#10 Galit

1.1K 3 0
                                    

Napatayo ako bigla nang makita ko sa aking harapan ang lalaking pumatay sa babaeng pinakamamahal ko.

Sa bawat hakbang ko palapit sa kan'ya, pinilit kong pigilan ang aking sarili na makagawa ng mali laban sa kan'ya. Gusto ko siyang saktan, gusto ko siyang bugbugin, at gusto kong iparanas sa kan'ya ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Pero naisip ko, kulang ang kamatayan sa nagawa niyang kasalanan.

Tinitigan ko siya nang matalim. Hindi siya nagsalita, nakatitig lang din siya sa akin. Hinihintay niyang magsalita ako. Sinigawan ko siya. Gusto kong marinig ang paliwanag niya. Pero kahit anong sigaw ko, wala pa ring bumabalik na sagot mula sa kan'ya.

Sa sobrang galit ko ay hindi ko na napigilan, bigla ko siyang nasuntok. May dugo akong nakita sa kan'ya ngunit hindi man lang siya natinag sa kinatatayuan niya. Nanatili siyang nakatayo na para bang walang nangyari. Hindi man lang nga yata siya nasaktan.

Samantalang ako, ramdam ko sa kamao ko ang hapdi at sakit ng sugat na naidulot ng bubog mula sa kan'ya.

- - - - - - - - -

©HandsomeGrey

ISANG DAAN: Koleksyon ng mga Dagli at Maiikling KwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon