Chapter 12

21 1 0
                                    

HINDI ko alam kung paano ko sasabihin kay Ghelo. Hindi pa ako handang sabihin sa kanya ang lahat. Gusto ko lang i-enjoy ang ilan nalang na linggo na magkakasama kami.

Hindi narin ako kinulit pa ni Andrew simula noong komprontasyon naming dalawa.

Sa bawat araw na nag dadaan, pabigat nang pabigat ang dibdib ko. Hindi ko alam kung paano ko nakakayang humarap kay Angelo na may hindi sinasabi sa kanya.

Ang hirap sa akin ang magiging desisyon ko dahil future ko ang pinag uusapan dito, kaligayahan ko, buhay ko. Pero wala akong magawa dahil mas lamang sa akin ang pagmamahal ko sa pamilya ko. Kahit minsan gusto kong maging selfish, pero love is selfless right? Kaya hindi ko rin magawang bawiin ang mga binitiwan kong salita.

Hindi ko na rin naisipan pang ipaalam kila kuya ang nangyari noong araw na iyon, sinabihan ko din si dad na wag sabihin sa kanila hanggang hindi natatapos ang bakasyon. May ilang beses kong tinangkang sabihin kay kuya Ian pero nanaig sa akin ang kaisipan na baka magalit sya. Sinong niloko ko? Magagalit talaga sya, at malamang ay sabihin niya sa dalawa ko pang kuya at malaman ni Ghelo. Kapag nangyari yon ay malaking gulo.

Inaayos ko ang kwarto ko ngayon dahil linggo. Wala namang pasok, tapos na halos lahat ang dapat ipasa sa school at kaunting polish na lamang ay gagraduate na kami. Ako lang ata sa lahat ang hindi masaya sa pagsapit ng araw na iyon, pinapaalala lang niyon ang nalalapit ko nang pagharap sa impyerno.

Minsan kasi siguro, kahit gaano natin paghirapan ang kaligayan na gusto natin kung hindi iyon para sa atin, hindi din natin makukuha.

Nagkakalkal ako ng mga lumang litrato nang mapadako ang aking mga mata sa
isang box na nasa gilid ng cabinet ko. Kahon kung saan nakalagay lahat ng bagay na nireregalo at binibigay ni Angelo sa akin. Napangiti ako sapagkat naalala ko ang kahiligan nya sa pagbibigay ng efforts saakin, alam nya kasing mahilig ako sa mga bagay na nilalagyan ng effort bago ibigay, kesa doon sa mga bagay na binibili lang kung saan. Para saakin walang katumbas na halaga ang mga bagay na ito.

"Forever 'till eternity"

Iyon ang nakasulat sa itaas ng kahon. Naalala kong iyon ang laging sinasabi ni Ghelo sa akin, ang pagmamahalan namin walang hanggan. Forever 'till eternity.

Binuksan ko iyon at kusa nalang bumalik sa utak ko ang sangkaterbang ala ala.

Mga ala ala na babaunin ko hanggang sa araw na mawalan ako ng buhay.

Una kong nakita ang isang scrapbook na binigay niya noong last last year. Come to think of it, since third year high school nanliligaw na sya sakin, mahal ko sya noon pa pero ngayong fourth year college lang naging official ang relationship namin. At kung kailan naging official, saka naman....

May garapon pa rito na may nakarolyong papel. "100 reasons why I Love you" ang nalalagay sa taas ng garapon, pero noong binuksan ko sila isa isa ay iisa lang ang nakasulat "BECAUSE YOU ARE JUSTINE MAE LEE"

Hindi ko mapigilan ang maluha, heto nanaman ang mga isipin na pilit sumisiksik sa utak ko. Hindi ko parin matanggap na sa ganun nalang mauuwi ang buhay ko, si Andrew nga kaya ang tadhana ko? Sya nga kaya ang nakatakda para sa akin kaya kahit anong iwas at tanggi ko ay sa kanya parin ako bumabagsak?

Napailing ako sa sarili kong naisip, kahit kailan ay hindi magiging tadhana ang pilit na pakikipag relasyon. Sa paningin ko ay mali, mali ang kanilang ginagawa ngunit wala rin akong magawa dahil hindi ko na sila mapipigil pa sa kung ano ang gusto nila. Nagmakaawa nako kay Andrew pero ano? Wala rin nangyari.

Bakit kasi may mga tao na handang gumawa ng masama para lang ipaglaban ang gusto nila?

Sunod ko namang nakita ang picture frame kung saan nakalagay ang picture namin noong debut ko. Kapag sinasariwa ko ang pangyayari noon ay tila ba kahapon lang nangyari ito. Sya ang huling sayaw ko. Ang lalaking nagbigay sa akin ng bungkos ng bulaklak, at sinuotan ako ng kwintas sa harap ng maraming tao. Habang nagsasayaw kami noong mga panahong iyon ay parang kami lamang ang tao at walang ibang naroroon.

Forever 'Till Eternity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon