Boxing class sa isang malaking gym ng academy... May mga estudyante na nag-iisparing sa isa't-isa habang nakabantay ang coach nila. Ang lahat ng pares ng estudyante ay nasa labas ng ring samantalang ang coach ay nasa loob ng ring para makita niya ang lahat. Sila ay magagaling ngunit may natatanging pares ang nakaagaw ng pansin sa iba. Para silang professional boxers kung kumilos kumpara sa iba.
"Kayong lahat! Tumigil muna kayo! Fantasma! Jacobson! Umakyat kayo dito." utos ng coach.
Nagpahinga ang ibang estudyante sa pamamagitan ng pag-upo habang nagpupunas ng pawis at pag-inom ng tubig.
"Hay, salamat. Nakapagpahinga din. Ano kayang balak ng coach natin?" sabi ng isang estudyante.
"Mukhang paglalabanin yung dalawa." sagot ng isa.
Pumunta sila sa ring. Ang dalawang estudyante ay sila Willow Fantasma at Chuck Jacobson.Si Willow Fantasma ay naka-blue na headgear, sando, shorts at gloves samantalang si Chuck Jacobson ay kulay pula ang mga gamit niya.Si Willow ay twelve years old,psychic type agent, maputi, mayplatinum blond na buhok, mayasul na mga mata at medyopayat pero well trained na spy, at ako yun... Samantalang si Chuck ay nakataas pa rin ang blond niyang buhok kahit naliligo na siya sa pawis, may malaking green na mga mata, at katamtaman ang kanyang pangagatawan.Umakyat sila at nagsilbing referee ang coach. Sinabi niya ang mga simpleng rules sa mga estudyante.
At humudyat ang referee:"Fight!"
Humiyaw ang buong klase. Nagche-cheer sila sa amin at may narinig pa akong nagpupustahan.
"Heto na po ang pinakahihintay na paglalaban ng dalawa sa mga magaling sa klase, sila Chuck at Willow! Ano kaya ang mangyayari sa kanila? Sino kaya ang bugbog sarado? Sino kaya ang uuwing panalo?" sabi ng kaklase naming mala-announcer, si Ed Craven.
"Pasensya ka na Chuck pero gagamitin ko na yung technique na naisip ko." sabi ko.
"Ayos lang! Kayang kaya ko yan." tugon ni Chuck.
Mabilis akong lumapit na parang nagte-teleport sa tuwing hihinto.
"Lumingon kung saan-saan si Chuck pero hindi niya makita si Willow." sabi ni Ed.
"Teka? Saan na siya?" tanong niya sa sarili.
Hindi niya napansin na nasa harapan niya ako at nasuntok ko siya ng malakas.
"Mukhang nahilo si Willow; muntik na siyang bumagsak pero hindi siya natinag." puna ng announcer.
"Alam kong malakas ka pero kaya kitang pabagsakin. Hindi na kailangan ng psychic ability ko."
Naka-off ang third eye ko dahil mahirap pagsabayin ang intuition at ang physical strength ko.
"Buti alam mo... Datapwat mabilis din ako!" sabi niya.
Hindi ko inaasahang nasuntok ako sa mukha. Medyo nahihilo ako. Babagsak na sana... Ngunit tumigil ako sa pagbagsak at mukha akong umiiwas sa bala. Lalong lumakas ang hiyawan ng mga kapwa ko estudyante.
Chuck! Chuck! Chuck!
Willow! Willow! Willow!
Ang sabi ng mga kaklase namin at naghalo-halo ang mga tunog nito dahil sabay-sabay silang sumisigaw.
"Napatagal si Willow sa position na yun. Ang lakas pala ng suntok ni Chuck!"
Mahina man ako pero alam ko ang weak points ni Chuck. Tinamaan ko lahat yun.
"Mukhang nanghina si Jacobson dahil sa mga binitiwang suntok ni Fantasma, gumanti ng mga suntok kay Fantasma. Nang napagod siya, inalis ni Fantasma ang defensive stance niya at lumapit kay Jacobson at binigyan ng head bat. Bumagsak po si Jacobson!"
Lalong lumakas ang hiyawan ng mga manonood. Binilangan ni coach si Chuck at hindi siya nakabangon agad.Pagkatapos ng laban, dinala nila kami sa clinic at nilapatan nila ng first aid. Wala paring malay si Chuck pero sabi ng school nurse ay ayos lang siya. Ang ibang kaklase ko ay pumunta ang sa locker room para magbihis at ang iba ay bumati sa akin.
"Uy, galing mo, Willow, kahit maiksi lang round."
"Salamat, Ed!"
"Ang galing talaga ng mga technique niyo. Paano ba yun?"
"Ganito yun...."
Biglang sumulpot ang tatay ko.
"Willow!"
"Sige, magpahinga muna kayo ni Chuck. Maiwan muna namin kayo. Kumusta, Mr. Fantasma!"
"Ayos lang naman ako, Ed."
Nang nakalabas na sila, tinanong ko siya.
"Anong meron, dad?" sabi ko habang nagpupunas ng pawis.
Napansin ni dad ang dalawang band aid sa aking ilong at pisngi.
"Mukhang napalaban ka."
"Opo!"
Umupo muna ako dahil nanginginig ang aking mga tuhod dahil sa laban.
"Oo nga pala, pinapatawag tayo ng Director." sagot ni dad sa seryosong paraan.
BINABASA MO ANG
Cat in Wolves' Clothing
AksiSi Willow Fantasma ay galing sa pamilya ng mga spy. Minsan sya ay 'di napapansin dahil sa aura niya na galing sa mga magulang niyang spy na pinakamagaling na nabuhay sa Justice Inc. Siya na ba ang susunod sa yapak nila? Nang magkaroon sila ng misyon...