Chapter 11

29 1 0
                                    

Andrew's POV

Nakatulala parin ako at hindi pa tuluyang na tatanggap ng buo kong katawan ang sinabi ni dad. Namalayan ko nalang na may dumaloy na mainit na likido sa pisngi ko at dun bumalik ako sa wisyo.

"Dad? Is it serious?"

"I don't have time for jokes Andrew. I recieved a response from one of the doctors na kakilala ko. College friend to be exact. Nasa Japan sya ngayon at kaka discover nya lang ng cure sa sakit ni Justine. Actually, nag tanong na pala sa kanya ang pamilya ni Justine noon pa pero hindi nya pa alam kaya't ping aralan nya ito and atlast ngayon nakatuklas na sila ng gamot. It is also proven and tested by his first and second patient na almost dying na pero na revive nya dahil sa gamot at operation na ginawa nya. He's actually one of the best doctors in the world, and so far hindi pa alam ng mga Lee and I ask her na ako nalang muna ang magsasabi bago nya kausapin. This is it Andrew for us to have the biggest business in the Phillipines we have to get them. We have to convince them to tie you and Justine up. And this is the answer. I'll go to her father to discuss this as soon as possible." Dere-deretso sya ng pagsasalita na animo'y desidido sa lahat ng gustong gawin. Lahat ng pag aalinlangan ko ay nawala. Lahat ng naisip ko kanina sa gym ay nawala at napalitan ng pagiging ganid ko sa babaeng matagal ko nang gusto. Ito na ang sagot sa mga dalangin ko. Ito na ang sign na hinihingi ko and I guess pabor sakin ang nangyayari ngayon.

*Flashback*

Dumeretso ako sa gym. Buti nalang at walang tao dito.

Habang nagse-set up ng mga bola para sa shooting ay napapaisip ako. Tama paba itong ginagawa ko?

Napatawa ako sa aking naisip. Walang tama sa ginagawa ko. Alam kong wala, pero pinipilit ko parin dahil dito ako masaya, kapag nakuha ko sya doon ako magiging masaya.

Nag shooting ako pero kadalasan ay sumasablay dahil sa mga iniisip ko na nakakapag wala ng concentration ko.

Kay Ghelo sya masaya, pero sa kanya ako masaya. Alam kong balang araw matututunan nya din akong mahalin. Kagaya ng pagkatuto nyang mahalin si Ghelo.

Siguro naman kapag may mga anak na kami ay magiging masaya na sya. Makakalimutan nya rin si Ghelo, at tutulungan ko sya para mangyari yun.

Sa oras na makahanap kami ng gamot sa sakit nya ay aalisin ko na lahat ng pag aalinlangan sa utak at puso ko. Iyon ang gagawin kong sign para malaman ko kung itutuloy ko pa ba ang pakikipaglaban ko para sa pagmamahal nya.

Pagkatapos ng shooting ay bumalik ako sa bench at ngpahinga.

Bigla naman tumunog ang cellphone ko

*End of Flashback*

SOBRANG tuwa ko! Hindi maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko ngayon dahil sa wakas ay may sagot na sa sakit ng babaeng pinaka mamahal ko.

At natutuwa din akong isipin na sa wakas ay maikakasal na kami! Alam kong matututunan nya rin akong mahalin. Hindi ako mawawalan ng pag asa.

JUSTINE'S POV

Paalis ako ngayon para makipag kita kay Steph. Magpupunta kami sa mall para makapag bonding. Hindi ko na sya nakakasama ng madalas dahil sobrang busy nya sa modelling nya. Hindi ko din sya makamusta kay kuya kahit na alam ko na madalas sila ang magkasama.

"Tine! Here!" Kaway nya pagpasok ko sa isang botique.

"Oh my God Steph! I miss you!" Nakipag beso beso sya sakin at yumakap.

"Oo nga bes, I'm sorry, promise babawi ako sayo. So, let's go?"

Nag shopping kami kung saan saang botique na maisipan naming pasukan. Madami din kaming napag usapan at na open ko sa kanya yung bagay na hindi ko maopen kay Ghelo.

Forever 'Till Eternity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon