Chapter 6

41 1 0
                                    

Justine

*Flashback*

"Babe, gising na" someone's poking me on my cheeks.

"Mmmmmm five minutes pa"

"Babe, may pupuntahan tayo bangon na"

"Sinabi na ngang five minu--- WAAAAA! BAT KA ANDITO?" Si Marcus!! Nasa kwarto ko! Nakakahiya nakita nya akong magulo ang buhok at kakagising lang! Baka ang pangit ko huhu!

Agad akong tumakbo sa banyo at nag ayos mg sarili, narinig ko naman syang tumatawa sa labas.

"Babe bumaba kana! Nakakahiya! Bababa nalang ako kapag tapos nako mag ayos!"

"Ano kaba babe, maganda ka kahit bagong gising. Dimo na kailangan magpaganda. O sige bababa ako bilisan mo ha? May pupuntahan tayo"

Pagbaba ko ay nakita ko sya, ang gwapo nya sa brown na poloshirt at jeans nya. Agad akong ngumiti nang magtama ang paningin namin.

"Happy first anniversary, babe"
Sabay abot ng bulaklak at Chocolates sakin.

"Thank you babe, happy anniversary din."

"Tara may pupuntahan tayo."

"Saan?"

"Basta surprise"

Nakatulog ako habang nasa byahe at pag gising ko ay nasa mall kami. Manonood pala kami ng sine.

Sana lagi nalang ganto. Sana hindi na matapos ito. Napaka perfect..

*End of flashback*

Nagising naman ako nang may luhang pilit na gustong kumawala sa aking mga mata. Napabuntog hininga nalang ako at napapikit.

It's been months since that day. It's been months na durog ang puso ko.

I am happy. Yes. Pero hindi nun maaalis ang sakit na nararamdaman ko ngayon, sa tuwing nakikita ko syang kasama ang iba naiisip ko kung bakit nya ako iniwan, bakit nya ako ipinagpalit sa iba, bakit nya ako sinaktan,

Ay oo nga pala mahina ako at walang kwenta diba?

It just happen that my heart beats for him. Kahit na nasasaktan yung bestfriend ko wala akong magawa kasi si Marcus parin yung laman ng puso ko. Kahit paulit ulit na sinasaksak to kapag nakikita ko silang masaya ng bagong girlfriend nya, sabi nga nila kung mahal mo talaga yung isang tao magiging masaya ka nalang kapag nakikita mo silang masaya, love is selfless, not selfish. At isa pa wala naman akong magagawa diba?

It's just that naniwala ako na may forever saming dalawa. Pero oo nga pala. Kahit ang dictionary nagsasabing "nothing last forever"
Sounds bitter? Yeah. Mas mapait pa sa ampalayang iginisa sa kape yung nararamdaman ko ngayon. Wala eh. Mahal ko eh.

Forever 'Till Eternity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon