CHAPTER 6

42 1 0
                                    


"Thanks for the sumptuous lunch" biglang sabi ni Jayson sabay tapik sa balikat ni Amanda.

Nakaupo si Amanda sa isang dalawahang upuan na duyan na nasa may terrace. Sadyang pinagawa iyon ni Jayson para maging furniture sa hang out place nilang magkapatid. Madaming nakalagay na mga halaman at mga bulaklak sa palibot ng terrace. May dalawang malaking umbrella na nakalagay sa dalawang table na pede ang 4 na tao. Madami din kasing kaibigan si Jayson sa music industry kaya naisipan nyang palakihan ang terrace para sa mga gatherings.Lalo na at sa ibabang bahagi lang ang studio nila. 

May hawak si Jayson ng isang tasa na may lamang hot chocolate. Binigay niya ito sa kapatid.

"Thanks. You are still my thoughtful big brother as always" malaking ngiti ang binigay ni Amanda.

Hinawakan ni Jayson ang ulo ni Amanda at ginulo ang buhok nito.

"And you are always be my cute little sister". Nagtawanan silang dalawa.

Umupo si Jayson sa tabi ni Amanda. Nakataas ang dalawang paa ni Amanda sa duyan habang hawak ang hot chocolate na binigay ng kapatid. Napakaganda ng langit noon.  Mabuti na lang at hindi nagtuloy ang ulan at maliliit na patak lamang ang lumitaw. Madaming mga bituin ang nagsilabasan sa maliwanag na kalangitan. 

"Paano mo naging friend si Clark, Kuya?"

Napatingin si Jayson kay Amanda sa biglang pagtatanong ng kapatid. Hindi naman makatingin si Amanda sa kapatid. Naramdaman nito na bakit bigla na lang siyang nagtanong tungkol kay Clark.

"Ah..Siguro almost 2 yrs na kaming magkakilala ni Clark. Nirecommend ako nung isa kong kakilala sa kanila after na maghanap sila ng bagong studio."

"Clark told me the same"

"Mukhang naging tahimik na naman siya. Pagpasensyahan mo na kasi hindi siya ganun nagsasalita sa mga taong una pa lang niya nakikilala." 

Uminom ng hot chocolate si Amanda. 

"Bat mo nga pala naitanong?"

Ibinaba ni Amanda ang mga paa na dati ay nakapatong sa inuupuan niyang duyan.

"Hmmmmm.. It's just I got curious how did you two became friends....."Tumingin si Amanda sa kalangitan. " He looks mysterious and usually you are not into with shy guys or silent ones."paliwanag nito.

Isang malutong na tawa ang binitiwan ni Jayson.

"Hahahaha..... He is a cool guy and matured one. Malalim din iyong tao na iyon. Na para bang napakarami na niyang karanasan sa buhay. To tell you frankly, I have learned alot from him. Even though mas matanda ako sa kanya pero parang ako pa ung bata sa level ng thinking namin. Akala mo lang tahimik un pero palabiro din yun at paminsan minsan nag iisip bata din. I'm sure soon you will be friends with him" sabi ni Jayson.

"And come to think of it...he is way too handsome from my other friends...hahahha.." dagdag ni Jayson.

Sa sinabing iyon ni Jayson ay biglang namula si Amanda.

Hindi nga naman maitatanggi na magandang lalaki talaga si Clark. Sa mala perlas nitong kutis ay at matangos nitong ilong at magagandang mga mata ay walang sinabi ang mga beauty queen kung naging babae lang ito.

" Well, he is not looking bad though.. but still he is way too normal to my eyes compared to the guys I have seen in California" pagpapaliwanag ni Amanda. Sinabi niya iyon para hindi mahalata ng kuya niya na sang ayon ito sa sinabi niya tungkol sa appearance ni Clark.

"What are we going to do tomorrow, Kuya?" biglang binago ni Amanda ang usapan. Baka kasi biglang tuksuhin siya ng kuya niya kay Clark. Iwas muna siya sa mga issues more specifically about sa matter ng lovelife.

Napasandal si Jayson sa upuang duyan. 

"Hmmmmmm... do you have specific things that you would like to do?" tanong naman niya kay Amanda.

"Well, I think I need to go shopping for new things...heheheh..." Nakangisi nitong sabi.

"I think mapapadalas ang pagpunta ko nito sa mall simula ngayon...." sabay patong nito ng kamay sa ulo ni Amanda.

Sabay na nagtawanan ang magkapatid.

"I'm glad that you are back" sabi ni Jayson kay Amanda. Pinatong nito ang kaliwang kamay sa balikat ni Amanda. Nakangiting tumingin si Amanda. Marahan nitong ipinatong din ang kaliwang kamay sa kamay ng kapatid na nakapatong sa balikat niya.

Biglang tumunog ang cellphone ni Jayson.

"Sandali lang.." sabi ni Jayson sabay kuha sa cellphone na nasa bulsa niya. Tumingin ito sa monitor ng cellphone. " I need to take this.. I'll go inside" sabi nito.

Tumango si Amanda. "No worries...Go ahead..." sabay aksyon ng mga kamay na nagsabi na umalis na ito.

Naiwan si Amanda sa terrace. Nakapikit ang mga mata niya. At dinadama ang malamig na hangin na dumadaan sa paligid niya.

"God, Thank you for this wonderful night....." pabulong niyang nasabi.

"How is it?" tanong ng lalaki na nakayakap sa likod ni  Amanda habang hawak nito ang mga kamay ng dalaga.

"Wow...It's so amazing" sambit ni Amanda ng makita ang napakagandang view sa itaas ng isang tower. Medyo mahangin ng mga oras na iyo. Malamig din dahil sa katatapos na ulan. Nakita niya ang ibat ibang mga ilaw na nagmumula sa mga bahay at establishments na natatanaw ng mga mata niya.

"I'm glad you like it...... "Mas lalong niyakap ng mahigpit ng lalaki si Amanda. "Together we will enjoy beautiful moments until forever."

Nang biglang makaramdam ng munting patak ng tubig sa mukha si Amanda. Napamulat siya ng mga mata. Nagsimula na namang umulan. 

"You need to get a hold of yourself, Amanda....."nasabi nito sa sarili. Nagbaliktanaw ang isipan niya sa mga moments nila ng ex nyang si Steven.

Nagmadali na siyang pumasok ng bahay. 




LYRICS OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon