CLARK'S P.O.V.
A musician with songs of heartaches.
Filled his lyrics with the strings of sadness.
How long will he stay in the loneliness?
Amandaleekisses14
Thank you!! sabay sabay na sabi ng " The Amazing Star".
Sila ang pinaka sikat na pop rock star ng bansa. Maihahalintulad sila sa F4 sa pagiging mga flowers boys ng music industry.
Mga matatangkad na lalaki na may magagandang mga mukha.
Isa sa kanila si Clark Lee. Ang lead guitarist at vocals ng banda. Cold face at myterious ang bansag sa kanya, maamo ang mukha nito kapag tumatawa at lumilitaw ang dalawang malalim na dimples sa magkabilang pisngi.Matangkad ito na may height na 5'11". Kahawig niya si Lee Jong Hyun ng sikat na korean singer/guitarist/actor ng bandang CNBLUE.
Ang kanilang lead vocals na si Dave naman na may height na 5'11" ang pinaka makago sa kanila at malimit magwala sa stage performances nila.
Si Thomas ang drummer nila at baby face sa grupo, may height na 6' at si Peter ang bass guitarist at pinakabata sa kanila pero sya ang pinakamatangkad sa grupo sa height na 6'2".
Sa 3 taon nila sa music industry ay malayo na ang narating nila. They have perfomed almost around the world. Suki na sila sa mga bansang Singapore, Thailand, Japan , Malaysia, Turkey at US. Nasama na din sa kilalang Billboards ang kanilang mga kanta.After ng performance nila ay dumeretso na sila sa backstage room.
"That was an amazing performance! Good job guys!" sabi ng manager nila na si Martin. Mataba itong lalaki merong malaking salamin sa mata at katamtaman ang height.
Napabagsak na lang sa upuan si Clark. Pagod ito sa performance na ginawa nila. Nakapikit ang mga mata at nakatingala sa ceiling.Wala pa itong pahinga simula sa pag eensayo kaninang madaling araw para sa performance nila. Ganito siya ka dedicated sa kanyang craft. Mr. Serious nga ang tawag sa kanya ng members ng grupo dahil dito.
"Thank God at makakapagbakasyon na din tayo" biglang sabi ni Thomas.Nakahiga na ito sa mahabang sofa na nasa loob ng room. Hawak hawak pa din nya ang kanyang drumsticks.
Last performance nila iyon sa kanilang 3rd album. Maghahanda na naman ulit sila para sa panibagong album. Magsisimula na naman silang magsulat ng mga kanta. Magiging super busy na naman si Clark. Usually silang dalawa ni Dave ang nakakapagcompose ng mga kanta na malimit isama sa kanilang mga albums.
Biglang bumalik si Martin."Guys, will be leaving after 30 minutes."
"Roger!" sagot ni Dave, Peter at Thomas.
Si Clark ay napamulat sa narinig. Itinaas nya ang kanang kamay at itinakip sa mukha. Bahagya nyang binuka ang mga daliri at tumingin sa ceiling. Tinakpan nya ang mga mata sa sinag na nanggaling sa ilaw ng ceiling.
"I will definitely find you....." mahina nyang sabi.
Nagkatinginan na lamang sila Dave, Peter at Thomas sa isat'isa.
"He is still determined after almost 3 yrs." sabi ni Peter kay Dave habang nagmamaneho.Si Clark ang tinutukoy nya. Magkasama sila sa kotse. Nauna na sila Thomas at Clark na umalis dala ang kani-kanilang mga sasakyan.
"If that happened to me siguro ganun din ang gagawin ko until now..." si Dave iyon.
"But he should not be over shadow ng kanyang past. I felt pity for him."
"We already told that to him many times....pero sya ang ayaw bumitaw. "sabi ni Dave.
"Kahit na walang kasiguraduhan kung kailan nya makukuha ung sagot na hinahanap nya."
"I salute his patience for that...."sabi ni Peter. "Kung ako siguro, nakalimutan ko na un.."
Clark arrived in his condominium. Inilapag nya ang susi ng kotse sa may lamesita. Inalis nya ang black leather jacket at inihagis sa sofa. Pumunta siya sa kusina at kumuha ng tubig. Bumalik ulit siya sa may salas.
Nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.
"Hello.."
"Kumusta na ang last concert nyo?"
"Maayos po naman, Mama. Pagod po pero masaya po kasi nag-enjoy po lahat."
"Mabuti naman, kumain ka na ba?Wag kang magpapagutom."
"Maraming salamat po. Meron pa pong natira dito, iinitin ko na lang po siguro maya maya.Hindi pa naman po ako nagugutom. Pakikumusta na lang po ako kay Papa at sa iba pa. Dadalaw po ako dyan baka po this coming week."
"Sige, anak. Basta alagaan mo lagi ang sarili mo.Miss na miss ka na namin."
"Ako din po, Mama. Miss na miss ko na din po kayo dyan. Ingatan nyo din po ang sarili nyo. God bless po. Bye."
Marahang binaba ni Clark ang cellphone.
Tinungo nya ang kanyang mini music room. Binuksan nya ang maliit na lamp na nasa table. Tumambad sa kanya ang nagkalat na mga music chords na kanyang ginagawa. Umupo siya sa may silya. Nahagip ng mata nya ang isang picture frame. Ang larawan na naglalaman ng isa sa malaking bahagi ng puso nya. Picture nya iyon at ni Victoria. Ang babaeng inaalayan nya ng mga kantang kanyang nalilikha simula sa umpisa ng kanilang career sa music industry.
They have separated without saying their goodbyes. Biglang umalis si Victoria. Sa loob ng 3 taon patuloy pa din ang paghahanap ni Clark sa dating kasintahan. Si Victoria ang isa sa nagiging inspiration nya para pagbutihin pa ang ginagawa sa paglikha ng mga kanta. Naniniwala siya na isang araw maabot ng mga lyrics ng kanta nya ang kinaroroonan ng babaeng humahawak pa din ng puso niya.
Ipagpapatuloy...
BINABASA MO ANG
LYRICS OF LOVE
RomanceClark Lee. Cold face and mysterious...ang malimit na bansag sa kanya . Lead guitarist and vocals ng bandang The Amazing Star, isang pop rock band. He is also a composer. Ang mga kantang sinusulat nya has a big part of his past lo...