Nilagay ko lahat ng damit ko para ayusin sa pangalawang kama ng double deck. Pumasok ang roommate ko. Nag-iimapake ako ng mga damit ko nang napansin ako ng roommate at pinsan kong si Chuck Jacobson na nakasuot ng uniform namin na kulay black.
"Aalis ka?" tanong ni Chuck.
"Oo, may mission ako. Gagawin akong pain para sa Cunninghood Academy."
"Kung ganun, hindi mo na kailangan ng mga damit."
Napakamot ako ng ulo. "Ay, oo nga pala." sagot ko habang tumatawa.
"Mga importanteng gamit lang ang kailangan ko. Ibibigay ko na lang ang mga damit ko kay mom."
"Anong dadalhin mo?"
"Isang volume ng manga, shounen magazine."
"Anong meron dyan? Yan lang ang dadalhin mo?"
Tinanggal ko ang leather na tali at binuksan ko ang libro sa harapan nya.
"Syempre may mga gadget ako dito. May spy suit, laser, tali at iba pa."
"Teka, sigurado ka bang shounen 'yan? Baka dating hentai o ecchi manga 'yan?" tanong ni Chuck.
"Hindi ah! Baka ikaw yun." At hinampas ko siya sa ulo ng hawak kong libro.
Nagsapakan kami na may kasamang biruan.
"Teka! Ayoko na!" sabi ko. Sabay inilayo ko ang paa ko sa pisngi niya.
"Ayoko na rin." At inilayo niya ang kutsilyo niya sa akin.
Tumalikod ako sa kanya at nag-ayos ng gamit. Nilagay ko sa bulsa sa loob ng jacket ko ang libro.
"Oo nga pala ano? Nakalimutan ko. Tinuro pala sa atin yan."
"Palibasa lagi kang tulog sa klase."
"Meditation yun!" sigaw nya.
"Iba ang pag tulog sa meditation! Kung meditation dapat narinig mo lahat yung itinuro aa atin. Palibasa magaling ka sa pag tulog kaya di ka napansing natutulog!"
Pag harap ko, nakatulog sya. Lumabas ako ng kwarto ng di nya naririnig ang yapak ng aking mga paa. Papalabas ako ng kwarto, akala ko hinimatay sya yun pala hinawakan nya ako sa paa habang ngumangawa.
"Huwag ka ng umalis, dude!"
"Pero kailangan kong umalis, dude. Hay, bahala ka nga dyan."
"Waah~!"
Parang comedy duo kami minsan.
Hanggang sa paglabas ko ng kwarto ay nakakapit pa rin sya. Pinagpag ko ang isa kong paa pero nakakapit pa rin sya. Nagspray ako ng pampatulog sa kanya at hinimatay sya. Nakadapa sya sa gitna ng daanan.
"Paalam, Chuck... Magkikita tayong muli o baka hindi na?"
Sumakay kami ng mga magulang ko sa sasakyan at pumasok kami sa malaking elevator. Nasa sikretong underground kasi ang Justice Inc. main office, ang school at ang dormitory namin. Ang maliit at pang mahirap na bahay na nakatirik malapit sa gubat ay tumiklop ang mga kahoy na pader at naging elevator at dun kami lumabas. Bumalik sa dati ang bahay nung nakalayo na kami. Pupunta kami sa sikat na Cleves Marketplace.
Ang Cleves Marketplace ay maraming tao lalo na pag weekends. Marami ding bilihan at kainan dito. Magpapanggap kaming simpleng mamamayan at magpapahuli ako.At nung nandun na kami, sinabihan ako ng nanay ko.
"Willow! Kumilos ka na parang bata at kunwari ay mapapahiwalay ka sa amin." bulong ng nanay kong naka-face mask na itim.
"Opo, ma'am."
"Mom hindi ma'am. Wala tayo sa harap ng director."
Sabi nya sa isip nya. Alam nyang may psychic ability ako kaya sinabi nya yun sa pamamagitan ng pagtitig at ng isip. Baka kasi may kalabang agent sa tabi-tabi kaya dapat wag magsasabi ng salita na maaaring ikapahamak nila.
BINABASA MO ANG
Cat in Wolves' Clothing
ActionSi Willow Fantasma ay galing sa pamilya ng mga spy. Minsan sya ay 'di napapansin dahil sa aura niya na galing sa mga magulang niyang spy na pinakamagaling na nabuhay sa Justice Inc. Siya na ba ang susunod sa yapak nila? Nang magkaroon sila ng misyon...