Chapter 9 (editing...)

37 2 0
                                    

ANGELO

Kinakabahan ako sa pagbabalik nya!

Bakit pa? Bakit pa sya bumalik? At ano yung ibig sabihin ng "I'm here for the girl I love" nya? Alam kong si Justine yun hindi ako tanga! Pero bakit pa? Masaya na kami! Masaya na!!

Sinundo ko si Tine sa bahay nila,the usual. Kalahating taon nalang pala. Graduated na kami. Nasa kalagitnaan na kami ng fourth year college. At ang plano ko sana pagka graduate namin yayayain ko na si Tine magpakasal. Yes. Sure nako. Sya naman talaga ang gusto kong makasama hanggang dulo. Sya lang.

Sumandal ako sa kotse ko at nag antay sa paglabas nya. Nang bigla namang may dumating na pulang Porche. Sino kaya 'to?

Bumaba doon ang isang lalaking ayaw ko sanang makita, umagang umaga sya agad?

Napabunton hibinga nalang ako at nag iwas ng tingin.

We used to be friends before, pero simula noong ginawa nya hindi na namin siya kinausap.

He said sorry, at pinatawad namin sya, pero hindi na namin siya kinausap pa, maging si tito ay hindi narin siya kinausap at ang mga magulang nito na naging dahilan kung bakit rival na ang mga pamilya namin sa larangan ng bussiness.

Lumapit sya ng nakangiti kaya naman aga nag init ang ulo ko
"What are you doing here?!" Nakakunot na asik ko sa kanya.

"Sinusundo ko ang f--" hindi na siya natapos dahil lumabas na si Tine na agad nanlaki ang mata sa naabutan nyang eksena.

"Ahm, Ghelo let's go."
Hinila niya ako ppuntang kotse ko at hindi na pinansin pa di Andrew. Parang may hindi tama na nangyayari dito.

Agad naman kaming nakarating sa school, naka escort samin ang sasakyan ni Andrew.

"I'll make sure, next time hindi na ako ang escort." Yun lang ang binulong nya sakin at nauna na.

"Tine, anong nangyayari na hindi ko alam?" Napayuko sya, at maya maya pa ay yumugyog na ang mga balikat nya.

"Hey, what's wrong?" I hugged her. Ayaw kong nakikita syang umiiyak at nasasaktan.

"Ghelo, I Love you" she managely said between her sobs.

"Mahal din kita Tine. Now tell me what's your problem" inangat ko ang mukha nya at pinunasan ang mga luha doon.

Ikinuwento nya sakin ang lahat. Umuusok na ang ulo ko sa galit! Napakasama ng Andrew na yon! Napakasama nila ng tatay nya! Kailangan naming mag-usap!

Sabay kaming pumunta sa classroom namin, napansin ko naman si Andrew na papunta sa lockeroom, hindi ko na papalagpasin pa ang pagkakataon na toh!

"Tine, mauna kana may kukunin lang akl sa locker room. Babalik din ako agad"

"Okay, dalian mo ah? Terror ang prof natin ngayon."

Hinayaan ko muna syang makalayo, bago ako nagtungo sa locker room, sakto namang paalis na sya kaya sinalubong ko agad sya ng isang suntok.

"G*go ka! Lagi mo nalang bang pahihirapan si Justine ha?" Sinuntok ko ulet sya kaya naman gumanti sya, parehas na kaming putok ang mga labi ngayon.

"Hindi ko kasalanan kung palugi na ang kumpanya nyo at ako nalang ang tanging paraan!" Sabay suntok nya ulit sa akin.

"Hayop ka! Plano mo tong lahat! Napaka selfish mo! Muntik mona syang mapatay noon! Ano itutuloy mo na ngayon? Ha?!"

"Sinabi ko na ngang hindi ko sinasadya yon diba?! You all made me like this! Kasalanan nyo rin to!"

"Kame? Kame na tumanggap sayo? Kame na pinatawad ka kahit na mapakasama ng ginawa mo? Kame pa?" Sinuntok ko ulet sya. Nanggigigil talaga ako sa kanya! Damn him!

"Wag ka mag alala, hindi nako galit sa inyo, makukuha ko narin naman ang gusto ko eh"
Lumakad na sya pabalik sa room. Maya maya ay sumunod naman ako.

Nanlaki ang mata ni Justine nang makita ang pasa at putok na labi namin ni Andrew, sure ako mamaya raratratin ako nyan ng tanong.

Pagka bell ay agad nya akong hinila sa hideout namin at sinuntok ako ng mahina sa dibdib,

"Chansing ka nanaman Love."
Naiiyak naman sya kaya nginitian ko,

"Tss! Bakit mo siya kinausap? Sabi ko naman sayo diba wag na?! Ang kulit mo talaga tignan mo nabangasan pa yung mukha mo" and she burst out her tears,

"You're such a cry baby, wala to no! Gwapo parin ako."

May naiisip akong gawin, siguro nga, dapat ko na tong itanong sa kanya, kaysa magsayang pa kami ng panahon.
Lumuhod ako sa harap nya, halata namang na gulat siya kaya kinuha ko agad ang kamay nya.

"Wala na tayong dapat sayangin pang panahon, mahal na mahal kita Justine, Will you be my Girlfriend?"

Sa kabila ng gulat nya ay hinila nya parin ako patayo, niyakap nya ako at binulungan.

"Mahal na mahal din kita Love, Yes, I'm your girlfriend from now on until Forever."

I can't explain how I feel! Damn I'm so happy right now.

"OMG!! I'M SO HAPPY FOR YOUUU YIEEE!" Biglang sulpot ni Steph at may patalon talon pa sya. Sumunod pala sya samin.

"Okay back to normal, terror ang next prof"

Pagbalik namin sa room agad na napukaw ang atensyon ng lahat sa sinabi ko.

"SA LAHAT NG MAGTATANGKA DYAN KAY JUSTINE! BACK OFF GUYS. I'M NOW HIS BOYFRIEND"

"Ghelo! Ano ba!" Sinita naman ako ni Tine at hinila paupo sa upuan namin. Namumula ang pisngi nya at hindi sya makatingin sakin. Hindi ko mawari kung kilig ba, hiya o parehas ang nararamdaman nya.

Nakita ko naman sa peripheral view ko na nakatingin si Andrew sakin ng masama, well, sorry sya pero akin si Justine.

Pag uwi namin the ussual magkasabay kami ni Justine. Balak ko sanang ipaalam kila tito na kami na.

Pagdating namin sa bahay wala sila tito dahil nasa office daw pero andun sila kuya Marc kaya minabuti ko na din na sabihin sa kanila.

"Parang alam ko na ata yang announcement nyo ah?" Nakangiting sabi ni kuya Ian.

"Hehe, kuya kasi ayoko na patagalin eh, alam mo na may umaaligid dyan sa tabi tabing asungot. Hahaha gusto ko po ipaalam sa inyo na kami na ni Justine" dere-deretso kong sabi sa kanila.

Ngumiti ailang lahat sa amin, si Justine naman nakayuko lang. Kinakabahan siguro sya.

"K-kuya" nakayuko parin siya, Pero sa wakas nagsalita na siya.

Lumapit naman yung tatlo sa amin at niyakap siya.

"Huy, okay lang ano kaba, alam naman naming mapagkakatiwalaan yan si Ghelo eh." By that, she smile and hug her brothers tight.

Hindi narin ako nagtagal dahil pinapauwi nako ni Justine, alam kong pagod narin siya kaya naman pinagbigyan ko na.

Habang papauwi ako ay iniisip ko si Andrew, alam kong mabait siya ngunit nabubulagan lang siya ng pagmamahal nya kay Justine. Pero galit parin ako sa kanya sa ginawa nya noon hanggang ngayon.


JUSTINE'S POV

It's been a long tiring day. But this day is a day to remember. Sobrang saya ko dahil finally kami na ni Ghelo. Girlfriend nya na ako, at boyfriend ko na siya. Ang ngiti sa mga labi ko ay agad naalis, di ko parin maiwasang isipin si Andrew, I know he's hurt. I know that I'm the reason.

Kakausapin ko nalang siya bukas. At sana makumbinsi ko siya na ibalik na sa kompanya ang shares na kinuha nila. Alam ko namang di siya masama eh, nabubulagan lang siya ng galit. I feel so guilty, kasi alam ko ang galit na iyon ay dahil sakin. Kaya sana ako din ang maka ayos nito.

-----

There are some adjustments. Hehe thanky.

Forever 'Till Eternity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon