Lunes ng umaga, saktong alas-osto. Nasa classroom kami para sa Biology class. Nag-aantay kami sa teacher namin. Nasa bandang hulihan ako malapit sa bintana samantalang si Zane ay nasa harapan ko, si Rylan naman ay nakaupo sa bandang kaliwa ko, habang si Baxter naman ay nasa harap ni Rylan at si Mitchell ay nasa harap ni Zane.
Nangangamba ako sa pag sasabotahe sa electricity ng academy. Sana hindi apektado ng psychic power ko ang anti-gravity aircraft technology nila kundi babagsak ang buong academy. Buti na lang at full moon kagabi at nakapag-meditate ako kaya malakas ang magiging power surge. Hahahah... Evil laugh.
Bilang paghahanda, naglagay ako ang transceiver para marinig ko si dad o uncle Jess Fantasma. Malaki ang trauma ko kay uncle Jess dahil matindi ang training na inabot ko sa kanya. Wala akong sama ng loob kay uncle pero sa tuwing naririnig o nakikita ko siya nagdidilim ang paningin ko.
"Wallace! Ano na namang iniisip mo at nakatingin ka sa malayo?" tanong ni Zane.
"Ah, wala! Nami-miss ko lang ang pamilya ko." sagot ko.
"A-ako rin." Biglang naging malungkot si Zane.
"May nasabi ba akong mali?"
"Wala. Ayos lang ako. Huwag mo akong intindihin."
"Talaga?"
"Wala nga eh!"
"Ah, sige." sagot ko ng may ngiti.
Biglang may pumasok na teacher. Kamukha niya ang director ng school. Mayroon din siyang mga pulang mata at pulang buhok. Tumahimik ang klase at punta sa seating arrangement ang mga kaklase ko.
"Good morning, class 1-A. Ako nga pala si Daniel Gorman. Ako ang officer in charge at ang homeroom teacher niyo. Biology ang subject ko sa inyo." sabi ng teacher.
Buti na lang at hindi siya math teacher kundi mapapatay ko siya. Nababasa ko ang aura niya. Gusto niyang kunin ang pwesto ni Director Sonny Gorman at gawing mas malupit ang academy. Naging mahina at malambot daw si Director Gorman dahil sa pagkamatay ng anak niya. Hindi maaari ito. Hindi dapat mamatay ang kasalukuyang director.
May naramdaman ako sa kabilang linya ng transceiver ko."Phantom Cat, kakausapin ka daw ng uncle mo." sabi ni dad.
Naku, ito na yun. Fury mode in 3... 2... 1...
"Si uncle Jess ito. Hanngang ngayon ay inutil ka pa rin."
"Dahan-dahan lang, kuya Jess, baka magkalindol sa Cunninghood Academy." sabat ni dad.
"Eh ano naman. Hindi naman ako nasaktan nu'ng hinagis niya ako sa pamamagitan ng psychic powers niya."
Ang mga ilaw sa room ay nagpapatay-sindi.
Nakakaramdan ako ng init at galit. Sumasakit ang ulo ko at naalala ko ang training ko sa ilalim ni uncle Jess. Biglang sumara ang pinto ng malakas.
"Ah!" sigaw ng mahinhin kong kaklase.
Natakot na ang buong klase.
"H-huwag kayong mag-panic baka may inaayos lang sa electricity natin." sabi ng teacher.
"Sir, kasama din po ba sa pag-aayos ang pintuan?" tanong ni Rylan.
"Ah... Oo, sinusubukan naming gawing automatic ang pintuan."
"May masamang espirito yata dito sa school." sabi ni Jenny.
"Hindi totoo iyan." sabat ni Cedric.
Habang nag-uusap sila, naputol ang hawak kong lapis sa sobrang galit ko. Buti na lang at walang na pansin sa akin. Naririnig kong nagka-crack ang salamin ng mga bintana at nabasag ang mga ito. Pumasok ang malakas na hangin. Nagkagulo at pinalabas ang mga kaklase ko pero hindi sila makalabas dahil sa akin. Nag-alert ang school dahil sa pagkabasag ng mga bintana. Naipon lahat sila sa pader kung saan nakalagay pinto samantalang ako ay nakaupo pa rin. Lumutang ang mga upuan at lamesa at nagpatay-sindi ang mga ilaw. Para akong sinasapian sa isang horror movie.
May pumunta ang mga walong Elite Guards sa room. Nag-rappel sila at pumasok sa mga basag na bintana. Itim ang kanilang fitted na uniform, mga naka-gas mask, goggles at helmet sila, at may hawak na high tech na baril.
"Hoy, bata. Alam mo kung anong nangyari dito?" tanong ng isang Elite Guard.
Hindi ako makaimik dahil paralyzed ako.
"Sir, mukhang siya po ang may gawa!" sabi ng isa.
"Kung ganun... Papuputukan ka namin kung hindi mo ititigil kung anuman ang ginagawa mo. Itigil mo na!"
Hindi ko tinigil ang pagpapalutang sa mga bagay at dinagdagan ko pa ito ng mga basag na mga salamin dahil hindi ko kontrolado ang emotion at ang telekinesis ko. Ihinagis ko sa kanila ang mga nakalutang.
"Ah, ganun ha! Fire!"
Nagpaputok sila pero lumutang lang din ang mga bala.
"Sandali!" sigaw ni Zane. "Baka may nagkokontrol sa kanya.
"Hold your fire. Anong ibig sabihin mo munting binibini?"
Biglang pinuntahan ako ni Zane na parang superhero sa kanyang kilos. Buti na lang hindi ko siya nagawang saktan. Nang hinawakan niya ako, nawala ang galit ko at nakita ko ang pink niyang aura. Ang ibig sabihin ng pink na aura ay pag-ibig.
Tinignan niya ang tenga ko at nakita niya ang transceiver ko. Dinurog ito ni Zane. Bumagsak ang mga nakalutang na mga bagay at kumalma ako.
"Ano ito?" tanong ng leader ng Elite Guard.
"Hinablot ako ng lalaking nakaitim at nilagay iyan sa tenga ko. Papatayin daw niya ang pamilya ko kapag tinanggal nila 'yan sa akin."
"Sige, kung ganun kailangan mong sumama sa amin."
"Huwag na. Dalhin na lang natin itong transceiver."
"Sige. Men! Let's move out!"
Kung paano sila pumunta, ganun din sila umalis.
Hinimatay ako. Buti na lang at hindi ko masyadong naapektuhan ang electricity ng academy.
BINABASA MO ANG
Cat in Wolves' Clothing
ActionSi Willow Fantasma ay galing sa pamilya ng mga spy. Minsan sya ay 'di napapansin dahil sa aura niya na galing sa mga magulang niyang spy na pinakamagaling na nabuhay sa Justice Inc. Siya na ba ang susunod sa yapak nila? Nang magkaroon sila ng misyon...