Ngayong araw kami nakatakdang magkita matapos ang ilang araw na hindi namin pagkikita. Miss na miss ko na siya.
Kung tinanggap lang sana siya ng magulang ko bilang boyfriend ko, wala na sana kaming problema ngayon. Hindi na sana namin kailangang magtago sa tuwing magkikita kami.
Huminto sa harap ko ang isang pamilyar na kotse. Nandito na siya, sa isip-isip ko. Bumaba siya sa kotse at binuksan ang pintuan ng kabilang side ng kotse niya at saka niya ako inayang sumakay.
Nginitian ko siya bilang pasasalamat, kinindatan naman niya ako. Inirapan ko nga siya. Bigla niya namang kinurot ang pisngi ko.
“Ready ka na ba?” tanong niya sa akin.
Tumango lang ako bilang pagsagot at saka kami sumakay ng kotse niya.
Tahimik ang naging biyahe namin, marahil ay hinayaan niya lang akong makapag-isip.
Huminto ang sinasakyan namin sa isang upahang bahay. Bumaba kaming dalawa at nagtanong agad kung magkano ang isang kwarto.
Matapos ang usapan ay iniabot na sa amin ang susi ng kwarto. Tinungo namin ang kwarto. Pumasok sa loob, binaba ang mga gamit at isinara ang pinto.
Inikot ko ang aking mga mata, sapat lang ang luwang nito para sa aming dalawa. Dito kami magpapalipas ng gabi na magkasama at malayo sa mga pamilya namin.
Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako mula sa likod.
“Mahal na mahal kita,” bulong niya sa akin at at saka niya ako hinalikan sa pisngi.
Nagulat ako sa ginawa niya, first time niya akong halikan. Tinitigan ko siya na para bang nagdududa kung siya nga ba ang boyfriend ko. Nginitian niya ako at sinabing maligo na raw ako.
Sinunod ko naman siya. Nagtungo ako ng CR at mabilisang naligo. Nagtapis lang ako ng tuwalya nang ako ay lumabas.
Nakita ko siyang nakahiga sa kama, nakatanggal na ang kanyang pang-itaas na damit. Kinindatan niya ako. Kinabahan ako bigla. Handa na nga ba talaga ako? Tanong ko sa sarili ko.
Lumapit ako sa kama at umupo malapit sa kanya. Agad niya akong niyakap. Inihiga niya ako at siya naman ay tumayo. Unti-unti niyang ibinaba ang kanyang pang-ibaba at di na ako nagulat sa nakita ko.
Dahil kung ano ang nakita ko, ay yun din ang nakikita ko sa tuwing umiihi ako.
- - - - - - - - - -
©HandsomeGrey
BINABASA MO ANG
ISANG DAAN: Koleksyon ng mga Dagli at Maiikling Kwento
NouvellesKalipunan ng mga orihinal na Dagli at Maiikling kwento na ako mismo ang nag-isip at nagsulat. Enjoy Reading. ☺