Ang observation ko sa backyard ng academy ay parang pangkaraniwan ang design, may konting puno at halaman, may gripo para inuman at malawak ang field para pagdausan ng PE class. Pero sa kalayuan, may helipad at parking ng mga jet at iba pang sasakyang lumilipad.
Pinag-warm up exercise kami ng commander, pinag-push up, sit up, at two kilometer (2 km) run. Push pa lang ay hirap na ang iba, mapa-babae man o lalaki pero hindi sila sumuko. Dapat lang. Dahil wala pa yan sa kalahati ng training.
Buti na lang ay sisiw lang sa akin ang push up at iba pa. Nakikita ko tuloy ang sarili ko sa mga bagito sa pasakitan ng katawan. Pero hindi lang ako ang nadadalian sa exercise. Dalawang grupo sila. Siguradong mga anak sila ng mga supporter ng academy.Nang water break na, pinagmasdan ko ang isa sa dalawang grupo na napansin ko sa pamamagitan ng metal tumbler ko at nakinig sa kanilang usapan. Ginawa ko itong salamin.
"Hay... Bakit hindi na lang sila gawing lab rats agad ang mga weakling na 'yan?" sabi ni Jenny Villa habang umiinom ng tubig.
"Baka kasi madagdagan ang supporters ang academy." sagot ni Cederic.
"Sherman! Pahiram ng towel."
"Oh, heto!"Hinagis ni Sherman Riley ang hinihingi niya.
"Naghahanap pa yata sila ng karagdagang muscle." sabi ni Kith Lennox habang pinapakita ang biceps niya.
"Liit naman ng sa'yo. Tingnan mo yung akin." sabat ni Kin Lennox.
"Hoy. Mga kambal! Tumigil nga kayo diyan sa payabangan niyo? Akala niyo nakakatuwa kayo?"
At sinuway sila ni Meredith Robinson.
Biglang nag-vibrate ang kwintas ko at tumakbo ako sa gilid ng building. Tumatawag si ama. Pinindot ko ang pulang crystal.
"Anong balita, Willow?"
"Nakapasok na ako."
"Alam mo na ang gagawin mo. Gawin mo na mamayang gabi."
"Malabo 'yan."
"Bakit? Anong problema?"
"Mukhang mapapagod ako. Bukas na lang."
"Hay, naku. Ayan ka na naman, Willow."
"May halimaw kasi dito at pinapagod nila kami."
"Mabuti kung ganun."
Biglang may narinig kaming malakas na tunog na parang kidlat. Iyon ang latigo ni Commander Forthwind.
"Sige, dad, babalik na ako."
"Bumalik na kayo sa training, mga tamad!" sigaw ng commander.
Pagkatapos ng 2 km run ay marami ng gustong sumuko. Pinipilit pa nilang lumaban dahil may round two pa bukas at apat na taon namin ito gagawin.
Habang umiinom ako sa isa sa mga gripo, nilapitan ako ni Zane at Rylan.
"Wallace, hindi ka ba napapagod?" tanong ni Zane habang hinihingal at pawisan.
"Hindi. Athletic ako eh. Pero kung halimaw ang trainer mo, kahit sino mapapagod."
"Sana pala nag-exercise ako nung malaya pa ako. Pakiramdam ko hihiwalay na ang mga buto ko sa pagod." sagot ni Rylan.
"Masasanay din kayo. Hihi!" sabi ko na may kasamang ngiti.
Hay... Tapos na ang mahirap na exercise. Umakyat na ako sa double deck na kama. Nasa ilalim ko pala si Rylan. Bagsak lahat ng ka-roommate ko. Tulog lahat sila at naghihilik ng malakas. Nag-iba ang pakiramdam ko bukod sa medyo pagod sa training. Tumingin ako sa bintana sa itaas ko at nagulat ako sa nakita ko. Puro ulap ang nasa labas. Lumilipad at lumulutang pala ang buong school! Kaya pala may helipad at mataas ang bakod ng school. Kaya pala walang gustong tumakas sa mga kinuha ng academy. Tulog nga pala ako nung may lecture.
BINABASA MO ANG
Cat in Wolves' Clothing
ActionSi Willow Fantasma ay galing sa pamilya ng mga spy. Minsan sya ay 'di napapansin dahil sa aura niya na galing sa mga magulang niyang spy na pinakamagaling na nabuhay sa Justice Inc. Siya na ba ang susunod sa yapak nila? Nang magkaroon sila ng misyon...