Chocolate

8 5 0
                                    

  Pag labas ko, may naramdaman akong nakamasid sa akin... Kailangan kong mag-ingat sa kanila.Pagkatapos ng klase, malamang, lunchbreak na. Mukhang pangkaraniwan ang cafeteria ng academy. Pangkaraniwan ang design, maingay dahil sa mga estudyante at kubyertos. Ang mga faculty member ay nakahiwalay sa mga estudyante. 

Habang nakapila at may bitbit na tray kasama ang mga roommates ko para sa pagkain, nakikinig ako sa kulitan nila. 

 "Ano kayang pagkain dito? Masarap kaya?" tanong ni Baxter. 

"Sana masarap para masayang mag-training!" sagot ni Mitchell. 

 "Pormahan na lang natin yung nagbibigay ng pagkain para laging masarap ang pagkain natin." 

 "Para namang papansin ka ng dalaga iyon." 

Hay... Malamang ito ang paborito nilang pag-usapan. 

 "Tumahimik nga kayo diyan!" suway ni Zane sa kanila. 

 Nang natapos na kami sa pagkuha ng lunch, humanap kami ng pwesto. 

"Dito tayo!" sabi ni Rylan. 

 Umupo kami at sinimulan ang pagkain. Nasa bandang gilid ako ng upuan, katabi ko si Rylan at Zane at nasa harap ko naman si Baxter at Mitchell.Inuna ko ang inumin na nakalagay sa maliit na tetrapack. Kulay brown ang kulay ng lalagyan. Baka chocolate ito. Ininom ko. Nagulat ako sa unang tikim at binuga ko iyon sa mukha ni Baxter. 

 "Ano bang problema mo?" sigaw niya. 

 "Pasensya na. Ang pait kasi ng kapeng ito." 

 "Hoy. Bakit nagsasayang ng kape? Hindi mo ba alam na paborito ko iyan at ipinagbabawal na sayangin iyan." sabi ng isang 'di kilalang boses sa likod ko. 

 Ang pumasok sa isip ko ay si Robin Grey, isang senior, 16 yrs. old. May itim na buhok at dark green na mata. Maaring mas tangkad siya sa akin pero kayang-kaya ko siya.Tumayo ako at lumingon sa kanya. 

 "Pasensya ka na pero hindi ako pumapatol sa 16 year old na senior. Baka mapataob lang kita." sagot ko na may kayabangan. 

 "Aba, psychic type ka pala kaya nalaman mo ang basic details sa akin. Kung ganun, inumin mo iyan!" 

"Sige ba."Ininom ko nga at binuga ko sa mukha niya. 

 Bigla niya akong sinuntok sa mukha pero nahawakan ko ang kamay niya. Nawala ang ngiti sa mukha niya nang dinurog ko ang kamao niya. 

 "Ahh!" sigaw niya. Napaatras siya. Naagaw ko ang atensiyon ng iba pang kumakain. 

 "Heh! Malakas ka pala. Hindi ko inaasahan iyun." 

"Laban! Laban! Laban!" udyok ng mga ka-schoolmate ko. 

 Pumalibot ang mga schoolmate ko na parang manonood ng mga street fighting.Pinaulanan ako ni Robin ng mga suntok at sipa pero walang tumama sa akin ni isa. Umilag lang ako. Inaamin kong magaling ang fighting style niya pero hindi niya ako masusuntok. Kaya ako binansagan na Phantom Cat ay dahil magaling akong umilag at makipaglaban. 

 "Tumayo ka ng tuwid para masuntok kita! Nasa laban tayo!" sigaw niya. 

 "Nasa laban pala tayo? Akala ko nakikipagsayaw ka sa akin." 

 "Aba! Ang yabang mo talaga." 

 Bigla ko siyang sinuntok sa tiyan niya at bumagsak siya. Kitang-kita sa mukha niya ang sakit na nakuha niya sa akin. 

 "Hmm... Sulit pala ang pagpapahirap sa akin ng tiyo ko sa akin o baka weakling lang ang isang ito." bulong ko habang nakatingin sa kaliwang kamao ko. 

 "Anong kaguluhan ito, ha?" sabi ng estranghero na may mga kasama. 

 "Boss Rosseu, binugbog niya po ako." 

 Tumingin sila sa akin. 

 "Ha? Ano ka ba naman, Robin! Nagpabugbog ka sa bata? Hahahah! Simula ngayon tanggal ka na sa grupo!" 

 "Huwag po, Boss Rosseu!" 

 Nakakaawa siya. Dapat pala hindi ko na lang siya pinag-aksayahan ng panahon. 

 "Hoy, bata! Anong pangalan mo?" tanong ni Rosseu. 

 "Wallace Reed." 

 "Dahil nasa mood ako, aayain kitang sumama sa grupo ko. Ako nga pala si Rick Rosseu." 

 "Huwag na. Masaya na ako sa ganitong status ng buhay ko." sagot ko na may kasamang ngiti. 

"Bahala ka. Basta balato ko na lang sa iyo si Robin." 

 Tumalikod siya, kumaway at umalis. 

 "Ha? Ano daw?" tanong ko sa sarili. 

 "Ang astig mo pala, Wallace!" sabi ni Baxter. 

"Hindi naman." sagot ko na may kasamang ngiti. 

 "Simula ngayon, ikaw na ang boss namin, heheh!" dagdag ni Rylan. 

 Umupo kami at tinuloy ang pagkain. May waitress na lumapit sa akin na may tray at chocolate na naka-tetra pack. 

 "Ikaw ba si Wallace Reed?" tanong niya. 

 "Ipinabibigay ng school doktor." 

 "Ahh... Pakisabi na lang, salamat." 

 Nakakapagtaka naman. Sa palagay ko, galing ito sa principal at director ng academy.  

Cat in Wolves' ClothingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon