"Wow... you look fantastic!" biglang sabi ni Jayson.
Nakasuot ng isang knee length black lace dress si Amanda. Naka curl din ang buhok niya.
Namula si Amanda sa sinabi ng Kuya Jayson niya.
"Naku palabiro ka pa din talaga, Kuya... but thanks for your sweet remarks....." nakangiting sabi ni Amanda.
Nang hapong iyon ay inaya sila ni Dave para sa isang fine dining sa isang exclusive hotel for dinner. Alas 7:00 ng gabi ang meet up time nila. Alas 6:30 nang mga oras na iyon.
"Mukhang ma inlove sa iyo lalo ang isang iyon....." mahinang sabi ni Jayson.
"What is it Big Bro? May gusto ka bang sabihin?....... " tanong ni Amanda
"Ah.... nothing!" ang mabilis na sagot ni Jayson.
"Let's go?....Shall we......? "
"Of course!...." masayang sabi ni Amanda sabay hawak sa braso ng kuya niya. Sabay alis nila sakay ng puting kotse ni Jayson.
Samantala, 6:00 pa lang ng gabi ay nasa hotel na si Dave. Isang room din ang kinuha nito. Hindi kasi siya pedeng mag stay sa lobby ng hotel dahil siguradong pagkakaguluhan sila doon.
May nag doorbell sa room ni Dave. Binuksan niya ang pinto at nakita niya si Peter at Thomas. Magkasabay na dumating ang dalawa.
"Iba ka talaga, Dave!" biglang sabi ni Peter. Sabay yakap sa kaibigan pagpasok nila sa room. Sabay na nagtawanan sila Peter at Thomas. Tumawa naman si Dave sa tinuran ng kaibigan.
" Okay ba ang suot ko?" tanong agad ni Dave.
Nag thumbs up sila Peter at Thomas.
"Wow! Fantastic! " pabirong sabi ni Thomas.
Naupo sila Peter at Dave sa sofa. Samantalang kumuha naman ng wine si Dave para sa dalawang kaibigan.
Nagpaliganga linga si Thomas sa loob ng room.
"Wala pa si Clark?" tanong nito.
" Wala pa....." sabi ni Dave sabay bigay ng basong may laman na wine kina Peter at Dave.
"Thanks...." sagot nila Peter saka Thomas sabay kuha ng wine.
"Pupunta ba talaga yun?" tanong ni Peter.
"Mukha kasing malalim na naman ang iniisip niya simula pa kaninang umaga nung nasa studio tayo." paliwanag ni Peter.
Naupo sa tapat na sofa si Dave.
"Kilala mo naman yung si Clark...laging seryoso.... alam mo naman na iba talaga ang taong may dinadalang mabigat sa puso...." sabi ni Dave.
"Naawa talaga ako kay Clark..hanggang ngayon ay hindi pa din siya makapag move on sa first love niya... " sabi ni Thomas.
"Malay natin ay parating na pala ang babaeng magbabago ng lahat para kay Clark..." biglang sabi ni Dave.
"Tama..... tama ka dyan, Dave... "sabi ni Peter. " Tulad ng nangyari sa iyon ngayon diba? hehehehe.... " biglang bago ng topic nito.
Nagkatinginang sila Thomas at Peter sabay nag apir ang dalawa.
"Tama.... malaking tama ang sinabi mo, Peter!......" sabi ni Thomas. Nagtawanan silang tatlo.
Alas 7:00 impunto ng tinungo nila Dave, Peter at Thomas ang pinareserve nilang room kung saan sila mag dinner.
BINABASA MO ANG
LYRICS OF LOVE
RomanceClark Lee. Cold face and mysterious...ang malimit na bansag sa kanya . Lead guitarist and vocals ng bandang The Amazing Star, isang pop rock band. He is also a composer. Ang mga kantang sinusulat nya has a big part of his past lo...