Chapter 2

41 1 0
                                    

Bago ako makarating ng room ay nakita ko si Marcus na nakatingin sakin, makikita mo ang lungkot sa kanyang mga mata. Nagulat ako sa inakto nya, binilisan ko ang lakad ko ngunit di ko na siya naabutan, pumasok na sya ng classroom.

Habang naglalakad ay pinagtitinginan ako ng grupo ng mga babaeng nilunod sa foundation ang mga mukha. Mga babaeng espasol.

"Grabe naman yan! Sya na nga nililigawan tapos binale wala pa nya yung effort ni Marcus naku sana sakin nalang nya binigay yon, hindi pa nasayang" bulong nung babae na halos rinig ko naman.

And that hits me. Shocks! Naalala ko yung boquet na binigay nya, tinapon nga pala ni kuya yun bago umalis ng campus kahapon, sure ako nakita nya yun. Ngayon alam ko na kung anong pinanggagalingan ng lungkot sa kanyang mga mata. Pag pasok ko nakatingin sya sakin sabay iwas, at malungkot ang mukha nya. Okay, I'll say sorry.

Si kuya Marc may kasalanan neto eh!

Bumalik nang panandalian ang inis ko kay kuya Marc nang maalala ko ang ginawa nya kahapon. Alan kong ng sorry na sya pero aish! Nakakinis parin no!

Wala pa namang teacher lumapit muna ako sa kanya para mag sorry.

"Ahm, Marcus? so-" di na nya ako pinatapos at nagsalita agad sya.

"Okay lang, kung ayaw mo talaga sa akin, naiintindihan ko naman eh" sabay tungo, di ko napigilan yung sarili ko binatukan ko sya. Inis na nga ako kay kuya Marc tapos ayaw nya pa ako pakinggan.

"Patapusin mo muna ako!"

"Sorry. Sige nakikinig ako"

"Ahm, sorry ah? Si kuya kasi eh, sya naman talaga nagtapon nun, kukunin ko sana kaso bigla nya pinaandar yung sasakyan kaya di nako nakalabas, sorry talaga"

"Kuya mo talaga nagtapon nun?" nagliwanag yung mukha nya. napangiti tuloy ako.

"ahm oo bakit?"

"kala ko ikaw eh, naku okay lang yun, kuya mo naman yun, ang mahalaga hindi ikaw yung nagtapon"

"Ahm.. eh may isa pa akong sasabihin eh, si -si kuya ayaw nya ako may boyfriend, masyado pa daw akong bata"

"Kaya ko naman mag intay eh, kahit gaano katagal" Napangiti ako sa mga sinabi nya. Sana nga mahintay nya ako, sana masabi nya parin ang mga bagay na yan kapag alam na nya ang lahat sa akin.

"Osige balik nako sa upuan ko"

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga, kapag nlaman mo kaya yun itutuloy mo pa kaya ang panliligaw saakin? Baka hindi na, pero pababayaan muna kita tutal minsan lang naman ako makaramdam ng ganito.. Yung bumibilis ang pintig ng puso ko, pero dahil sa masayang pakiramdam.

Dumating na ang teacher pero may bakanteng silya parin sa tabi ko. Bakit kaya wala pa si Ghelo? hindi nman yun nag ka cutting ah? ano kaya nanagyari dun?

"Pst! bes! nasan si Ghelo?"
Busy sya sa pagbuklat ng libro, malanag ay nag re-review 'to para sa quiz sa next subject.

"nandun sa hideout umiiyak." Agad nyang natakpan ang bibig nya, tila nagsisisi sa sinabi nya.

"huh? bakit?"

"Ahm, ano may sakit ata sya kaya nagpapahinga dun. Hayaan mo na muna."

"Ha? May sakit? E bakit pa pumasok? Teka nga pupuntahan ko. "

Kapansin-pansin ang pagiging taranta nya, ano bang meron?

"Wag."

"Anong huwag? Mamaya kung ano pang mangyari don!"

Forever 'Till Eternity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon