CHAPTER 16

28 1 0
                                    


"Okay lang ba ang ayos ko?" tanong ni Dave bago sila pumasok sa house nila Jayson at Amanda na nasa second floor lang ng recording studio. Inayos pa ni Dave ang buhok.

" Halika na... Gwapo ka na kahit anung ayos mo....." sabi ni Peter sabay tulak kay Dave papasok sa loob. Nagsipasok na sila Clark sa loob.

"Aba....mukhang naging malawak ang lugar mo ngayon , Jayson ah...." sabi ni Thomas habang iginagala ang mata sa loob ng bahay.

"Saka mukhang naging maaliwalas at malinis ang paligid....iba talaga pag may kasama kang babae dito...heheheh..." paninita ni Peter.

"Ganyang din ang sinabi ni Max nung una silang nakapunta dito ni Clark." sabi ni Jayson.

"Umupo muna kayo...tatawagin ko lang si Amanda." Umalis si Jayson at pinuntahan ang kapatid sa may kusina.

Biglang kinabig ni Dave si Clark.

"Kelan ka pumunta dito?"

"Nung nag start yung 2 weeks vacation natin...may kinailangan kasi akong i-consult kay Jayson kaya pumunta ako sa kanya. Un din ang araw na dumating si Amanda." paliwanag ni Clark.

"Wow....naunahan na pala tayo ni Clark na makita ng personal ang kapatid ni Jayson " sabi ni Thomas.

"Maganda ba talaga siya? mahinang tanong ni Dave. Lumapit pa talaga ito kay Clark.

Tumango si Clark.

Siya namang dating ni Jayson kasama si Amanda na naka fitted na jeans at white t'shirt. 

Napatayo si Peter habang nakatingin kay Amanda. 

"Sigurado ka talagang maganda siya?" pangungulit na tanong ni Dave. Hindi nito namalayan na nasa harapan na nito si Amanda at Jayson.

Tinapik ng malakas ni Thomas si Dave. Namutla si Dave ng tumingin sa harap niya. Isang matamis na ngiti ang sumalubong sa kanya mula kay Amanda. Bigla siyang napatayo.

Nagtaka naman si Jayson sa nakitang mga inasal ng mga kaibigan.

"Amanda....sila ang amazing star.. si Thomas, Dave at Peter."pagpapakilala ni Jayson.

"Nice to meet you....." inilahad ni Amanda ang kamay sa kanila upang makipagkamay. Isa isa namang nakipagkamay sila Dave, Thomas at Peter sa dalaga.

"Kamusta ka na, Clark?" sabi ni Amanda ng mapahinto siya sa harapan ni Clark. Inilahad din niya ang kamay para makipagkamay sa binata.

Nakangiting nakipagkamay si Clark kay Amanda. Mahigpit ang pagkakamay nila sa isat' isa.

"Mabuti naman ako, Amanda..." sagot ni Clark.

"Mabuti naman kung ganoon..... halina kayo....kumain na tayong lahat...." aya ni Amanda.

Nagtungo na sila sa dining area. Masaya sila sa hapag kainan puro tawanan ang pumuno sa bawat sulok ng dining area. Nabusog ang bawat isa dahil sa masarap ang mga naihandang putahe ni Amanda. Makalipas ang isang oras ay bumalik na din sa recording studio sila Clark. Nauna na silang bumaba. Naiwan muna si Jayson para tulungan ang kapatid.

"Woaaaaah.... sobrang busog pa din ako....." sabi ni Dave.

"Ang dami mo kasing nakain, Dave...... " nakatawang sabi ni Thomas. Pero siya din ay nabusog ng sobra.

"Ikaw din naman, Peter.... and I think lahat tayo busog na busog pa din......hehehehe" sabi ni Dave.

"Ang galing pala talagang magluto ng kapatid ni Jayson...... " papuri ni Thomas. " Kaya pala hindi nakakapagtaka na medyo tumataba na si Jayson now..hahahha"

"Bonus na lang pala yung pagiging maganda niya... Guys, napansin nyo ba ang pagkakahawig niya kay Moira sa DOTS na drama? Sobrang ganda niya pag ngumingiti siya...." paliwanag ni Dave.

Tinapik ni Thomas si Clark. 

"Mukhang merong nahulog ang damdamin sa kapatid ni Jayson ah......" 

Nagtawanan sila Thomas at Peter. Seryoso naman si Clark. 

Napatayo naman si Dave. At wari ay nag-iisip.

"Sa tingin nyo....may boyfriend kaya si Amanda?" tanong ni Dave.

"Wooooaaaahhh.... Tama ka nga Thomas, ang mahal nating kaibigan ay mukhang umiibig na....." sabi ni Peter sabay akbay kay Dave.

Bigla namang pumasok ng control room si Jayson. Nakita niyang nagkakatuwaan ang mga kaibigan.

"Mukhang masaya kayo ah.... " sabi ni Jayson.

Bigla namang napaayos sila Dave at Peter.

"Nandyan na pala ang bayaw mo, Dave......" sabi ni Thomas.

"Bayaw? Sinong bayaw? " nagtatakang sabi ni Jayson.

Tumayo si Clark at tinungo ang live room na katabi lang ng control room. Inayos niyang muli ang kanyang gitara. 

Lumapit si Thomas at may binulong kay Jayson. Natawa naman si Jayson.

"Naku mahihirapan ka dun sa kapatid ko, Dave....." sabi ni Jayson.  " Puti na ang buhok mo ay hindi mo pa napapasagot iyon... .

"Bakit naman? May boyfriend ba si Amanda?" 

Nagtungo si Jayson sa isolation booth at may inayos na mga cables.

"Wala...........wala siyang boyfriend now...." tugon ni Jayson.

Nag apir sila Thomas at Peter.

"Ayos yan, Dave..... wala palang sabit...." sabi ni Peter.

"Kaka break lang nila ng boyfriend nila..... " pagpapatuloy ni Jayson. "Iniwan siya ng boyfriend niyang 5 yrs na niyang karelasyon dahil sa ibang babae....."

"Huh??? 5 yrs niyang bf??? Tapos pinagpalit siya sa iba?" gulat na sabi ni Thomas...." Mukhang madugong laban ang susuungin mo Dave...." 

Lumabas ng isolation booth si Jayson.

"Mahirap talaga.....mukhang ayaw ng magka relasyon ng kapatid ko.....or matatagalan pa bago siya magmahal ulit. Unang boyfriend nya yun at mahal na mahal niya....." sabi ni Jayson sabay upo nito sa silya.

"Kaya samahan mo talaga ng dasal kung gusto mo talaga ang kapatid ko. " hinawakan ni Jayson at tinapik ang balikat ni Dave na nakaupo sa tabi niya.Nag stretch ng kamay si Jayson. " Let's continue....madami pa tayong need i clear out..." sabi nito sa kanila.

Tinapik tapik nila Peter at Thomas si Dave habang papasok sila ng live room. 

Napatingin naman si Jayson kay Clark na hindi man lang sumali sa usapan nila. Na wari ay nakikiramdam lamang sa kanila. Napangiti naman ng palihim si Jayson.

LYRICS OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon