#11 Huling Habilin

1.2K 6 0
                                    

Naaalala ko pa noong huling beses kaming magkakwentuhan ni Lola. Napakasaya namin noon kahit na ang pinag-uusapan namin ay tungkol sa kamatayan. Biniro niya ako nun na kung mamatay raw siya, gusto niya na kulay pink ang isuot at kung maaari raw ay maraming kulay pulang rosas sa burol niya. Biniro ko rin siya. Sinabi ko sa kaniya na kapag ako naman ang namatay, gusto ko na nakakulay pulang damit ang mga makikipaglamay. Bigla niya akong kinirot sa tagiliran kaya naman tumawa na lang ako at sinabing nagbibiro lang ako.

Walang sino man sa aming pamilya ang nag-akala na 'yun na pala ang huling beses na makakapag-usap kami ni Lola. Sa isang iglap ay, ang lola kong madalas kong makakwentuhan ay hindi ko na muling makakausap pa. Ang sakit. Nakakalungkot na sa akin niya ibinilin ang gusto niyang mangyari sa burol niya.

Ngayon ang ika-apat na araw ng burol dito sa bahay. Maraming tao ang gabi-gabing nakikiramay. Mga kaibigan, kakikila at maging ang mga kamag-anak namin na taga malalayong lugar ay nandito rin.

Inilibot ko ang aking mga mata sa lahat ng taong nakikiramay. Lahat sila ay pawang may pagkakaparehas...

...lahat sila ay nakasuot ng kulay pulang damit.

- - - - - - - -

©HandsomeGrey

ISANG DAAN: Koleksyon ng mga Dagli at Maiikling KwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon