Chapter 35

8.2K 137 8
                                    

Chapter 35

Debbie's POV

Marahan kong nilaro laro ang maliit na micro sd sa kamay ko habang nakatitig dun. Halos kasi nakalimutan ko na ang bagay nato kahapon. Pero wala parin akong ideya kung kanino ito at paano to napunta sa kwintas ko.

Ilang sigundo akong nakatayo at nakatitig sa hawak hawak ko bago ko napagpasyahang lumabas na sa banyong kinaroroonan ko. At Pagbukas ko ng pinto si sam agad ang unang bumungad sa akin habang nakangiti. "Ayan kasya naman pala sayo yung damit ko, eh. Hindi ba masikip?"

"Hindi naman." Umiiling na sagot ko. "Salamat talaga sam ha? Hindi ba ako nakakaabala sayo dito?"

"Hindi yan. Ok lang yun, noh. Wala namang problema kung dumito ka muna hanggang maging ok ka na." Tinapik tapik niya ako sa balikat. Napansin naman niya yung hawak hawak ko. "Ano yan?"

"Eto ba?" Sabay angat ko nun. "Hindi ko rin alam, basta nakita ko nalang ito na nakaipit sa loob ng kwintas ko. Hindi ko naman maalala na inilagay ko to dito. Gusto ko sanang tignan ang laman. Err. . . may loptop ka ba sam?"

"Oo. Meron. Teka kukunun ko lang." Umalis siya sandali. Naupo naman ako habang hinihintay siya. At nang makabalik, may dala dala na siyang loptop. "Eto, oh."

Inilapag niya iyon at sinimulang buksan. Isinaksak naman niya ang hawak kong micro sd sa gilid nun. Pero habang hinihintay naming mag respond iyon, bigla nalang ako nakaramdam ng kaba. Bakit parang may kutob ako sa kung anong nilalaman nun?

"Debbie, Bakit?" Tanong sa akin ni sam. Napansin niya siguro ang pananahimik ko.

"W-wala naman. Bigla nalang kasi akong kinutuban."

"Gusto mo pa bang makita ang laman nito?"

Tumango ako at muling tumingin sa screen ng loptop. "Oo. Piling ko kasi importante."

"Sige." Tumango siya at sinimulang pindutin ang isang file na nakita namin dun. Walang pangalan yun maliban sa 'unknow file' na nakasulat.

Nang buksan yun ni sam. Isang video record lang ang laman nun wala ng iba. Nang pindutn niya ang play botton nun sa gitna, nagsimula na iyong umandar.

May naririnig kaming mahihinang tawa ng isang babae. Pero hindi iyon kita sa camera dahil naka focus iyon sa daanan na nilalakaran nito. Pero sigundo lang yun nang may makita na kaming tao.

Nung una ay napakunot ako ng noo. Masyadong magalaw ang pagkakahawak sa camera, pero hindi ako pwedeng magkamali sa nakita ko.

"Hi, mang pablo!"

Sabi ng babaeng may hawak hawak ng camera. Napauwang naman ang labi ko ng mas malinaw kong makita ang itsura ng matandang lalaki na naglilinis ng sasakyan.

"Tatay?" Mahinang usal ko. Lumingon naman sa akin si sam pero walang sinabi na kahit ano, bago naman muling ibinalik ang tingin dun.

Nakita kong nginitian ni tatay yung may hawak camera. Pagkatapos ay muli itong naglakad.

Pero hindi ko maintindihan. Bakit andun si tatay?

Humigpit ang pagkakahawak ko sa damit. Muli kong tinitigan ang screen nang isang lakaki uli ang makita ko. Parang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Nahigit ko rin ang paghinga ng makita kong si xander yun habang nakangiti rin. Mas lalo akong nagkaroon ng agam agam.

Kilala ni xander ang tatay ko?

Tanong ko sa sarili. Pero napatigil ako nang sunod kong makita ang babaeng kumukuha ng camera. Paano ko ba siya hindi makikila? Lalo na't Kamukhang kamukha niya yung babaeng nakita ko sa larawang nakaip sa libro ni xander.

I'm His Private Property [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon