CHAPTER 15

21 1 0
                                    


Makalipas ang dalawang linggo ay balik na sa usual na activity si Clark kasama ang mga miyembro ng Amazing Star. Fully book na ang kanilang schedule sa loob ng taong iyon. Inihahanda nila ang kanilang third album. Nasa studio sila ni Jayson ng mga oras na iyon. Dahil dun ay madami na namang mga fans ang aaligid aligid at nag aabang sa paglabas at pagpasok ng nila sa studio. Exclusive na naka book ang studio nila Jayson para lamang sa Amazing star. Hindi na sila tumatanggap ng iba pang gagamit ng studio upang maiwasan ang mga kaguluhan tulad na nangyari nung nakaraang taon ng may biglang lumusob na grupo ng mga avid fans na nagpanggaap na mga costumers  sa katabing room kung saan ngkakaroon ng recording ang grupo ni Clark.Doon ay nagkaroon ng sugat sa may kaliwang braso si Clark ng iligtas niya ang isang fan na babagsak sa gilid ng upuan dahil kaguluhan. Muntik ng makulong ang mga babaeng nagsimula ng gulo subalit pinigil iyon ni Clark at hininling na wag ng palabasin ang balita sa pahayagan para na din sa kaligtasan ng mga babaeng sangkot.

"Musta ang family mo sa Canada, Dave?" tanong ni Jayson.

Nagtungo si Dave sa family nito na ay naka base na sa Canada at doon siya naglagi sa loob ng halos 2 linggo.

"Mabuti naman sila..... kinakamusta nga nila kayo dito. Malaki na nga ang pamangkin kong si Kevin.... siguro ay kasing edad na siya ni Lil John." 

Tinutukoy nito ang pamangkin ni Clark. 

"Musta naman ang naging bakasyon nyo sa inyo, Clark?..... Sayang hindi ako nakasama..." sabi ni Dave.

"Sobrang saya dun.... sayang hindi kayo nakasama...." biglang sabat ni Jayson.

"Nakapunta ka sa kanila?...... " sabi ni Thomas na lumapit sa kinauupuan ni Jayson.

"Oo....kasama ko din ang kapatid kong babae...."sagot ni Jayson.

"Kapatid na babae? " tanong ni Peter. Inaayos nito ang guitar niya. "Yung nasa California nakatira?"

"Teka lang......yung nakita kong magandang babae dun sa may family portrait nyo?.... You mean nandito sya now?" biglang tanong ni Dave na lumapit pa ito kay Jayson.

"Oo....dito na muna siya sa Pinas titira..... sasamahan din niya ako dito sa pag manage sa studio."

"Wow.......magandang balita yan..... para naman may maganda kaming nakikita dito sa loob ng studio.....hehehhe.."birong sabi ni Dave. Inakbayan ni Dave si Jayson. " Pupunta ba siya dito sa loob?.... Ipakilala mo naman kami sa kanya...."

"Hmmmmmm...... sa tingin ko ay pupunta siya maya. Nagpunta sya sa supermarket. I think mag prepare siya ng lunch para sa atin. Nasabi ko kasi na may session kayo today.  Gusto din niya kayong makilala....."

"Talaga? Naku dapat pala eh mas maayos ang isinuot ko today...." napakamot si Dave sa ulo. 

Napa akbay si Peter kay Dave.

"Mukhang gusto mong pormahan ang kapatid ni Jayson ah...." 

"Tingnan nga natin kung gagana ang charisma mo sa kanya....hehehhe...." sabi ni Thomas. 

Nagtawanan sila Thomas, Peter at Jayson. Si Clark naman ay napangiti ng bahagya. Tahimik lang ito habang nakikinig sa kanila habang nag aayos ng gitara.

Makalipas ang isang oras ay nakarating na ng bahay si Amanda galing sa supermarket. Dumeretso ito agad sa bahay at hindi na muna niya inistorbo ang Kuya Jayson niya na alam niyang abalang abala sa recording room.

Biglang tumunog ang cellphone ni Amanda. Long distance call iyon. Si Margaret ang isa sa matalik na kaibigan ni Amanda sa California. Filipina din ito na doon ng college sa California at doon na tumigil kasama ng mga parents din nito.

"Hello, Bessie! " bungad sa kanya ni Margaret. Tawagan nila iyon.

"Oh, Hi my lovely bessie! "sagot ni Amanda. Ni loud speaker ni Amanda ang call.

"I miss you so much, bessie....."sabi ulit ni Margaret. " How are you today?"

"I'm great!  thanks..bessie... I'm preparing lunch today...I'm sure magulat ka kung sino ang makakasalo ko mamaya....." sabi ni Amanda. Busy pa din sya sa paghahanda ng mga pagkain.

"Sino?" mabilis na tanong ni Margaret.

" Ang amazing star members!" sagot ni Amanda na talagang lumapit sya sa cellphone at pabulong na sinabi iyon sa kaibigan.

"Oh...my!!!!! Wow!!! " gulat na sagot ni Margaret. "Uy, makikita mo na naman pala si Clark niyan....hehehe..... aminin....kinikilig ka na dyan sigurado...."

Namula si Amanda.

"I don't know what you are saying there , bessie...." namula si Amanda.

"Hahahaha.... you cannot hide it from me, bessie... eventhough we are far from each other I can still sense what is inside your heart...." paliwanag ni Margaret.

"Are you sure hindi ka kinilig sa mga moments nyong dalawa nung nasa vacation kayo sa knila?" nakwento ni Amanda ang mga nangyari sa kanya.

"I think he is just being kind with me bessie...." paliwanag ni Amanda.  " And you know my heart at the moment....."

"Okay...okay..... let us change topic... I don't want you to be depress today.... Mawala pa ang good vibes mo nyan ngayon... You know naman na I want you to be always happy from now on....

"Thanks, bessie...." pasasalamat ni Amanda sa kaibigan.

"Wait,....is it possible... can you get their autographs for me, please???" biglang nasabi ni Margaret.

"Don't worry... I can get their autographs anytime..... I will just ask Big brother for it..." sabi ni Amanda na ang tinutukoy ay si Jayson. " I can ask for some memorabilia from them.. just wait for them to release their new album..... I think maybe after 1 month it will be officially release that is what Big bro. told me."paliwanag ni Amanda kay Margaret.

"Oh, my gosh.... really? Wow....thank you so much bessie!!! ...How I wish I can see and hug them in person... I really envy you..... Oh my, panda eyed darling Dave!!! Can you hug him for me??" sabi ni Margaret.

Biglang napatawa si Amanda.

"Surely you will see and hug him.... so you better be good for this coming 3 months.. para makapagbakasyon ka dito." sabi ni Amanda sa kaibigan.

"Oh.....wait bessie..... big brother is calling...." 

"Okay bessie....I need to pick mom at the supermarket..I'll talk to you later....." sabi ni Margaret.

"Okay...i miss you so much....love yah bessie! see you soonest....mwhaaaa" paalam ni Amanda sa matalik na kaibigan.

"Love yah too bessie!mwhaaa!" ganting sagot ni Margaret.

Madaling kinuha ni Amanda ang incoming call  ni Jayson. 


LYRICS OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon