Reporting

8 4 0
                                    

Weekend ngayon at wala akong magawa dahil walang klase. Maaliwalas ang panahon pero malamig dahil sa sea breeze. Mukhang ordinaryong paaralan lang ang itsura sa labas pero may mga naka-park na helicopter at iba pang sasakyang panghimpapawid.

Presko sa field pero nakakainip. Kaya pumasok ako ng dormitory at tumambay na lang ako sa higaan at nakatingin sa bintana samantalang ang mga kaklase ko ay naglalaro sa labas.

Nag-meditate ako ng isang oras habang naka-lotus pose at pran mudra at nag-yoga ng kalahating oras para matanggal ang inip.Marami akong nagawang yoga poses katulad ng head-to-toe pose, boat pose, half lord of fishes pose, camel pose at iba pa. Nawala ang inip ko nang ginawa ko ang happy baby pose. Nakakagaan din ng loob ang asana o yoga pose na iyon.

Habang naka-tree pose ako, may naalala ko. Magre-report nga pala ako kay dad o mom tungkol sa mission ko. Saan kaya ako magtatago para walang makarinig sa akin? Sa banyo? Hmm... Hindi, ang baho doon kapag may nagpapakawala ng sama niyang tiyan. Sa air vent? Tama! Sa air vent. Binuksan ko ang air vent para makapag-report kaso ang sikip. Para akong nasa kabaong. Inilabas ko ang aking transceiver na parang walkie talkie pero kasing liit ito ng thimble o didal. Inilagay ko ito sa aking tenga at pinindot.

"Phantom Cat to base." sabi ko.

"Si Stealth Lion ito. Go ahead." sagot ni dad sa kabilang linya.

"Nagawa ko na ang pinagagawa ni boss."

"Magaling. Siguradong galit na siya."

"Talagang galit." sagot ko na may kasamang tawa.

"May bago kang task."

"Ano po iyon?"

"Isabotahe mo ang electricity ng buong academy."

"Negative. Baka bumagsak ang buong building."

"Hindi iyan. Iba ang nagpapatakbo sa mga anti-gravity craft nila at sa mga ilaw at iba. Magagawa mo ba?"

"Affirmative. Gagawin ko bukas."

"Magaling. Magagawa mo ba sa pamamagitan ng psychic power?" tanong ni dad.

"Affirmative. Pero baka kailangan ko ng tulong."

"Hindi ba ang uncle mo ang nagti-trigger niyan?"

"Affirmative. Minsan nakokontrol ko na ito."

"Good luck bukas. Stealth Lion out."

"Roger that."

Hay.... Baka magloko ang lahat ng dinadaluyan ng electricity o lumutang ang lahat ng bagay pag naalala ko ang masamang nakaraan ko. Sana hindi madamay ang anti-gravity craft nila kung hindi lahat kami ay mamamatay.
Lumabas na ako galing sa air vent dahil nararamdaman kong palapit na ang mga ka-roommate ko. Nang nakapasok na sila, nagkunwari akong natutulog.

"Hmm... Tulog pa rin si Wallace?" tanong ni Zane.
"Ang tamad pala niya." sabi ni Baxter.

Nainis ako sa narinig ko kaya mabilis kong tinanggal ang kumot at bumangon.

"Hoy! Sinong sinasabihan mong tamad?" sigaw ko. Sabay hagis ng unan kay Baxter.

"Wah?!" Nagulat sila sa akin.

Gumanti si Baxter pero natamaan si Zane bago niya ito ihagis sa akin. At hindi namin napansin na nagpi-pillow fight na pala kaming lahat sa kwarto.

Cat in Wolves' ClothingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon