A Vision

11 5 0
                                    

  Isang maaraw na umaga, eksatong 7 a. m., lahat ng estudyante ng Cunninghood Academy ay pinapila na parang sundalo.Pumunta si Commander April Forthwind sa harapan. 

 "Ako si Commander April Forthwind. Katulad ng sinabi ko kahapon, pagmamay-ari na kayo ng eskwelahang ito kaya gagawin niyo lahat ng ipapagawa ko sa inyo! Maliwanag?! Sagot?!" 

 "Ma'am, yes! Ma'am!" tugon namin. 

 Buti na lang malayo siya kundi, maliligo kami sa laway at mabibingi sa sigaw niya. 

 "Nagte-training at may exercise tayo ngayon. Pero magpapakilala muna kayo! Walang gagalaw! Tumayo ng tuwid! Ikaw?! Anong pangalan mo?" 

 Lumapit siya sa lalaking brown ang buhok at mga mata. 

 "Ako po si Baxter Sedge, ma'am! Ako ay galing sa Blaxton City, ma'am!" 

 "Malamang. Magandang pangalan! Kapangalan mo ang aso ko!" sagot ng commander. 

"Ikaw na nasa likod niya!" 

"Ako po si Zane Hawkins, ma'am. Galing ako sa Summerville, ma'am." 

 Sagot ng babaeng may cute na boses, naka-eyeglasses, violet ang buhok at may mga yellow na mga mata. 

 "Lakasan mo!" 

 "Ako po si Zane Hawkins, ma'am! Galing ako sa Summerville, ma'am!" 

 "Magaling. Saan ba ipinaglihi ang boses mo? Sa ipis?" 

 Hindi nga siya sumisigaw ngayon, nakakasakit naman siya ng damdamin. Hay... Buti na lang nasa dulo ako.Lumapit naman ang commander sa isang lalaking payat, may itim na buhok at gray na mga mata. 

 "Ikaw! Sino ka?!" 

 "A-ako po si Rylan Sterndale. Ako po ay galing sa E-edinburgh City." 

 "Ang macho ng pangalan mo! Hindi bagay sayo!" 

 "Ikaw! Sino kang loko ka?!" 

 Tumingin ang commander sa isang lalaking may green na buhok at may mga malaking green na mata. 

 "Ako po si Mitchell McGinty! Galing po ako sa Blaxton City!" 

 "Ang ganda ng pangalan mo! Pambabae!" 

 Tumagal ng mga fifteen minutes ang pagpapakilala. Ang iba ay nilagpasan ni Commander Forthwind at ang iba ay binulyawan niya.Nang papalapit na siya sa sa akin, nilagpasan niya ako at kinindatan ako. Nanginig at pinagpawisan ako ng dahil dun; muntik na ring himatayin. Marami ring nilagpasan ang commander. Siguradong ang mga batang nilagpasan ay kusang pumasok sa academy na ito.Napagod yata ang commander. Humingi na kasi siya ng megaphone at nagsalita ng mahinahon pero seryoso: 

 "Dahil nalaman ko na ang mga pangalan niyo, magsisimula na tayong magtraining. Matinding training! Kung hindi kayo makakapasa, magiging lab rats kayo." 

 Nakakita ako ng vision galing sa third eye ko ng nabanggit ang lab rats. May nakita akong scientist na naka-face mask, nakasuot ng laboratory gown, at nagpapainom ng kulay asul na chemical sa isang batang kaedad ko. Naging kulay pula ang buhok ng bata at naging kulay ginto naman ang mga mata ngunit nagkaroon ng allergic reaction, nagsuka at namatay ang bata. Itinapon siya sa isang bakal na garapon kasama ng iba pang namatay dahil sa chemical na iyon. Dapat kong malaman kung ano ang kwento sa likod nun. 

 "Private Reed!" sigaw ni Commander April. 

 "Ma'am, yes, ma'am?!" sabi ko, may kasamang pagkagulat.  

  "Carry on." 

 Anu daw? May masabi lang talaga itong si Commander Forthwind. May gusto yata sa akin ito. O kaya nahalata niya siguro na may malalim akong iniisip.  

Cat in Wolves' ClothingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon