"It may take sometime to feel the things around you like everything is back to normal. One, two, three..... memories may flash back when you need to realize that you are standing in the present and not in the past."
Luhang patuloy na dumadaloy sa mga pisngi ni Amanda. Hawak niya ang isang photo na nakita niyang nakaipit sa isang libro na dinala niya galing California. Photo nila ni Steven nung nag celebrate sila ng kanilang first year anniversary.
" Wait... how can I see my steps if you will put blindfold in my eyes? " nakangiting sabi ni Amanda.
"Don't worry I will be your eyes... I will be your guide...." nakatawang sagot ni Steven.
Biglang tumunog ang elevator. Tumigil ito sa may roof top ng isang exclusive restaurant. Hindi alam ni Amanda na may inihandang sorpresa si Steven para sa kanya sa araw na iyon. Mahigpit ang pagkakahawak ni Amanda sa braso ng boyfriend.
"What is it, Steven? Can I see it now? Please...?" atat na sabi ni Amanda habang inaalalayan siya ni Steven sa paglakad.
Ilang sandali pa ay huminto siya sa paglalakad. Nasa gitna siya ng isang malaking drawing ng isang sunflower na ginawa gamit ang mga totoong bulalaklak ng sunflower. Isang grupo ng mga manunugtog at mga waiters ang nandoon. At isang table na may mga flowers at candles ang nakahanda malapit sa kinatatayuan nila Amanda at Steven
"You know you are full of surprises, Honey..." sabi ni Amanda. Hindi pa din maalis ang ngiti sa mga labi niya. Lalo na at super excited siya sa inihanda ni Steven.
"Of course, I will do everything for my lovely honey..." pabulong na sinabi ni Steven. Sabay halik nito sa leeg ni Amanda.
Biglang tumunog ang cellphone ni Amanda. Napabalik siya sa realidad. Pinahid niya ng mabilis ang mga luhang dumaloy sa pisngi niya.
"Ehemmm....ehem..... " clear out ni Amanda sa kanyang lalamunan bago pinindot ang answer button sa incoming call.
Ang Kuya Jayson niya iyon.
"Amanda... pasensya na.... pede bang ipaghanda mo kami ng miryenda mamaya? " sabi ni Jayson sa kabilang linya. Nasa may lobby ito ng recording studio. Iniwan nitong nasa loob ng live room sila Clark para ipagpatuloy ang pag - ensayo ng kanta.
"Ah....O..kay Big Bro!" sagot ni Amanda.
Napansin ni Jayson ang ibang boses ni Amanda.
"Umiyak ka ba?" malumanay na tanong ni Jayson.
"Huh? A..ako? Hin....di....! Bakit naman ako iiyak?" mabilis na sagot ni Amanda. " Sige Big Bro. bumalik ka na sa studio...ako na ang bahala sa miryenda nyo..sasarapan ko lalo para ganahan kayo sa recording...."biglang iniba ni Amanda ang usapan. Hawak pa din niya ang litrato nila ni Steven.
Hindi na inungkat pa ulit ni Jayson ang tanong nya kanina. Ramdam na naman nito ang lungkot sa boses ng kapatid.
"Thank you. Pakidala na lang din dito sa studio."
"Roger, Big Bro!" biglang sumigla ang boses ni Amanda.
Marahang binaba ni Amanda ang cellphone sa kama. Mabilis siyang tumayo at tinungo ang make up table. Binuksan niya ang unang drawer saka marahang inilagay ang litrato sa ilalim ng isang notebook na nasa drawer. Mabilis niyang sinarado ang drawer. Ilang minuto din siyang nakatayo lamang at hindi gumagalaw. Na wari ay malayo na naman ang iniisip.
Samantala, bumalik na sa loob ng studio si Jayson. Nakita niyang busy sa pag discuss sila Dave, Clark, Peter at Thomas sa bawat isa tungkol sa melody ng mga kanta.
BINABASA MO ANG
LYRICS OF LOVE
RomanceClark Lee. Cold face and mysterious...ang malimit na bansag sa kanya . Lead guitarist and vocals ng bandang The Amazing Star, isang pop rock band. He is also a composer. Ang mga kantang sinusulat nya has a big part of his past lo...