Chapter 1

57 2 0
                                    

Justine' POV

"Bessy! Mauna na kami ni Ghelo ha? Nagpapatulong kasi ako may gagawin ako sa bahay diba susunduin ka naman ng kuya mo? So ano sige ha! Mauna na kami byeee!"
Nagliligpit palang ako ng gamit nang magpaalam ang bestfriend kong si Stephanie at inisama nya ang isa pa naming bestfriend na si Ghelo. Hindi na nya ako pinagsalita at hinila ang lalaki palabas ng classroom. Napairap nalang ako sa hangin nang maiwan ako. Maiiwan ako mag isa at paniguradong may mangungulit nanaman sa akin paglabas ko ng silid.

Paglabas ko, kagaya ng naiisip ko kanina ay nandoon nanaman ang lalaking makulit na iyon. Oo gwapo sya, cute, matalino at crush ko sya pero hindi sapat iyon para pumayag ako sa bagay na gusto nya. Nang magtama ang mga mata namin ay ngumiti sya sa akin. Nagdere-deretso ako at nilagpasan sya. Wala syang kasing kulit at talaga namang nakakaburyo ang araw araw na pangungulit nya. As ussual humabol nanaman sya nang lagpasan ko.

"Payagan mo na kasi akong manligaw sayo, please." sabi ni Marcus sakin habang naglalakad ako pauwi, ang kulit kulit nito, nakakainis na! Ilang linggo nya narin akong kinukulit, eh ayaw ko nga magpaligaw. Oo crush ko sya pero hanggat maaari ay hanggang doon nalang muna dahil gusto ko muna ay makatapos. Nasa 4th year high school na kami ngayong taon at graduating na.

"HINDI KABA NAKAKAINTINDI NG ISANG SALITA AT TATLONG SYLLABLES? A-YO-KO"

"Hindi kaba makaintindi na mahal kita kaya gagawin ko ang lahat para mapa oo ka? dalawang salita lang apat na syllables. MA-HAL KI-TA"

Ang kulit nya grabe! Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante dito sa hallway, dumirederetso akong maglakad ng bilang may humarang saking mga lalaki, naglabas sila ng banner ay may nakasulat doon.

"MAY I COURT YOU JISTINE MAE LEE? PLEASE?"

Binigyan pa nya ako ng boquet of chocolates. YES! BOQUET OF CHOCOLATES! Yung parang boquet pero puro chocolates ang laman! Ang sweet ng gesture na iyon, at mas lalo pang naging sweet sa kaalaman kong hindi sya ganun kayaman at alam kong hindi biro ang presyo ng boquet na iyon.

"Pumayag kanaa!" Nagsisigawan na sa kilig yung mga nakakakita sa amin. Inilibot ko ang paningin ko, may ibang kinikilig at may ibang naiinggit.

"Oo nga! di naman yan mage effort kung di ka mahal nyan eh!" inaamin ko naman na napangiti ako dahil sa effort nyang yun.

"Osige na nga! pero ligaw lang ha. o ayan naka oo nako, pwede naba ako umuwi?"

"hatid na kita" pag aaya nya. Hatid? Seryoso ba sya? Una sa lahat wala silang kotse, pangalawa, hindi ba nya alam ang pwedeng gawin ng mga kapatid ko sa kanya kapag nakita sya?

"No thanks, sabay kami ni kuya Ian."

Si kuya Ian ang pangalawa kong kuya, sya ang pinaka close ko sa mga kuya ko. Sa kanya ako spoiled ay halos nagkakapareho ang mga gusto namin lalo na pagdating sa sports na basketball. Nag aaral din sya ngayon at varsity sa school nila. Soon to be PBA player na sya kaya naman lalo kami naging magka close. Gusto ko din sanang matuto ng basketball at magpaturo sa kanya pero bawal sa akin. Bawal na bawal.

Panganay naman namin ay si Kuya Marc na sobrang strict at laging tutok sa trabaho, pero sa kabila nun ay sweet parin sya at maaalalahanin. Hindi kami ganon ka close dahil sya ang dakilang hadlang sa mga bagay na gusto kong gawin. Puro "bawal" at "no" ang lumalabas sa bibig nya. Pero syenpre hindi ko magawang magalit sa kanya dahil sya ang tumatayong tatay sa aming lahat.

Pangatlo naman ay si kuya Edward, sorang maaalalahanin sya at pinakamahinahon sa lahat, sya ang pinaka mabaut at tahimik. Sumunod ko syang ka-close. Nag aaral din sya ng college at balak nyang tumulong kay kuya Marc sa pagpapatakbo ng negosyo ng pamilya namin. Sa kanilang tatlo si kuya Ian ang iba ng gusto, pero hindi naman iyon hinadlangan ng mga magulang namin.

Forever 'Till Eternity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon