Maaliwalas ang araw na iyon. Hindi ganoon katindi ang sikat ng araw at nandyan ang mahangin na kapaligiran. Naisipan ni Amanda na lumabas at maglakad lakad sa labas. Ayaw niyang palampasin ang mga magagandang bagay na madidiskubre niya sa malawak na bakuran nila Clark. Nagpalit siya ng damit. Isang bulaklakin na damit ang isinuot niya na hanggang tuhod.
Samantala, ang Kuya Jayson naman niya ay sobrang himbing ang pagkakatulog sa loob ng room ni Clark. Doon muna ito habang nandoon sila ng 2 araw. Malaki din naman ang room ni Clark na merong isang masterbed. May organ at isang gitara sa may gilid ng room. Isang sofa din ang nandon na nakaharap sa may terrace. Doon siya malimit nakakakuha ng idea habang nakatingin sa paligid. Isang working table din ang nandoon para sa iba pa niyang mga gamit. Nandoon at nagkapatong patong ang mga lyrics ng ibat ibang kanta. May mga music book din na halos nagsiksikan na sa book shelves niya na nasa wall.
Napatingin si Clark sa labas. Maaliwalas ang araw at naamoy niya ang mga halimuyak ng mga bulaklak sa may flower farm ng kanyang mommy. Halos matatanaw niya iyon sa kanyang kuwarto. Magkatabi lang din ang room niya at ang visitor room na tutulugan ni Amanda. Habang nagmamasid siya sa paligid ay pinatong niya ang dalawang kamay sa railing ng terrace. Nang mapansin niyang may isang tao na nasa bukana ng flower farm. Nahalata niyang nag-aalinlangan itong pumasok sa loob. Pabalik balik kasi ito ng lakad at palinga linga sa paligid.
"I hope they will not accuse me of trespassing.... " sabi ni Amanda sa sarili.
Nasambit ni Amanda sa sarili ng dahan dahan siyang pumasok sa flower farm. HIndi kasi niya mapigilan ang sarili...Natatanaw kasi niya ang mga namumukadkad na mga bulaklak. Namangha siya sa mga nakita. Para siyang prinsesa sa isang flower world. Bumungad sa kanya ang mga naggagandahang mga Orchids at Chrysanthemum na ibat iba ang kulay. Nandyan din ang Gladioli na tinatawag na "Sword Lily" na ang stem ay parang sword at malimit gamitin bilang matataas na flower decorations. Katabi lang nito ay ang mga lilies na nakakaagaw ng pansin dahil sa fragrance na binibigay nito. Nagpatuloy siya sa paglalakad. Nakakita siya ng mga makukulay na mga Carnations. Madami pang mga bulaklak ang kanyang nakita. Katabi ng mapupulang rosas ang nakakuha ng kanyang atensyon.
Ang paborito niyang bulaklak... Sunflower, na malimit gamitin ng marami bilang representasyon ng faith, hope,unity at happines. Pero ang tumatak sa isipan ni Amanda tungkol sa sunflower ay nung may nakita siyang article about it pertaining to sunflower as "courage to love / dedicated love / devoted love" na tunay siyang nakakarelate lalo na sa kung paano siya magmahal sa isang relasyon.
"Makapagselfie nga..." sabi ni Amada sa sarili.
Kinuha niya ang mobile. Hindi niya namamalayan na merong nakamasid lang sa kanya sa hindi kalayuan.
Nagmadaling lumabas ng bahay si Clark. Nacurious siya kung sino ang babae na nasa flower farm. Dumaan muna siya ng kusina upang tingnan kung sino ang nandun. Nakita niya na busy ang mommy niya at ang nakatatanda niyang kapatid. Samantalang naglalaro sa may salas ang nakababata nitong kapatid kasama ang pamangkin niya. Wala na ang taong nasa bukana ng flower farm nila.
"Sino kaya un?" tanong ni Clak sa sarili. Hindi kasi niya naaninag ng maayos kung lalaki or babae ang nakita niya kanina.
"How can you still stand brightly even though rain starts to pour these days? I hope I can have your courage to look up and wait for the love the is meant for me." nasabi ni Amanda.
Kinakausap ni Amanda ang mga sunflower. Malimit niya iyon gawin lalo na pag may pinagdadaanan siya. Hinahaplos din niya ang bulaklak habang patuloy sa pakikipag usap dito. Napangiti naman ang lalaki na nakamasid lang sa kanya. Wari ay natatawa ito sa ginagawang pakikipag usap ng dalaga sa bulaklak.
BINABASA MO ANG
LYRICS OF LOVE
RomanceClark Lee. Cold face and mysterious...ang malimit na bansag sa kanya . Lead guitarist and vocals ng bandang The Amazing Star, isang pop rock band. He is also a composer. Ang mga kantang sinusulat nya has a big part of his past lo...