huwag naman kayong masyadong pormal at huwag niyo naman sundin ang style ng aking ama. Tumindig kayo na naayon sa gusto niyo." sabi niya. 

Lahat kaming lima ay naging kuba dahil nangangawit na kami at si Rylan ay umupo pa sa lapag. 

"Huwag naman ganyan." dagdag ni Lieutenant Dahl.

 "Pinatawag ko kayo dahil may nangyaring security breach kagabi. Private Reed!" seryosong sinabi ni Commander Forthwind. 

Pag banggit ng pangalan ko, medyo kinabahan ako pero hindi ko pinahalata. 

"Bakit may nakitang fingerprints sa maliit na sleeping bomb na ito?" tanong niya. 

Pinakita niya ito sa akin. Nagtaka ako dahil hindi ko naman nalagyan iyon. Naku, bakit ba kasi nakalimutan kong iligpit iyun. 

Sumaludo ako, "Ma'am! Permission to speak, ma'am! Hindi ko po hinawakan iyan." sagot ko. 

"Magaling. Nagsasabi ka ng katotohanan dahil wala talaga ang fingerprints mo dito. Ngunit bakit nagkaroon ng sleeping bomb sa kwarto n'yo?" sabi ni Director Gorman.

 "Nahalata kong nasa air vent siya dahil sa kaluskos na narinig ko kaya binuksan niya ang air vent at hinagisan niya kami bago pa ako makapagsumbong sa inyo." sagot ko sa kalmadong paraan. 

"Bakit gising ka pa nung mga panahong iyon?" tanong ng director na may kasamang masamang tingin."

Y-yung kape kasi sa cafeteria, ang tapang. "Naglabas siya ng stethoscope galing sa table niya at tinapat niya sa aking likod.

"Mukhang hindi maganda sa iyo ang kape. Iba ang tibok ng puso mo, para kang pagod, at hindi ka nga nagsisinungaling." 

"Kayong apat. Gising ba kayo sa pagitan ng 10 pm at 4 am?" tanong ni Commander Forthwind.

"Ma'am! Hindi, ma'am!" sagot nila. 

"Hmm... Mukhang magaling ang agent na ipinadala ng taga-J. I..." 

Sinuntok ng director sa lamesa niya at nagulat kaming lahat. Biglang kumalma at napaisip ang director.Siya ay nagsalita ulit,

"Sige, dismiss!" 

Sumaludo kami at umalis. Huli akong umalis. Biglang may humawak sa balikat ko na parang isang pangyayari sa isang horror movie. Nabigla ako. 

"Sandali lang. Kailangan mong maiwan." bulong ng director. 

Para siyang zombie! Eee... Nanginginig ako. Baka alam talaga niya na ako iyon. Pumikit ako. Pinaharap niya ako. 

"Mahal, tingnan mo! May napili akong aampunin natin."Ha?May babaeng boses ang tumugon... 

"Wow, ang cute niya at mukhang matibay." 

Nang iminulat ko ang mga mata ko, hinipo ako ng isang babae sa ulo ko at ginulo niya ang buhok ko. 

"Kumusta? Ako nga pala si Lara Gorman, ang principal niyo." Ang sabi ng cute na babae. Mukhang magkasing edad sila ng director, nasa thirty ang edad nila. Mayroon siyang wavy, itim na buhok na nakapusod at gintong mga mata. Naka-dress siya na itim nay may fur sa bandang leeg. Siguro galing siya sa secret door.

 "Sige na, makakaalis ka na bago pa sila maghinala." 

Sumaludo ako at kumaway naman sila. Nagmamadali akong bumalik sa pila.

 "Mahal, babaguhin ba natin ang DNA niya?" tanong ni Principal Lara. 

"Hindi ko pa alam, Lara. Pag-iisipan ko pa." sagot ni Director.

Cat in Wolves' ClothingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon