Chapter 13

30 1 0
                                    

Justine's POV

"Magpakasaya ka lang. Dahil pag mag asawa na tayo, ako naman ang magpapakasawa sayo. Lalo na sa katawang 'to. Magiging akin na lahat sayo. I want to rock this body hard"

Ilang araw na ang lumilipas ngunit sariwa parin ang mga katagang iyan sa isip ko at parang paulit ulit na sinasabi sa tenga ko. Abot langit ang kaba ko hanggang ngayon. Kung ano ano ang pumapasok sa isip ko na hindi ko na kontrolado. Laking pasasalamat ko nang hindi nako kulitin pa ni Ghelo noong araw na iyon. Kilala nya ako. Alam nyang may mali pero alam nya rin na ayaw ko na iyong pag usapan kaya hindi na nya inungkat pa.

Paano pag kasal na kami?

Paano kung gawin nya nga sa akin iyon?

May karapatan na sya kasi asawa na nya ako, pero ayoko. Ayaw ko.

Hindi ko na talaga alam kung ano ang iisipin. Niyakap ko nalang ang mga tuhod ko at tahimik na umiyak.

Umaga na pero hindi parin ako nakakatulog. Hindi ko nga alam kung may matino pa akong tulog nitong nakaraang tatlong linggo. Simula noong graduation ay hindi na ako napalagay, parati kong napapanaginipan ang bagay na dapat ay ibinabaon ko na sa limot. Kaya't minsan ay hindi narin ako nakakatulog dahil ayaw ko nang mapanaginipan pa.

Nasa ganoon akong sitwasyon nang may kumatok sa pintuan ko kaya't agad kong pinunasan ang mukha ko at nagpanggap na tulog.

"Beeeees-- ay tulog pa? Bangon na! Tanghali na borlog kapa!" Si Stephanie marahil iyon. Sya lng ang kilala kong ganun kaingay ang bibig.

"Hindi tulog yan. Sus I know you Tine. Bumangon kana pupunta tayong EK"

Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata at nagulat ako sa mabilis na pag dampi ng labi nya sa akin.

Kitang kita mo sa mga mata nya ang pagmamahal at tuwa, sa kabila ng katotohanang alam na nyang hindi magtatagal ang ganitong sitwasyon namin. Totoo ngang walang perpekto sa mundo at sa tingin ko, ang buhay ko ang pinaka imperpekto. Minsan ko na ring kinuwestyon kung bakit parang lahat ng pasakit ay nasa akin na. Kung papipiliin kasi ako ay gusto kong problema ay iyong kung ano lang ang kakainin at saan kukuha ng ipapambili sa susunod na araw pero hindi.

Minsan ko naring naitanong sa sarili ko kung ano nga ba ang nagawa kong masama sa past life ko? At bakit nasa present life ko ang comeback ng lahat ng iyon.

"Tine?"

Bumalik ako sa realidad nang tapikin ako ng mahina ni Ghelo.

"Okay ka lang ba?"

"Opo love. Hintayin nyo nalang ako sa baba. Maliligo lang ako"

"Okay sige bilisan mo ha? I love you" bago sya lumabas ay hinalikan nya muna ako sa noo, isa sa pinaka sweet na gesture para sa akin.

"I love you too." Pabulong ko nalang sinabi iyon sa sarili ko.

Nalulungkot ako. Nakokonsensya. Alam ko kasing darating ang araw na ang mga ngiti sa labi nya ay mapapalitan ko ng luha at pighati. Ang mga mata nyang kay sarap titigan ay lalamlam at mapupuno ng luha. Ang masigla nyang mukha ay magiging malungkot at mawawalan ng sigla. Ang lahat ng hindi magandang mangyayari sa kanya, ang dulot na lungkot sa sistema nya, ang dahilan ng mga iyon ay ako.

*Flashback*

First day of school at talaga namang excited kaming mgkakaibigan. Ito ang unang araw namin sa High School, kaya naman na e excite kami lalo sa bagong classroom, bgong knowledge, bagong kakilala, at bagong mga achievements.

Kami kasing tatlo ay nag set ng mga goals bago magpasukan, gusto namin na laging may challenge pagdting sa pag aaral at gusto naming sukatin ang aming kakayahan palagi kaya gusto namin na may goal kami at malagpasan namin iyon.

Forever 'Till Eternity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon