CHAPTER 8

46 1 0
                                    

" Why did you do that?" 

Nakahalukipkip ang mga braso ni Amanda at nakasandal sa wall ng hallway. Nasa loob ng washroom ang Kuya Jayson niya at naghihilamos ito ng mukha.

Akala ko kasi ung ang gusto mong sabihin sa tingin mo sa akin kanina...Saka hindi naman kita pedeng iwan na nag iisa lang dito. 2 araw din un...

Pagpapaliwanag nito kahit na may sabon ito sa mukha. Napabuntung hininga naman si Amanda ng malalim. Nahihiya kasi siyang sumama.... Kung siya ang masusunod ay i turn down niya ang invitation ni Clark kanina..Subalit nagsabi na ang Kuya Jayson niya kanina sa harap ni Clark  na sasama siya. At hindi naman maganda if tatanggi pa ito. Lalo na at malaki ang naitulong nito kanina sa nangyari sa shop.

Paglabas ng washroom ni Jayson ay ipinatong nito ang kanang kamay sa ulo ni Amanda. Tiningnan ni Amanda si Jayson.

 "Wag ka ng magalit sa akin...Surely mag enjoy ka dun" 

Inalis ni Amanda ang kamay ng kuya niya.. Para ipaalam dito na naiinis siya. Niyakap siya ng kapatid.

 Mababait ang buong family ni Clark. Saka wag kang mag alala dahil hindi naman kita pababayaan doon.. "

Pinisil ni Jayson ang dalawang pisngi ni Amanda. At hinatak ito ng marahan sa both sides para ngumiti ito.

Wala naman akong magagawa na eh.." 

Mahinang sagot ni Amanda..Medyo ramdam pa din ung pagka inis ni Amanda. Biglang nilagay ni Jayson ang dalawang kamay sa balikat nito. 

" Oh....sya.... mag ayos ka na nga mga gamit na gagamitin mo.... Saka magpahinga ka na din.... Maaga pa tayo mamaya...."

"Oka......y.." mahina nitong sagot.

Mabilis ding nakapag empake si Amanda ng mga gagamitin sa pag alis nila...Habang nasa harapan si Amanda ng salamin at nagsusuklay ng buhok. Naalala na naman niya ang pagligtas ni Clark sa kanya sa shop.

" Get a hold of yourself, Amanda......" 

Pagkasabi noon ay tinapik ng magkabilang kamay niya ang mga pisngi. Na wari ay ginigising ang mga sarili.

"Everything will be alright,..... So you need to smile and enjoy....Okay?


Alas 5 ng madaling araw ng dumating si Clark para sunduin sila Jayson at Amanda. Aabutin ng almost 3 hours ang biyahe nila from Quezon City patungo ng Batangas. Mabuti na lang at walang traffic ng mga araw na iyon. Alas 9 ng umaga ng makadating sila sa bahay nila Clark. Pumasok sila Clark sa isang gate na malaki na may matataas na mga pader. Malawak ang bungad ng bahay nila. Merong mga naglalakihang mga puno ng carabao mango at suha sa gilid ng tinatahak nilang daang espalto. Meron ding isang malaking flower area na makikita ang mga naggagandahang mga bulaklak na namumukadkad. Iba talaga ang hangin sa probinsya. Sariwa at wala man lang bahid ng usok. Bumungad ang isang 2 storey old spanish house na kulay puti na concrete ang foundation at nasa may covered parking ang mga magulang at mga kapatid ni Clark. Para itong mga old houses ng mga mayayaman sa movie noong unang panahon.

Pagbaba nila Clark ay yumakap agad sa binata ang kanyang ina na tinatawag niyang Mom Rose. Mukha itong bata at maganda pa din sa kanyang edad. Matangkad ito na kulay perlas ang kutis. Mukhang sa kanya nagmana ng kaputian si Clark. Ang Daddy ni Clark na si Dad Tom ay matangkad din at may matangos na ilong at magandang mga mata. Mukhang mga artista ang mga magulang ni Clark kaya hindi maiaalis na merong dumadaloy na magandang lahi sa mga dugo nila.

 " I missed you so much, Son!" 

Niyakap ni Clark ang mga magulang at mga kapatid.

"Mabuti at maayos kayong nakarating dito sa bahay. .....Halikayo sa may loob.... ...........Manang Josie, pakipasok na po ang mga dala nilang mga bagahe ..............."sabi ni Dad Tom.

Mga naglalakihang mga figurines ng ang makikita pagpasok sa loob ng bahay nila Clark. Malawak ang salas nila na merong mga fresh flowers na naka decorate at isang malaking hardin ang makikita sa labas.

 Mabuti naman at nakasama ka sa pagpunta dito Jayson...Natutuwa kami at nandito ka....."masayang sabi ni Mom Rose.

 " Kami din po Tita Rose.... masaya po kaming makita kayo...."

Nagmano si Clark kila Mom Rose at Dad Tom. 

"Kasama ko nga po pala ang aking younger sister, Si Amanda po...kakauwi lang po niya galing California....."  

Pagpapakilala ni Jayson kay Amanda. Ngumiti si Amanda at nagmano din kila Mom Rose at Dad Tom tanda ng paggalang.

 Wow..... hindi mo pala sinabi na meron kang magandang kapatid na babae... Mabuti naman at nakasama ka dito sa aming lugar... Iha....."

" It's a pleasure po, Mam Rose to be here.....And thanks for having us also..." masayang sabi ni Amanda.

"Naku... hindi ka na dapat maging formal sa amin...Iha.... ituring mo na kaming mga parents mo... Tita Rose at Tito Tom na lang ang itawag mo sa amin...."

Nahiya si Amanda sa sinabi ng Mom ni Clark. Mabait pala talaga ang family side nito.

 " Sya nga pla....Si Claire at Sophie...mga kapatid ni Clark.

Pakilala ng Dad ni Tom kay Amanda. Parehong mapuputi at matatangkad ang mga kapatid na babae ni Clark. Mukhang din silang mga artista. Si Claire ang nakatatandang kapatid ni Clark. Bobcat ang gupit nito at merong magagandang mga mata. May asawa na siya at ang pangalan ay Bob. Nagstay din sila kasama ang mga magulang sa bahay. Meron itong isang anak na lalaki na halos mag 5 taong gulang na at tinatawag nilang Little John.

Samantalang si Sophie naman ay isang freelance model na malimit lumuwas ng manila sa mga photo shoots nito. Kapag wala itong mga schedules ay malimit itong magstay sa Batangas para makasama ang family niya. 

Welcome to our humble place , Amanda.. I hope mag enjoy ka sa pagstay mo dito sa amin..." 

Nakipagkamay siya kay Amanda. Ganun din si Sophie.

 "Tama si Mom, You are pretty...do you want to try modelling? sabi ni Sophie.

Ngumiti ito kay Amanda. Lumabas tuloy ang dalawa nitong dimples na malalim sa magkabilang pisngi. Namula si Amanda sa tinuran ni Sophie. Isa kasi iyong compliment lalo na dahil nanggaling ito sa isang magandang model.

"Oh, no.....I think its not my thing...hehehhe...I'm not qualified for that..."

" Yeah , She is right...baka pagkamalan pa siyang lalaki sa paglalakad lang...hahaha..."

Sumingit si Jayson..Inasar niya si Amanda. Pinalo ng mahina ni Amanda si Jayson. Napuno ng tawanan sa salas.

 "I'm sure nagutom na din kayo sa biyahe...Halina kayo at meron kaming hinandang makakain..."sabi ni Mom Rose.

Nagtungo sila sa dining area na merong malaking chandelier sa gitna. Mga porcelain na mga plato ang nakadisplay sa malalaking kabinet sa paligid ng dining area na meron ding 10 sitters na table na nakalagay sa gitna. Puno ng tawanan at kwentuhan ang naging eksena sa hapag kainan sa loob ng halos 1 oras. Pagkatapos kumain ay sinamahan ni Mom Rose si Amanda sa magiging kuwarto nito. Kahit hindi ganoon kalaki ang kwarto ay maaliwalas ang ambiance nito na merong isang maliit ng terrace. Maamoy din sa loob ang mga halimuyak ng mga bulaklak na nasa kalapit na flower farm.

"Pagpasensyahan mo na.... hindi ganoon kalaki ung kwarto,Iha..." paliwanag ni Mom Rose.

 "Oh, Tita its more than enough for me,... Maraming salamat po ulit... 

Pabirong sabi ni Amanda. Napatawa si Mom Rose. Napahawak ito sa pisngi ni Amanda.

 " It is our pleasure to have you and Jayson here... Kaya wag mong isipin na abala kayo...We hope na ma enjoy nyo talaga ang 2 days na pananatili ninyo dito sa amin. Maiwan na muna kita upang makapagpahinga ka.. I'm sure napagod ka sa biyahe....."

Bago umalis ay nagbeso muna si Mom Rose kay Amanda. Sobrang natutuwa si Amanda sa pinakikitang kabaitang ng mommy ni Clark at ang buo nitong pamilya. 





LYRICS OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon