"Hoy, bata! Gumising ka!"
Nagising na lang ako nang tapos na ang talumpati at napansin kong ako na lang ang bata sa lugar na iyon. May gumising sa akin na officer na nakablue na uniform at tinutukan ako ng baril. Ninerbyos ako at dahil dun ako ay lumutang. Marunong kasi akong mag-levitate o lumutang pero minsan hindi ko ito makontrol.
"Tatakas ka pa? Hindi ka makakatakas dito sa amin!" sabi ng isang cadet.
"Hindi po. Ganito lang ako pag natatakot!"
May babaeng officer na lumapit sa amin. Napakaganda niya. May pula syang mga mata at mahabang itim na buhok. Namumula din ang kanyang labi at pisngi. Sa uniform niya ay mukhang mas nakakataas siya ng posisyon sa lalaking gumising sa akin. Medyo nakakatakot siya dahil sa dala niyang latigo.
"Hindi siya makakatakas dito kaya naniniwala ako sa kanya. Hindi bale, mukhang mabait naman siya. Ako na lang ang maghahatid sa kanya."
Hinatak niya ako sa pamamagitan ng latigo at dinala papalabas ng gathering hall.Habang naglalakad, bigla siyang natawa.
"Nakakatawa hindi ba? Parang isa akong bata dahil sayo. Para kang pulang lobo nung bata pa ako. Nung dinukot nila ako mula sa peryahan."
Biglang humina ang boses niya nung nabanggit niya ang huling sentence na binanggit niya.
"Oo nga pala, ako si Commander April Forthwind. Galing ako sa Blaxton City. Ikaw, anong pangalan mo?"
"A-ako si Wallace Reed, galing sa Edinburgh City. Nahuli nila ako sa Cleves..." sagot ko.
Nang nakarating na kami sa kwarto ko, huminahon ako kaya dahan-dahan akong lumapag.
"Sige, bukas na lang ulit!" sabi niya, habang nakangiti.
"Sige po, Commander!" sumaludo ako.
"Humanda kayo bukas, hihihi."
Kinabahan ako kahit nakangiti siyang sinabi yun. Kumaway siya at umalis.
Pumasok ako sa aking kwarto. Napansin kong may tatlong double deck bed ang nakapwesto sa room. Sa bawat higaan ay nakahandang mga uniform. Ang design ng uniform namin ay parang pangkaraniwan lang pero ang pang-P. E. uniform namin ay parang pang-spy.
"Oy, may bagong dating. Binyagan na 'yan!" biro ng lalaking may brown na buhok at mga mata.
"Hahah, hindi ito bilangguan." sagot ng lalaking may itim na buhok at gray na mga mata.
Mukhang masayahin pa rin sila kahit na bihag sila ng academy na ito.
"Parang ganun na din yun pero isa itong corrupted na institution. Kahit ganun, binyagan na iyang neophyte!" Ang pagsang-ayon ng lalaking may green na buhok at may mga malaking green na mata.
"Tumigil nga kayo! Makatulog na nga." sigaw ng babaeng may violet na buhok at yellow na mga mata.
"Pasensya ka na sa amin, anong pangalan mo?"
"Ako si Wallace Reed." sagot ko.
"Ako naman si Rylan Sterndale. Ito naman sila Mitchell McGinty at Baxter Sedge. At yung babae dun ay si Zane Hawkins. Naligaw yata siya dito o latak sa mga girls."
"Hello, Wallace!" sagot nila Mitchell at Baxter.
"Nice to meet you."
May biglang lumipad na unan galing sa likod nila at umiwas ang tatlo kaya ako ang natamaan.
"Hindi ako latak! Pasobra, hindi latak!" sigaw ni Zane sa tatlo na parang halimaw.
"Naku po! Natamaan si Wallace!" sabi ni Baxter.
"Hahah! Ayos lang ako."
"Maganda ka sana kaso halimaw ka kung magalit."
"Anong sinabi mo Mitchell?"
At binukulan ni Zane ang tatlo habang ako ay hindi nila napansin na natutulog na sa aking kama.
BINABASA MO ANG
Cat in Wolves' Clothing
ActionSi Willow Fantasma ay galing sa pamilya ng mga spy. Minsan sya ay 'di napapansin dahil sa aura niya na galing sa mga magulang niyang spy na pinakamagaling na nabuhay sa Justice Inc. Siya na ba ang susunod sa yapak nila? Nang magkaroon sila ng misyon...