" Love is the most beautiful scenery that passes by..........."
Dahan dahang binaba ni Amanda ang side window ng sinasakyan niyang car na minamaneho ni Clark. Papunta na sila sa lugar kung saan idinadaos ang parada ng mga lechon. Mahangin ng mga oras na iyon.
"Wow.... " nasabi ni Amanda sa mga tanawing nakikita niya sa paligid. "Ang ganda......."
Sabay pasok ng isang malakas na ihip ng hangin at tinatangay ang mahabang buhok ni Amanda. Nilabas niya ang kanang kamay at iwinagayway sa labas. Kasabay noon ang matatamis na mga ngiti. Ang eksenang iyon ay hindi nakaligtas sa mga mata ni Clark na kanina pa sumusulyap sa may front mirror ng salamin para makita si Amanda.
"Maganda nga...." biglang nasambit ni Clark sa sarili. Napangiti siya ng palihim.
Hindi niya namamalayan na kanina pa din siya pinagmamasdan ni Jayson. Napatingin tuloy si Jayson sa may back seat ng kotse. Nakita niya ang kanyang kapatid na tuwang tuwa sa ginagawang pagkampay ng kamay sa labas ng bintana ng kotse. Napaisip siya kung ano ang tumatakbo sa isipan ni Clark.
Napahawak siya sa kanang balikat ni Clark. Bahagyang nabigla si Clark dahil nakatuon ang atensyon niya kay Amanda.
"Okay ka lang ba?"
Napatingin si Clark kay Jason.
"O....Oo naman....bakit mo naman naitanong, Jayson?"
Napahawak sa baba si Jayson.
"Hmmmmm.....hindi kasi maalis sa isip ko ung nangyari kanina sa room mo. Mukha kasing may kakaibang nangyari sa iyo."
"Ah...... Un ba? Wa...... wala un....kalimutan mo na lang iyon..." bahagyang namula si Clark.
"Sure kang okay ka lang?Mukha kasing nakakita ka ng multo kasi humahangos ka at namumula nung pumasok sa room...."
Narinig ni Amanda ang sinabi ng kuya niya. Dahan dahan niyang itinaas ang mirror ng bintana. Interesado kasi siyang malaman ang nangyari kay Clark. Naisip niya ang nangyari sa room niya. Baka may kaugnayan iyon sa mga binanggit ni Jayson. Napatingin si Clark sa front mirror na nakasabit sa may harap niya. Nagtama ang mga mata nila ni Amanda. Nakita niyang nagtatanong ang mga mata nito. Biglang napabawi ng tingin si Clark.
"Hmmmmmm.... bakit kaya parang iniwasan niya ang tingin ko?" nasabi ni Amanda sa sarili.
"Ah..wala iyon, Jayson.... Naku malapit na pala tayo sa plaza... Excited na akong makita ang mga preparations na ginawa nila para sa lechon parade this year...." pag iiba ng usapan ni Clark. Naalala niya ang tingin sa kanya ni Amanda. Namula ang binata.
"Siguradong maganda ang parade mamaya.." dagdag ni Jayson. Wari ay nawala na din sa isip ang kanina pa niyang pangungulit sa kaibigan.
Makalipas ang 10 minuto ay nakarating na sila Clark sa destination nila. Hindi nga nagkamali ng expectations si Clark sa parade. Magarbo ang mga paghahanda. Halos hindi na mahulugan ng karayom ang paligid sa sobrang dami ng taong nandun.
"Wow.... sobrang dami ng tao..." manghang sabi ni Jayson.
"Tingnan mo Kuya..... maglaro tayo dun maya huh?....." sabay kapit ni Amanda sa braso ng kapatid. Tuwang tuwang si Amanda at tinuro and natanaw niyang palaruan na putukan ng mga lobo gamit ang mga darts. Isa kasi iyon sa mga gustong laro ni Amanda at idagdag mo pa diyan ang pashootan ng bola. Parang nakakita ng mga stars na kumikinang si Jayson sa mga mata ng kapatid.
"Oh...sha...sige..sige.....mamaya maglalaro tayo.........Naku wala ka pa ding pinagbago pagdating sa mga larong iyan..." ginulo ni Jayson ang buhok ng kapatid.
"Thank you , Kuya!! I love you!" malambing na sabi ni Amanda. Niyakap nya ang kapatid.
Natuwa si Clark sa nakitang senaryo mula sa magkapatid.
