" Love is the most shining moments"
Mga makukulay na palamuti ang makikita sa mga lechon na pinarada sa araw na iyo. Merong mga lechon na nakadamit na pang sports, policeman, mga politicians, beauty queen, superheroes, at marami pang iba.
Nabusog ang mga mata ni Amanda sa mga nakakaaliw na mga tanawing nakita niya sa parada. Pati ang mga maiindak na mga sayaw ng mga batang kalahok sa street dance contest. Napapalakpak silang dalawa ni Clark sa mga nakakaindayog na mga tunog. May mga instances nga na nagtatama ang kanilang mga mata at sabay silang nangingiti sa isa't isa. Parang nasa isang romance na movie ang dalawa sa mga kinikilos nila.
Halos isang oras at kalahati din ang tinagal ng parada. Akala ni Amanda ay tapos na ang celebration. Nabigla siya ng biglang may dumating na fire truck ng bumbero.
Nagpalinga linga si Amanda.
"May problema ba, Amanda?" Napansin siya ni Clark.
"Bakit merong ganyan dito, Clark? May sunog ba?"
Natawa si Clark.
"Ah..yan ba? Isa sa mga inaabangan yan dito.... Halika....lumapit tayo dun." aya ni Clark sabay hatak sa braso ni Amanda.
Hindi pa sila ganun nakakalapit ng biglang binuksan ng lalaking nasa itaas ng fire truck ang malaking hose at pinalabas ang malakas na pressure ng tubig at iwinagayway ang hose sa mga taong nasa kalsada. Hiyawan ang mga taong nandun, mga bata man or matanda ay tuwang tuwa. Para iyong tulad ng fiesta ng San Juan na binabasa ng tubig ang mga taong nasa kalsada. Isang lalaki pa ang umakyat sa fire truck at kinuha ang isang malaking hose. Napatapat ang fire truck sa kinaroroonan nila Amanda at Clark. Nang biglang itutok ng lalaki ang hose sa kanila.
"Ay !!!!!" isang malakas na sigaw ang nabitiwan ni Amanda.
Mabuti na lang at mabilis si Clark. Bigla siyang humarap kay Amanda at sinalo ang malakas na pressure galing sa hose. Dahilan iyon upang mahulog ang bandana na nasa ulo ni Clark at sunglass nito. Niyakap ni Clark si Amanda. Napayakap din ang dalaga sa binata. Naghiyawan ang mga taong nakapaligid sa kanila. Nakaalis na ang fire truck pero hindi pa din nila inaalis ang pagkakayakap sa isa't isa. Isa isa na ding nagsi-alisan ang mga taong nakapaligid sa kanila. Dahan dahang inalis nila ang pagkakayakap sa isa't isa. Napaayos ng buhok si Amanda. Hindi maitatanggi na parehong namula ang mga mukha nila.
"Ayos ka lang ba?" marahang tanong ni Clark sabay hawi nito sa buhok niya na basang basa.
"Okay lang ako...Salamat..... ikaw, okay ka lang ba?" sagot ni Amanda.
"Ayos lang din ako..... Wala un... ang mahalaga ay hindi ka nasaktan"malumanay na sabi ni Clark.
Namula si Amada sa sinabi ni Clark. Sa totoo lang ay hindi na nya alam ang gagawing pasasalamat sa binata dahil lagi itong parang isang knight ang shining armor simula ng magtagpo ang landas nila. Lagi siya nitong nililigtas sa oras na nasa panganib siya.
Hindi napansin ni Amanda na ganun din ang naging reaksyon ni Clark. Naalala kasi nito ang nangyari sa kanila kanina.At nabigla din siya sa mga nasasabi sa dalaga. Nagkaroon ng maikling katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Si Amanda na ang nag basag ng katahimikan.Napabaling ang tingin ni Amanda sa may semento. Bigla siyang may pinulot na mga bagay.
"Nahulog ang mga ito sa ginawa mong pagligtas sa akin kanina, Clark..... "
Inabot ni Amanda ang bandana sa ulo ni Clark at sunglass nito.
Nakakatakot din pala ang ginagawa nilang basaan dito..akala ko ay liliparin na ako kanina..Blessing at nandyan ka....."pabirong sabi ni Amanda.
"Naku sa mga taga rito ay normal na ung mga ganitong senaryo...."nakangiting sabi ni Clark habang sinuot niya muli ang bandana sa ulo. Pagkatapos ay isinuot na din nito ang sunglass.
BINABASA MO ANG
LYRICS OF LOVE
RomanceClark Lee. Cold face and mysterious...ang malimit na bansag sa kanya . Lead guitarist and vocals ng bandang The Amazing Star, isang pop rock band. He is also a composer. Ang mga kantang sinusulat nya has a big part of his past lo...