CHAPTER 20

19 0 0
                                    


"Steven? " . May naaninag na mukha si Amanda.Subalit hindi niya lubos na makilala ang lalaki dahil sa maliwanag ang mukha nito dahil sa liwanag. Ngumiti ang lalaki sa kanya. 

"Steven!" biglang napabangon sa higaan si Amanda. Nagpalinga linga siya sa paligid. Nasa kama na siya at naaninag niya ang matinding sikat ng araw mula sa bintana. Tanghali na iyon. Nang biglang makaramdam siya ng sakit ng ulo.

"Ouch...... " sabi ni Amanda sabay hawak ng dalawang kamay sa ulo. Hinagilap ni Amanda ang cellphone sa kama. Hindi niya iyon makita. Dahan dahan siyang tumayo.  Nagulat siya sa suot na damit.

"Bakit ganito pa din ang suot ko? " sabi ni Amanda sa sarili. Suot pa din niya ang black lace na dress na ginamit niya sa dinner kagabi.

"Ouch.... " sumakit ulit ang ulo niya. Nakita niya ang bag niya sa may make up table. Nabigla siya sa mukhang nakita niya sa salamin. Nagkalat na ang make up niya.

"Ano bang nangyari sa akin......"

Pagkakuha ng cellphone sa bag niya ay nakita niyang may dalawang message sa Inbox niya.

Isa ay galing sa Kuya Jayson niya at isa naman ay unknown number. Una niyang binuksan ang message galing kay Jayson.

" Good day, sleeping beauty.kumain ka ng maayos pagkagising mo. saka magpahinga ka  ngayong araw.may ginawa akong juice para sa hang over mo nasa ref. Nagluto na din ako ng lunch po bago ako umalis kanina."

Napangiti si Amanda. 

"Hang over?" bakit kaya niya nasabi iyon? " tanong ni Amanda sa sarili.

Kumuha si Amanda ng mga damit at nagtungo sa banyo. Naligo siya. Pagkapaligo ay nagtungo si Amanda sa dining area para kumain. 

Kinuha ulit ni Amanda ang cellphone sa room niya. Hindi pa niya nababasa ang isa pang message mula sa isang number na familiar sa kanya. May tuwalya pa siya sa ulo. Naka white tshirt ito at jeans na short. Nagtimpla siya ng gatas at umupo sa may dining table.

"Good morning. I hope you are fine today. Sorry for last night. I hope magustuhan mo ang mga flowers. - Dave. Iyon ang message mula sa unknown number.

"Ano kaya ang ibig sabihin ni Dave? Bakit siya nag sorry? " nagtatakang tanong ni Amanda. Napataas na lang siya ng balikat. At nag simula ng kumain ng tanghalian. Bago tumungo ng salas ay kinuha ni Amanda ang juice na inihanda sa kanya ng Kuya Jayson niya. Nabigla siya ng makita ang isang vase na puno ng mga bulaklak. 

"Ang ganda naman ng mga ito.... " inamoy ni Amanda ang mga bulaklak. " Siguro ito ang tinutukoy ni Dave.

Umupo si Amanda sa may sofa. Itinaas niya ang dalawang paa sa sofa.

"Paano ko kaya i-reply si Dave? Hindi ko talaga maintindihan kung bakit siya nag sorry sa akin....  saka ano ba ang nangyari kagabi?" sabi ni Amanda.

Muli na naman nakaramdam ng pagsakit ng ulo si Amanda. 


"So how is it, Clark? Okay ba sa iyo?" kanina pa kinakausap ni Dave si Clark subalit parang nasa ibang lugar ang isip nito?

Ikinaway na ni Dave ang mga kamay sa mukha ng kaibigan.

"Huh? Anu nga pala ung sinabi mo, Dave?" biglang sabi ni Clark.

Napasandal na lang si Dave sa kinauupuan.

" I knew it, wala dito ang isip mo, Clark... May problema ba?"

"Problema? Wa... wala!..." iling na sabi ni Clark. " Walang problema,....." 

"Sigurado ka? muling tanong ni Dave.

"O...oo.. Sigurado, ako... " sagot naman ni Clark.

" Teka nga pala, maiba tayo.... " si Thomas iyon. 

"May balita na ba kayo kay Amanda?" tanong ni Thomas. " Kamusta na kaya siya? Sana naman ay hindi sya naapektuhan sa mga nangyari, kahapon ng gabi dun sa dinner natin."

" As of what Jayson told me kanina... she is okay..." biglang sabat ni Dave. 

"Mukhang mahihirapan ka kay Amanda, Dave.." sabi ni Peter sabay takip sa balikat ng kaibigan. " Matindi ang pinagdadaanan ngayon ng babaeng napupusuan mo...."

"Guys, hindi nyo ba alam na nandoon manggagaling ang thrill...kaya mas lalo akong nagiging interesado sa kanya."

"You need to make sure in yourself, bago ka sumuong sa laban... na talagang totoo yang nararamdaman mo sa kanya.. dahil isa sa matinding makakalaban mo eh si Jayson...."paliwanag ni Thomas.

"At this point, hindi naman ako nagmamadali.... maganda nga na habang nagprocess sya ng pag move on nya eh mas makilala ko pa siya ng lubos." sabi ni Dave sabay ngiti nito.

Tahimik lang na nakikinig si Clark sa pina- uusapan ng mga kaibigan. Hindi maalis sa isip niya ang nangyari sa parking area sa kanilang dalawa ni Amanda. Ramdam pa din nito ang mainit na yakap ng dalaga sa kanya. May parang kirot sa damdamin ang naramdaman nya ulit ng maalala ang mga luha ng dalaga. Dahil doon ay bigla syang napatayo at umalis ng room.

Tinabig ni Thomas si Dave. 

"Alam mo ba ang nangyari kagabi kay Clark? " tanong nito. "Mukhang may koneksyon iyon sa kinikilos nya today....." 

"Kilala mo naman yang kaibigan natin, hindi yan basta basta nag share ng naramdaman..." sabi ni Dave. 

"Ikaw, Peter... may sinabi na ba sya sa iyo?" 

"Pinapakiramdaman ko nga sya if mag open sya sa akin today... kausapin ko sya maya after ng rehearsal natin..." paliwanag ni Peter.

Sa kanilang tatlo ay mas malapit si Clark kay Peter.


Sa bahay nila Amanda.

Unti-unting minulat ni Amanda ang mga mata. 

"Ouch... " nakatulog pala sya ulit.  Marahang inangat ni Amanda ang mga braso na nadaganan sa kanyang pagkakatulog.

Palinga linga siya. At hinahanap ang orasan sa may wall. Alas 4 na ng hapon iyon.

"Nakatulog na pala ako." sabi niya sa sarili.

Tumayo siya at tinungo ang kusina. Kumuha siya ng malamig na tubig sa ref. Isinalin niya sa isang clear na baso ang malamig na tubig at dahan dahang ininom ito.

"Ah.... " sabi niya pagkainom ng malamig na tubig.

Hinawakan niya ang buhok at natuyo na ito sa matagal nyang pagtulog.

Dinampot niya ang kanyang cellphone sa may lamesita sa salas at tinungo niya ang terrace. Mahangin ng mga oras na iyo at hindi ganoon kainit sa labas. Umupo siya at sumandal sa may siso. Nag unat unat siya habang nakaupo. May konting sinag ang tumatama sa mukha niya. Itinaas niya ang kamay at tinakpan ang mukha.

"Steven?" 

Naalala niyang sinabi niya iyon kay Clark kagabi.

Bigla syang napaayos ng pagkakaupo sa may siso. Napakagat siya sa labi.

"Naku, ano kaya ang mga sinabi ko kay Clark kagabi...." sabi niya habang napasabunot siya ng bahagya sa kanyang mga buhok.

Nang biglang makarinig siya ng mga tunog na nagmumula sa may pinto. Napatayo siya at mabilis na tinungo ang pintuan. Narinig niya ang boses ng kanyang Kuya Jayson subalit mukhang may kasama ito. Sinilip niya ang maliit na butas sa may pintuan at nanlaki ang mga  mata niya. Kasama nito si Clark. Napatakip siya sa bibig at dali daling nagtungo sa kanyang kwarto. 




LYRICS OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon