Wallace Gang

11 4 1
                                    

Sa wakas ay bumukas na rin ang mga pinto at lumabas na ami.

"Dahil sa pangyayaring ito, ang mga klase niyo ay ipapaliban muna." sabi ng teacher.

"Yehey!" sigaw ng buong klase na may kasamang saya.
"Magkita tayo bukas."

"Aw..." Biglang nalungkot ang buong klase.

Sa kabilang banda, nag-report sa director ang leader ng mga Elite Guard.Sumaludo siya sa Director.

"Sir! Reporting for---"

"Pumasok ka na. Ano na naman iyon Captain Danes?" tanong ni Director Gorman.

Nilapag ni Captain Danes ang transceiver sa lamesa ng director.

"Hmm... Gumamit na naman sila ng bata?"

"Yes, sir. Siya pa rin ang ginamit nila. Hindi kaya alam na nila na siya ang aampunin niyo?"

"Nagkataon lang siguro. O maaaring may espiya dito sa loob. Magmasid pa kayo ng maigi."

"Yes, sir."

Kasalukuyang inaayos ang nasira naming classroom. Nag-aalala ako. Baka kasi nagalit ang buong klase dahil ako ang pumigil na magturo si Sir Daniel. Kinabukasan, mga 6:30 ng umaga, nagising ako. Naka-sando, shorts at tsinelas lang ako as usual tuwing matutulog at tuwing umaga, may bitbit akong tuwalya at toothbrush. Nagtaka ako at bakit wala ang mga ka-roommate ko?

Lumabas ako para pumunta sa public bathroom at maghanda sa klase mamaya. Nakita ko ang mga kaklase ko na nakasandal sa pader at nakapambahay pa rin katulad ko.

Naka-tiger look sila. Nag-bow sila na parang mga Japanese at sabay-sabay na sinabi:

"Marami pong salamat, pinuno!"

"Anong kalokohan ito? Ano ako, pinuno ng mga tamad pumasok?" tanong ko na may konting inis.

May lumapit sa akin, si Meredith, at hinawakan ang kamay ko. Mukha siyang natutuwa sa akin.

"Simula ngayon ang section natin ay tatawaging Wallace Gang."

"Ano?" nagulat ako.

Nagpalakpakan sila. Hindi ko sila pinansin.

"Tss... Makaligo na nga lang at nang makapag-almusal na." sabi ko.

Sumunod sila na parang mga fans na magpapa-autograph samantalang ang mga roommates ko ay parang mga bodyguard ko, naka-shades sila at may earphone pa talaga. Anong kalokohan ito? Sakyan ko na nga lang. Sabi ko na nga ba, panaginip lang ito. Nagising ako bigla.

Nakakatakot pero ganun din ang nangyari sa waking life ko pero nang papaalis na kami, may Elite Guards na humarang sa amin.

"Protektahan si Lord Wallace!" sigaw ni Baxter.

Sumiklab amg riot nang dahil sa akin. Umupo na lang ako sa gitna ng hallway at nag-face palm.

"Tumigil kayo." sigaw ko.

Tuloy pa rin sila sa rambulan.

Sumigaw ako ng malakas. "Tumigil kayo!!!"

Tumigil sila.

"Mga Elite Guards, sasama na ako."

Inabot ko ang kamay ko sa isa sa mga Elite Guard.

"Wala akong posas. Nakalimutan ko." sabi ng isang Elite Guard.

"Heto, hiramin mo." sabi ng isa pa.

"Hindi na kailangan. Kalmado naman siyang sasama."

"Boss, ganun na lang? Susuko ka na?" tanong ni Rylan, habang umiiyak.

"Oo, huwag kayong mag-alala. Ayos lang ako."

Naging escort sila papunta sa principal. Medyo nakakahiya ang itsura ko dahil nakapambahay lang ako ay may tuwalya pa sa balikat at napapaligiran ng mga pribadong sundalo. Dumaan pa talaga kami sa room ng mga senior students. Pinagtatawanan nila ako. Nag-dirty finger na lang ako sa kanila.

"Pahiram nga ng kumot!" sabi ko sa mga kasama kong Elite Guard.

May nag-abot ng itim na cloak.

"Salamat! Mukha na kasi akong porn star dito."

Cat in Wolves' ClothingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon