"Kring...Kring...Kring........" maingay na tunog ng alarm clock ni Clark. Alas 5 impunto iyon. Naalimpungatan siya at mabilis na pinatigil ang alarm. Marahang kinuha ni Clark ang remote ng curtains ng windows niya at binuksan ito. Madilim pa din sa labas. Bumangon si Clark at umupo muna sa side ng masterbed niya. Inayos ang buhok at saka tumayo at tinungo ang bathroom. Tumingin sa mirror sandali at naghilamos ng mukha.
Naging gawain na ni Clark na maagang nagtutungo sa gym na nasa loob lang ng facilities ng Laguna Residences, Greenbelt. Malimit din siyang mag jogging around the vicinity.
Pagkabalik ni Clark sa 2 bedroom condo unit niya ay nagpahinga siya ng konti at naligo. Alas 6:30 am na iyon. Ilang sandali lang ay tumunog ang door bell. Dumating si Alex ang nakatoka na room boy sa unit ni Clark.
Good morning, Sir Clark!"
"Good morning!"
Dala ni Alex ang breakfast ni Clark. Pinasok ni Alex ang dala niyang mga pagkain. Inayos na din niya ito sa lamesa na nasa dining area. Malaki ang space ng unit ni Clark. May dalawa itong master bedroom. Ang isang masterbedroom ay nakareserve para sa family ni Clark na bumibisita sa kanya. May malaking terrace din iyon. May bar counter na madaming ibat ibang wine ang nakadisplay. Mahilig kasing uminom ng wine ang binata. Gray and white ang motif ng unit ni Clark. Meron siyang malaking dressing room. Isang bathroom na naka attached sa room niya at isang bathroom na common para din sa mga bisita. Halos isang taon na din siyang naninirahan sa condo na iyon simula ng maging sikat sila sa Pinas. Malayo kasi ang hometown ng family niya na nasa Batangas.
"Congrats nga po pala sa successful concert nyo Sir Clark."
Nagpupunas ng buhok si Clark gamit ang towel.
"Thanks"
Pumunta sI Clark sa room niya sandali at paglabas ay may dala ng tip para kay Alex.
"Thanks po, Sir Clark."
Pagkakuha ng tip ay mabilis ding tumalima ng alis si Alex.
Habang nagbreakfast ay may naalala si Clark. Kinuha niya ang kanyang cellphone.
"Good morning, Mom!" Yes..Nagbreakfast na po ako. Musta na po diyan. Mabuti naman po at maayos kayo. Opo...Bukas po ng umaga ako aalis dito. Ano po ang gusto ninyong pasalubong?"
"Naku, Anak...wag ka ng mag abala...basta makasama at makita ka lang namin ay sobra sobra na iyon. Tamang tama pala ang maging uwi mo dito...dahil Lechon festival sa sunod na araw pagkadating mo dito.
"Ah.. ganun po ba...ang bilis po talaga ng araw...parang nung nakaraan lang po ay nandyan ako.."
"Oo nga, anak..... Nga pala wag mong kalimutang isama si Jayson....promise niya ay ngayong taon ay dadalaw siya dito. Ipaalala mo nga pala sa kanya, Ok?
"I'll inform you, Mom about it asap... Okay...See you soon, Mom... Regards kila Dad, Sophie, Bob, Claire and Little John."
Alas 11 na ng umaga. Naghahanda si Clark para pumunta sa Greenbelt mall para bumili ng mga pasalubong pag-uwi sa Batangas.
Tumunog ang cellphone niya. Si Jayson iyon.
"Hello...."
"Hello , Clark.... Pasensya ka na at ngayon lang ako naka reply sa tawag mo kaninang umaga....Medyo busy lang ksi eh..."
"No worries..Jay.... Saan ka nga pala ngayon?"
Naisip din ni Clark na magpasama sa kaibigan sa mall.
BINABASA MO ANG
LYRICS OF LOVE
RomanceClark Lee. Cold face and mysterious...ang malimit na bansag sa kanya . Lead guitarist and vocals ng bandang The Amazing Star, isang pop rock band. He is also a composer. Ang mga kantang sinusulat nya has a big part of his past lo...