In the Office

30 6 2
                                    

 Buong pamilya kaming ipinatawag ng Director. Ngayon ko pa lang siya makikita at dahil dun ay excited ako. Ano kaya ang itsura niya? Siya kasi ang pinakapinuno ng Academy at Justice Incorporated. Balita ko, naghihinala siya sa kalabang academy, ang Cunninghood Academy. Ang panig kasi namin ang pumipigil sa mga krimen na hindi kaya ng mga simpleng pulis. Kaya itinayo ang paaralan namin ay para i-train kami na pigilan ang mga bigtime na krimen at iba pang may kinalaman dito. 

Habang naglalakad kasama ng mga magulang ko, sa mahabang hallway at papalapit sa malaking pintuan, iniisip ko pa ang itsura niya. Kahit na pwede ko namang malaman agad ang mukha niya. Hindi ko namalayang nasa office na kami ng director. 

 Nang binuksan ng dalawang agent ang pintuan, nakita ko ang maaliwalas na opisina. Nakatalikod at nakatanaw sa malayo ang director ng Justice Incorporated nasi Director David Delbert. Nakaharap siya sa malaking bintana kung saan makikita ang mga ulap. Pero isa pala itong screen nang nagpalit ng imahe at naging kagubatan ito. 

 "Darren at Mary Bancroft... Kayo ang pinakamagaling at pinakasikretong mga spy. At aba, kasama nyo si Willow, ang Phantom Cat. Wala pang nagkamali sa inyo sa pagiging spy."

Phantom Cat? Nalaman na niya pala ang bansag sa akin ng mga kapwa ko estudyante.

 Sa palagay ko nalaman niya kung ilan kami kasi nakatingin siya sa makinang na vase na malapit sa kanya. Bigla syang humarap sa amin na nakatayo malapit sa kanya sa pamamagitan ng upuan nyang umiikot.Si Director Delbert ay maputi, nasa 40 ang edad, brown ang buhok at ang mga mata, nakasuot siya ng itim na leather coat, leather gloves at may itim na peaked cap. 

 "Pinatawag ko kayo dahil panahon na naman ng anihan. Anihan ng mga taga-Cunninghood Academy. Alam kong hindi natin mapipigilan ang mga pagkuha nila ng mga batang inosente para turuan maging assassin o mersenaryo. Kahit na may mag-aaral din sila doon na hindi nila sapilitang kinuha." 

 "Hindi sapilitang kinuha? Akala ko puro kidnap lang ang mga student nila. Kung sabagay, sino ba naman ang hindi mag-eenjoy sa mga benefits pag naging loyal ka sa kanila." sabi ng nanay ko. (ni Mary Bancroft) 

 "Oo, tama ang narinig mo. May mga taga-suporta sila. Mga alma mater nila at doon nila pinapag-aral ang mga anak nila. Pero di natin sila mapipigilan dahil malakas sila at walang nagrereklamong mga magulang. Pero kaya natin silang pahinain hanggang sa tuluyang bumagsak. Aalamin namin ang mga plano nila. At dun ka papasok, Willow." 

 "Hindi kami ang papasok dun? Sinong ipapalit mo sa amin?" tanong ni tatay ko. (ni Darren Bancroft) 

Tumingin silang lahat sa akin. 

 "Hindi dahil mahahalata nila kayo. At isa pa, magaling din naman itong si Willow. Hindi ba? Ito ang plano..." 

 Pinaliwanag sa amin ang plano. Magpapanggap kaming simpleng mamamayan ng Edinburgh. Pupunta sa isang marketplace para makuha ng mga taga-Cunninghood Academy.Pagkatapos ng pag-uusap, nagpaalam ako sa mga magulang ko at pumasok agad ako sa kwarto ko sa dormitory at nagpahinga. Sa aking higaan, natatanaw ko sa aking bintana ang mga magandang bituin. Nakalimutan ko, footage lang pala ito ng mga tunay na mga bituin. Nasa sikretong underground kami. Naiisip kong naiinip na ako sa boring na buhay ko pero sa mga susunod na araw ay may exciting na pangyayari ang darating. 

 Sa wakas, matatapos na rin ang boring pag-aaral ko bilang spy agent. Magsisimula na ang misyon namin bukas.

Cat in Wolves' ClothingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon