"Nababaliw ka na ba? Tumayo ka nga d'yan! Nakakahiya! Ang dami na ng taong nakatingin sa ating dalawa!" sigaw ko sa kaniya.
"Hindi ako tatayo rito hangga't hindi mo ako sinasagot. Ang sabi mo mahal mo rin ako. Pero bakit ayaw mong maging tayo?" sagot niya pabalik.
"Tumayo ka na d'yan. Magagalit na ako sa'yo," pananakot ko.
Tinitigan niya lang ako at saka siya muling nagsalita.
"Sagutin mo na kasi ako. Mahal na mahal kita," pagmamakaawa niya.
"Oo na! Sinasagot na kita kaya tumayo ka na d'yan," napilitan kong sagot sa kaniya.
Agad-agad siyang tumayo at niyakap ako. Niyakap ko rin siya.
"'Wag na 'wag mo nang uulitin 'yang ginawa mo Rose, ah? Ako ang lalaki kaya ako dapat ang gumagawa n'yan," bulong ko sa kaniya.
- - - - - - -
NOTE: This is also posted in Facebook Page of Sobrang Short Stories.
©HandsomeGrey
BINABASA MO ANG
ISANG DAAN: Koleksyon ng mga Dagli at Maiikling Kwento
Short StoryKalipunan ng mga orihinal na Dagli at Maiikling kwento na ako mismo ang nag-isip at nagsulat. Enjoy Reading. ☺