Sobrang dami nang nagbago sa sarili ko matapos ang mapait na sinapit ko kay Papa.
Madalang na akong lumabas ng bahay at halos nakakulong lang ako maghapon sa kwarto ko. Hindi ko na rin magawang kausapin o i-text man lang ang boyfriend ko dahil nahihiya ako sa kanya. Ayokong sabihin sa kanya na naunahan na siya ni Papa na makuha ang iniingatan ko.
Madalas ay nakatulala lang ako. Palagi kong iniisip ang dahilan kung bakit ginawa sa akin ni Papa ang kademonyohang 'yun. Pero wala akong maisip na magandang dahilan kung bakit niya ginawa sa akin 'yun.
Minsan binalak kong magsabi kay Mama na ni-rape ako ni Papa. Pero naisip ko na hindi naman siya maniniwala sa akin. Walang kahit sino pa man ang maniniwala sa akin dahil sobrang bait ni Papa. 'Yun ang alam ng lahat.
Mahigit isang buwan na ang nakalipas pero hindi ko pa rin pinapansin si Papa.
Isang araw habang ako ay nanunuod, napansin ko ang kapatid ko na lumabas galing sa kwarto nina Papa. Hawak-hawak nito ang ibabang parte ng katawan niya. Umiiyak siya at iika-ika na naglalakad. Malamang sa malamang ay ginawa rin sa kanya ang ginawa sa akin ni Papa.
Nilapitan ko siya. Umakto ako na parang hindi ko alam ang ginawa sa kanya ni Papa at tinanong ko siya.
"Bakit ka umiiyak? Pinalo ka ba ni Papa?" kunwaring tanong ko sa kanya. Pero ang totoo, ayoko lang siyang biglang tanungin ng "Ni-rape ka ba niya?"
"Hindi po," ang sagot niya.
"E bakit ka umiiyak kung hindi ka naman pala pinalo?" tanong ko ulit
"Naglaro lang po kami ni Papa. Pero kasi masakit po e. Ang bigat-bigat niya pa po, pumatong siya sa akin. Ganun daw ginawa nila ni Mama kayo tayo nandito."
Unti-unti nang tumulo ang luha ko. Wala siyang kaalam-alam sa nangyayari. Tinanong ko ulit siya.
"Ilang beses niya ng ginawa sa'yo yan?"
Nag-isip siya na para bang nagbibilang tapos bigla siyang ngumiti sa akin at nagsalita.
"Hmmm. Bakit po? Ginawa niyo rin ba ni Papa 'yun, Kuya?"
- - - - - - -
©HandsomeGrey
BINABASA MO ANG
ISANG DAAN: Koleksyon ng mga Dagli at Maiikling Kwento
Short StoryKalipunan ng mga orihinal na Dagli at Maiikling kwento na ako mismo ang nag-isip at nagsulat. Enjoy Reading. ☺