"Naku....anu ka ba...mahiya ka naman..andyan si Clark...." natatwang saway ni Jayson sa kapatid. Napatingin si Amanda kay Clark na nakangiting pinagmamasdan sila. Umayos ito ng pagkakatayo at kunyari ay ibinaling sa iba ang mga tingin dahil sa hiya nito.
"Okay lang yan, Jay....Nakakatuwa nga kayong tingnan eh... Naalala ko din sa kanya si Sophie....ganyan din kasi iyon maglambing..."
"Ah..ganun ba? Kaya naman pala hindi nakakapagtaka na nagkasundo sila agad...Nga pla..asan na pala sila?" sabi ni Jayson.
Naunang nakaalis ang family ni Clark at sinabing sa plaza na lang daw sila magkita kita.
Kinuha ni Clark and cellphone.
"Sa text message ni Sophie ay dito lang sila naghihintay. " nagpalinga linga si Clark sa paligid at hinahanap ang family niya."sabi ni Clark.
Medyo binaba niya ng konti ang shades na suot. Naka disguise siya ng mga oras na iyon. May nakalagay na bandana sa ulo nito. Nagpalinga linga na din sila Jayson at Amanda at hinahanap ang family ni Clark.
Hindi naman maiwasang mapasulpay ni Amanda ng palihim kay Clark. Napapangiti na lang siya. Hindi pa din kasi maitatago ang pagiging magandang lalaki nito kahit hindi ganun ka expose ang mukha nito. Iniwasan ni Clark na magkagulo pag nalaman na nandun siya. Siguradong dudumugin siya ng mga taong doon. Ayaw niyang maging center of attention dahil may okasyon sa araw na iyon.
"Amanda!!!"
Biglang napalingon si Amanda sa kanyang likuran. Nakita niyang kumakaway si Sophie. Kasama niya ang mga magulang at ang nakatatandang kapatid at pamangkin.
"Kanina pa ba kayo?" tanong ni Mom Rose.
"Naku hindi po Tita... kakarating lang din po namin dito...."sagot ni Amanda.
"Halina kayo....May nakita kaming magandang lugar.... para mas maenjoy natin ang parade.." sabi ni Dad Tom.
Pinuntahan na nila ang sinasabing magandang pwesto. Habang papunta sila ay hindi maiwasan na mapadaan sila sa masikip na lugar.
"Naku.... asan na sila?" sabi ni Amanda sa sarili. Dahil sa siksikan ang mga tao ay nawala sa paningin niya sila Clark.
"Clark....Jayson.. Sophie......." sigaw na sabi ni Amanda. Nasa kalagitnaan siya ng mga tao. Nagigitgit na din siya. Nang biglang masanggi siya ng isang malaking lalaki na nagmadaling dumaan sa tabi niya.
"Ay!!!" napapikit si Amanda. Nawalan siya ng balanse. Madadapa siya.
Isang matipunong mga dibdib ang pumigil sa pagbagsak niya sa semento. Niyakap siya ng lalaki. Napamulat si Amanda at biglang napataas ng tingin sa mukha ng lalaking sumaklolo sa kanya.Si Clark iyon.
"Okay ka lang ba?..." nag aalala nitong sabi.
"Ummmmmm... "napatango lang si Amanda. "Thank you."
"Mabuti naman.... Halika...doon tayo sa may tabi....." hinila ni Clark ang dalaga at pumunta sa bandang tabi ng kalsada.
Bigla namang tumunog ang cellphone ni Clark.
"Okay na Jayson... kasama ko na si Amanda... Try naming makapunta dyan kasi mas lalong kumapal ang bilang ng mga tao dito sa side namin..... I think kasi dahil magstart na ang parade...... Sige....tawag na lang ako maya....."pinutol na ni Clark and linya.
"Pasensya na....." biglang sabi ni Amanda.
"Okay lang un..ang mahalaga hindi ka nasaktan kanina...." nakangiting sabi ni Clark. " Saka hindi maiwasan talaga na mawala sa lugar na sobrang dami ng tao.."
Sandaling natahimik sila Amanda at Clark. Magsasalita na sana sila ng biglang magsimulang tumunog ang banda na malapit lang sa kinalalagyan nila. Umpisa na ng parada.
BINABASA MO ANG
LYRICS OF LOVE
RomanceClark Lee. Cold face and mysterious...ang malimit na bansag sa kanya . Lead guitarist and vocals ng bandang The Amazing Star, isang pop rock band. He is also a composer. Ang mga kantang sinusulat nya has a big part of his past lo...