Adopted

12 3 2
                                    

  Nakita ko ang magandang figure na nakatalikod na si Principal Gorman. "Pinatawag niyo daw ako?" tanong ko. 

 "Iwan niyo muna kami." sabi ng principal. 

 Umalis ang mga escort ko at isinara ang pinto. Tatlo kaming naiwan sa office. Ako, ang principal at ang secretary niya na nakatayo sa likod ng principal. Ang sexy ng secretary kahit na naka-corporate dress siya, nakapusod ang itim na buhok at nakasalamin. 

 "Anong gusto mo? Coffee, tea o hot chocolate?" 

 "Pwedeng damit na lang?" 

 "Julie, pakibigyan mo nga siya ng uniform." utos ng principal sa secretary. 

 "Opo!" Tinakpan ako ng itim na tela ng secretary at nang tinanggal niya ay naka-uniform na ako. 

"Salamat." 

 "Walang anuman, naging magician din ako dat. " sagot ng secretary. 

 "Nagustuhan ka namin ng asawa ko. Magaling, malakas at matalino ka. Tahimik ka rin pero may potential ka. Tumatanda na kami kahit hindi halata kaya kailangan na namin ng tagapagmana. Kaya naisipan namin ng asawa ko na ampunin ka na lang, ayos lang ba sa iyo?" 

 "Uhm, sige... Ayos lang po. Pero wala po ba kayong anak bukod sa akin?" 

 "Namatay siya. Pinatay siya ng mga taga-Justice Institute." 

 "Pasensya na po at hindi ko na dapat tinanong." 

 "Ayos lang." 

 Naglabas ng adoption paper si Principal Gorman mula sa drawer ng table at isang fountain pen. 

"Pirmahan mo dito, dito at dito." sabi niya habang tinuturo niya ang mga spot na dapat pirmahan. 

"Sandali. Pag-iisipan ko muna." 

 Biglang lumitaw ang nagparamdam sa akin nung nakaraan sa panaginip. 

 "Huwag mong pirmahan!" sabi ng multo sa tabi ng principal. 

 "Wala kang pakialam." sabi ko sa isip ko. 

 Bigla siyang naglaho. Hay... Hindi kaya siya ang anak ng mag-asawang principal at director ng academy. Bahala na basta walang personalan. Trabaho lang. Binasa ko ang mga papeles habang nag-iisip. Tatanggapin ko ba o hindi? Kung hindi ko tanggapin, baka paghinalaan nila ako. Bahala na nga! Pinirmahan ko na ang mga papeles at binigay iyon sa secretary niya. 

 "Salamat, Wallace. Isa ka ng Gorman ngayon. Sa mga susunod na araw, sa foundation day, ia-announce namin ito sa madla. Natutuwa ako dahil tinanggap mo kami."Nilapitan at hinalikan niya ako sa noo. 

 "Natutuwa din po ako." 

 Naku, lagot. Ano kaya ang sasabihin ko kay dad? Paano ko ito sasabihin na inampon ako ng kalaban ko. Kinakabahan ako!

Kinagabihan ay kinausap ko ang tatay ko tungkol sa adoption.

"Ayos lang iyun. Mas marami kang malalaman tungkol sa kanila." sagot niya pagkatapos kong ikwento ang mga nangyari.

"Hay, mabuti naman po kung ganun. Akala ko po ay magseselos na kayo."

"Nah, hindi. Dahil dapat nating bawasan ang emosyon sa ating misyon."

"Okay, sir. Phantom Cat out.""


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 07, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Cat in Wolves' ClothingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon