Marc
"Papatayin mo ba ang kapatid mo ha?" May bahid ng galit sa tono ng pananalita ng ama ko.
"Dad i'm so-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko at sinampal nako ni daddy. Alam ko naman na kasalanan ko, and I am so guiky for that. Nasampal ko pa si Justine, isang bagay na hindi ko gustong gawin at hindi ko din akalain na magagawa ko. Pero hindi parin noon mababago ang katotohanan na ayaw ko parin doon sa Marcus na iyon, at hinding hindi ko sya magugustuhan para kay Tintin, nakasisiguro ako na sasaktan lang nya yung kapatid ko at kapag nangyari yun sisiguraduhin kong manghihiram sya ng mukha sa aso!
"Maulit pa ito Marc sinasabi ko sayo itatakwil kita. alam mo naman na mahina ang kapatid mo dadagdagan mo pa?"
"Sorry dad, pero di lang ako ang may gawa nyan, kayo dindahil sabi ng doktor emotional stressed siya, at alam ko dahil yon sa hindi ninyo pag uwi sa birthday nya, dinamdam nya iyon" hindi nakapagsalita si dad marahil sa gulat nya sa narinig, pero maigi narin na malaman niya ang totoo.
"Sige mauna na ako sa loob at may aasikasuhin pa ako"
Pagpasok ko sa loob ng room ni Justine, naabutan kong pinapagalitan sya ni Edward."Balik muna ako sa bahay marami pa akong aasikasuhin"
"Wait lang kuya naano yang pisnge mo?" tanong ni Tintin,
Aish! Nagtanong pa obvious naman na nasampal ako diba?
Gusto ko sana sabihin yun pero mas pinili kong di nalang pahabain.
"Nothing." Nagulat sya marahil dahil malamig ang tono ko, hindi ko naman sinasadya yon, naguguluhan at nahihiya lang talaga ako.
Pag uwi ko ng bahay ay agad kong ipinaayos ang kwarto nila mommy, at nagpaluto narin ako para pagdating nila ay kakain nalang sila.
Maya maya ay narinig ko na ang busina kaya lumabas na ako upang tumulong sa bagahe nila mommy, pagkagaling kasi nila sa airport ay dumeretso sila sa ospital.
"Kuya, ayoko nga mag wheelchair, may asthma lang ako hindi ako baldado."
Bagamat naiinis ay hindi maitago ang sigla sa mga mukha ni Justine. Ang saya dahil sa pag oo ni daddy sa hiling nyang kasama sila sa birthday nya. Nawala naman ang ngiti niya nang makita nya ako napayuko sya sa harap ko at saka bumati.
"h-hi ku-kuya" takot na takot sya habang binibigkas ang mga katagang iyon.
"ahm, pasok na kame h-ha?" hindi pa man ako nakakasagot ay pumasok na sila sa loob,
"After how many years, ngayon ko lang ulet nakitang ngumiti ng totoo si Tintin"sabi ni Ian
"oo nga kuya, grabe no? sobrang saya nya? kahit ako nahahawa sa ngiti nya eh" Sagot naman ni Edward na halata mong nagaparinig sa akin.
"Ikaw kuya? ano sa tingin mo? sasaya pa kaya sya ulet ng ganyan kasaya?" baling naman sakin ni Ian muli, bago pako makasagot ay inunahan nanaman nila ako.
"Siguro kapag natauhan kana, saka mo malalaman kung gaano sya kasaya ngayon." pumasok na sila sa loob kaya sumunod na ako.
"oh mga anak, kain na tayo ng tanghalian. Dali at lalamig ang pagkain" yaya ni mommy sa amin.
"Nakakatuwa naman kayong pagmasdan kapag buo kayong lahat..." sambit naman ni yaya Meding.
"Oo nga po yaya eh, happiest moment po sobrang saya ko ngayon! tara picture tayo, minsan lang to eh" pagkatapos namin mag selfie ay kumain na kami ng sabay sabay. nagtatawanan sila habang ako ay iniisip kung paano ko kakausapin si Justine nahihiya kasi ako sa ginawa ko kahapon, hindi ko alam kung paano mag so-sorry sa kanya. pagkatapos kumain ay umakyat na ako ng kwarto.. Maya maya ay may kumatok..