Slowly tracing the line of your face, I sigh with amazement.
Your luscious red lips that shines upon my eyes.
And your thick long black eyelashes that can be quickly seen while your eyes closed.
How marvelously you are made.
That even my heart cannot take the magic it brings.
Amandaleekisses14
Isang napakagandang hapon iyon at nasa park si Clark. May hawak na gitara. Nang biglang......
"Hulaan mo kung sino?" dalawang maliliit na mga kamay ang tumakip sa mga mata ni Clark. Napangiti siya.
"Hmmm...sino kaya?..... Ah....alam ko na....sa tingin ko isang napakagandang diwata!!" pabiro niyang sagot.
"Hahaha!!!... Dahil diyan ito ang iyong gantimpala" sabi ng babae sabay halik nito sa pisngi ni Clark. Ibinaba ni Clark ang hawak na gitara at biglang hinawakan ang braso ng babae sabay yakap dito. Napadantay ang ulo ng babae sa dibdib ng binata.
"Kanina ka pa ba? tanong ng babae habang nakayakap kay Clark. "I'm sorry natagalan kasi ang last class ko." paliwanag nito.
Habang nagsasalita ang babae ay hinahagod ni Clark ang ulo nito at dahan dahang hinahaplos ang pisngi.
"Okay lang, Babe.... kadarating ko lng din naman..." sagot ni Clark. " May gusto pala akong iparinig sa iyo....."
Inalis ni Clark ang pagkakayakap sa babae at marahang kinuha ang gitara. Huminga ng malalim si Clark at nagsimulang tipahin ang gitara.
"Sa iyong mga tingin naramdaman ang kakaibang damdamin. Hindi ko maipaliwanag kung anong mayroon ka upang ang puso kong ito ay tumalon sa tuwa pag ika'y nakikita. Para kang isang anghel sa iyong kagandahan at ako'y binihag ng iyong liwanag. Panalangin na ikaw ay maging akin...upang maibigay sa iyo ang pagmamahal na walang kapantay....."
Namula ang babae sa mga narinig. Hindi niya maipagkakaila na tumaba ang kanyang puso sa kantang narinig mula sa kanyang boyfriend.
"Anung masasabi mo Babe? Maganda ba? " nahihiyang tanong ni Clark.
"Hindi lang maganda..super ganda!" sabi nito habang pinisil ang dalawang pisngi ng binata.
"Sigurado....madaming babae ang mapapaibig sa mga kanta mo..... Mukhang kailangan na akong kabahan ngayon pa lang..hahahah! pabiro nitong sabi.
Inilapag ni Clark ang gitara.
"Sila ang kabahan kasi hindi nila ako makukuha sa aking pinakamamahal...."sagot ni Clark at gumanti din ito ng pagpisil sa mga pisngi ng babae
"Ouch...ouch.........hahahhha"pabirong sabi ng babae
"Hahahaha....."
Nakaupo si Clark sa gilid ng kanyang kama at pinagmamasdan ang babaeng nakahiga. Unti-unting nagising ang babae at naramdaman ang presensya niya.
"Kanina ka pa ba, Babe?" nakatingin ang babae kay Clark.
"Medyo...." tumalikod ito sa babae.
"Pasensya na......nakatulog na pala ako.." tiningnan nito watch nya at nakitang halos mag alas 10 na ng gabi.Tumagilid din ito ng pagkakahiga at humarap kay Clark.
"Musta ang gig nyo?" nag-aalangang tanong ng babae.
"Okay naman...."mahina nitong sabi. Napabuntung hininga ito. Hindi kasi ganun karami ang nanood sa una nilang gig ng banda.
BINABASA MO ANG
LYRICS OF LOVE
RomanceClark Lee. Cold face and mysterious...ang malimit na bansag sa kanya . Lead guitarist and vocals ng bandang The Amazing Star, isang pop rock band. He is also a composer. Ang mga kantang sinusulat nya has a big part of his past lo...