Cat in Espionage

15 5 2
                                    

  Dahil hindi ako pagod, gagawin ko na ang espionage ngayong gabi. Tinanggal ko muna ang hikaw ko at binulsa ito. Kinuha ko ang shounen manga ko na lalagyan ng mga gamit ko. Ang high tech talaga ng pekeng manga ko, kahit anong ilagay ko ay kasya. Binuksan ko ang vial na naglalaman ng spy suit ko para di nila ako makilala. Lumabas ang spy suit na parang mga bula sa naalog na bote ng coke. Ang spy suit ko ay kamukha ng damit ng mga ninja pero hindi ako nakabakya at fitted ito. Naghagis din ako ng maliit na sleeping bomb. Baka magising sila sa kaluskos ko. Mabuti na ang maingat. Siyempre may filter ang maskara ko kaya di ako apektado. 

 Tumingala ako at nakita ko ang air vent. Dun ako pumasok.Tumawag si ama nang nakapasok na ako at gumagapang. Pinindot ko ang crystal ng pendant ko para makasagot. 

 "Anong balita?" 

 "Papunta na ako, dad. Alam niyo ba kung saan 'yun?" tanong ko. 

 "Ipapakita ng pendant ang daan." 

 "Oo nga pala." 

 Biglang may lumabas na hologram na mapa, may bilog kung saan ang location ko at may ekis sa malayo. 

 "Pumunta ka lab nila katulad ng plano. Ang ekis na iyan ang laboratory nila. Sige, mamaya na lang. Tinatawag na ako ni Mary." 

 "Okay, dad." 

 "Stealth Lion out." 

 At nawala ang pulang ilaw sa pendant. 

 "Phantom Cat in. In the air vent, heheh..." 

 Pakiramdam ko tuloy ay isa akong daga na naghahanap ng pusa o oso sa cave na gumapang sa air vent. Ang sikip at ang lamig ng mga pala ng bakal ng air vent. Madilim at ang tanging ilaw ko lang ay ang maliit na LED light sa noo ko.

Ilang minuto ang lumipas, nasa ibaba ko na ang laboratory. Nag-concentrate ako. Baka kasi may kung anong patibong para sa mga spy na nakatago sa lab. Ginamit ko ang third eye ko; may nakita akong sensor na nag-aactivate pag wala ng tao sa loob at may nakita akong motion sensors na siguradong mag-aalarma pag may gumalaw kaya dapat dahan-dahan lang ang paggalaw na parang mahinahon na hangin. Kung tatapak ako sa lapag ay mahuhuli nila ako at bibilisan ko naman ay mahuhuli ako. Binuksan ko muna ang takip ng vent at sumilip. Nag-concentrate ulit ako para makontrol ang levitation ko. Nakontrol ko din sa wakas. Lumabas ako na parang lumalangoy at iniwasang gumalaw ng biglaan. Classic na security measures pero nakayanan ko. Binuksan ko ang computer nila. Nakita ko nga ang mga experiment nila katulad ng nakita ko sa vision ko. Nabasa ko ang tungkol sa chemical na ito na tinatawag nilang 'Nicholas Serum'. Nilabas ko ang USB ko na at sinimulan ang misyon ko. Habang nagka-copy paste ng mga ebidensya, may napanuod din akong video ng interview kay Sonny Gorman, director ng academy. 

 "Bakit mo gustong gawin ang Nicholas Serum Project?" tanong ng interviewer. 

 "Para sa anak kong pinatay ng mga taga-Justice Incorporated. Bubuhayin nito ang anak ko sa katauhan ng iba. Hindi ako ito ititigil hanggat hindi namin nagagawang perfect ang formula. Pag may uminom ng serum na ito, magiging kamukha niya ang anak namin at magiging mahusay pa siya. Pwede rin akong magbenta sa mga interesadong mga individual. Magbibigay lang sila ng DNA ng gusto nilang gayahin kaso irreversible ito at hindi ka na babalik sa dati mong itsura." 

 Obsessed pala ang director nila.

Naglabas ako ng isa pang USB para lagyan ng virus ang system nila at biglang nagshutdown ang PC dahil sa virus.

 Biglang may naramdaman akong papasok na employee ng laboratory. Nawala ang pahirap na motion sensor at floor sensor dahil may pumasok. Buti tapos na ang mag-copy paste at nagtago ako sa likod ng lamesa. Nagmamadaling pumasok ang employee. Mukhang may nakalimutang susi ang employee. Naku! Nakalimutan kong isara ang air vent. Sana hindi niya makita 'yun! Kinuha ng employee ang susi at umalis na. 

 "Hay... Salamat..." sabi ko. 

 Nakahinga ako ng maluwag at lumapag ako sa sahig. Biglang nag-alarm ang security feature ng lab. 

"Naku naman! Nakalimutan ko!" 

 Dali-dali kong inilabas ang mga customized roller skates galing sa shounen manga ko at nilagay ko sa pagitan ng kamay at siko ko pati na rin sa pagitan ng tuhod at paa ko para makatakas ako ng mabilis. Umakyat ako ng air vent. Dumapa ako at umandar ng mabilis. Mabuti at nakatakas na ako nang nakapasok ang private army ng academy pero nahabol nila ako. Pinagbabaril nila ako habang nasa loob ako ng air vent.

 "Huwag niyo siyang hayaang makatakas!" sabi ng leader ng private army. 

"Sir, yes, sir!" tugon nila. 

  Hindi sila nagtagumpay kaya naghagis sila ng drone na hinahabol ang mga spy. Sa oras na makita ako ng drone ay babarilin ako nito.    

 "Mukhang wala akong magagawa. Hindi ako makakapasok sa kwarto ko. Alam ko na!" sabi ko.

 Pumunta ako palabas ng school. Naghanda ako ng air glider. 

 "Ayun siya!" sabi ng isa. 

 Sumakay sila ng lumilipad na motorcycle at nahuli nila ako sa pamamagitan ng lambat pero laking gulat nila na dummy lang pala yun. Ang tunay na ako ay nakaspy suit pa rin at nagtatago sa likod ng malaking basurahan. Hinubad ko na na ang spy suit ko at bumalik sa kwarto ko sa pamamagitan ng customized roller skates. Bago ako bumaba, tinago ko muna ang skates ko sa manga at nilagyan ng security code ang pekeng manga. Ang security code ay gumuhit lang ng smiley sa cover nito saka ko nilagay sa likuran ko. Nang binuksan ko ang papalabas ng vent ay nahilo ako dahil sa usok ng sleeping bomb. Bago ako tuluyang makatulog, isinara ko ang takip ng air vent at tagumpay ang misyon.  

Cat in Wolves' ClothingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon