Isang asul na dalampasigan ang natanaw ng kanyang mga mata. Isang dagat ang nasa may likod ng malaking bahay nila Clark.Nakatayo ito malapit sa isang cliff. Iyon ang dahilan ng malamig na hangin na naramdaman ni Amanda.
"Wow......" halos manlaki ang mga mata ni Amanda sa napakagandang tanawin na bumungad sa kanya.
"Halika dito, Amanda....." tawag ni Clark.
Nasa may hagdan na ito ng isang viewing deck na napapalibutan ng mga waring mga baging na may mga bulaklak na desenyo na itinayo sa may tabi ng cliff. Malalaking tipak ng mga bato ang mga makikita sa bandang gilid na pedeng gamitin pababa. May pinagawa din sila Clark na hagdang bato.
Pag akyat ni Amanda sa viewing deck ay mas lalong tumambad ang kagandahan ng dagat sa paningin niya. Kulay asul ang tubig at lalong tumingkad sa liwanag ng araw.
"Nagustuhan mo ba?" tanong ni Clark. Nakita na din niya sa expression ng mukha ni Amanda ang kasagutan.
"Oh my.......its so beautiful......... Sobrang ganda, Clark......" halos abot tenga ang ngiti ni Amanda. "Maraming salamat....."
"Natutuwa ako at nagustuhan mo......"
Natahimik si Amanda.
"Oh..bat parang nalungkot ka..."tanong ni Clark.
"I'm sorry....... Nung una kasi ay ayaw kong sumama...... "
Inilagay ni Clark ang kanang kamay sa balikat ni Amanda. Napatingin si Amanda sa binata.
"Naintindihan kita...... Wag mo ng isipin un.... dapat ay mag enjoy tayo....."ngumiti ito sa dalaga. Ginantihan naman ng ngiti ni Amanda si Clark. " Wag ka na ding mailang sa akin.. ituring mo na din akong isang kapatid mula ngayon..."
"Maraming salamat...." tugon ni Amanda. Sa mga narinig mula kay Clark ay mas naging maluwag ang dibdib ni Amanda. Tama nga ang Kuya Jayson niya..Makakasundo pala talaga niya si Clark.
"Kuya Clark, Amanda...." isang tinig ang tumawag mula sa likuran nila. " Nandyan lang pala kayo...." hingal na sabi ni Sophie...Kanina pa kasi niya sila hinahanap.
Biglang inalis ni Clark ang pagkakalagay ng kamay sa balikat ni Amanda. Namula naman ang dalaga na napalayo ng konti sa binata.
"Lunch is ready....."pagpapatuloy ni Sophie.
"Ah...ganun ba?"...sabi ni Clark. " Let's go? sabi ni Clark kay Amanda sabay senyas nito ng kamay na nagsasabi na mauna na siya.
"O...kay...."mahinang sabi ni Amanda. Nauna na siyang naglakad.
Bigla isinukbit ni Sophie ang braso sa kamay ni Amanda at dumikit sa dalaga.
"I'm sure you will love the foods.... sobrang sarap magluto ni Mom..."pagmamalaking sabi ni Sophie.
Napangiti si Clark sa ginawa ng kapatid na babae kay Amanda. Malambing kasi ito lalo na sa mga taong magaan ang loob niya. 20 years old na si Sophie at malimit isip bata pa din sa kanyang edad. 5 taon ang tanda ni Clark dito.
"Amanda....san ka ba galing?" biglang bungad ni Jayson pagbalik nila Clark at Amanda sa bahay. Nag alala ito kasi hindi niya ito nakita sa room niya.
Magsasalita na si Amanda ng biglang sumagot si Clark.
"Inilibot ko lang si Amanda sa paligid ng bahay, Jayson. Pasensya na hindi na kami nakapagpaalam. Mahimbing kasi ang tulog mo kanina....." Napatingin si Amanda kay Clark. Ngumiti ito na waring nagsasabi na wag siyang mag alala.
Napakamot sa ulo si Jayson. " Ah ganun ba?.....Medyo nag alala lang kasi ako kasi hindi ko siya makita sa buong bahay...."
Inakbayan ni Clark si Jayson.
BINABASA MO ANG
LYRICS OF LOVE
RomanceClark Lee. Cold face and mysterious...ang malimit na bansag sa kanya . Lead guitarist and vocals ng bandang The Amazing Star, isang pop rock band. He is also a composer. Ang mga kantang sinusulat nya has a big part of his past lo...