Chapter 18

26 1 0
                                    


Walang trabaho ngayon dahil sabado pero naisip ko na puntahan si Bryan sa condo niya at ngayon papunta na ako.

Pumasok na ako dahil alam ko naman hung code. Hinanap ko siya pero wala naman siya sa sala, wala rin siya sa kusina kaya pinuntahan ko siya sa kwarto niya at doon nakita ko siyang natutulog pa lang.

Nilapitan ko siya at marahang tinapik ang pisngi. Dahan dahan naman siyang nag mulat ng mata.

"Hi, mister sleepyhead. Gumising na po kayo dahil tanghali na" hinihila ko siya pero sadyang ang bigat niya. Bigla naman niya akong hinila kaya napahiga ako sakanya. Niyakap niya ako.

"Hmmm, I don't want to get up. Can we stay like this forever?" Natawa naman ako sakanya.

"No, mister maligo ka na okay? I'm sure di ka pakumakain dahil bagong gising ka pa. Tsk, kung di pa ako dumating di ka pa gigising no? So get up na at maligo na. Magluluto lang ako" tumayo na ako at tumayo na rin siya, papalabas na sana ako nang hinila niya ako ulit at hinalikan sa labi. Nagmadali naman siyang pumunta sa banyo. Napa ngiti naman ako sa ginawa niya. Parang bata talaga.

Pumunta na ako sa kusina, mamaya pa naramdaman kong may yumakap saakin. Humarap naman ako.

"Tsk! Ano na Bryan, mag bihis ka nga! Magkasakit ka pa e" lumabas ba namang naka tapis lang? Di ko rin naman mapigilang hindi mapatingin sa katawan niya. Shocks!

"O babe? Gusto mo pa rin bang mag bihis ako?" Natatawang tanong niya. Naramdaman ko namang uminit ang pisngi ko.

"Mag bihis ka na nga!" Tumalikod ako. Narinig ko namang tumawa siyang at pumasok sa kwarto niya. Puting ibon naman o! Ang landi talaga ng lalaking yun.

******

Nandito kami sa sala ngayon. Naka higa siya sa lap ko at nilalaro ko naman ang buhok niya.

"Babe, anong gusto mong gawin ngayon?" Tanong niya.

"Hmmm, ikaw? Wala akong maisip e"

"Sa resort namin kaya?"

"Sure, pero wala naman akong dalang damit"

"Dadaan naman tayo sa bahay niyo. Di pa rin ba umu-uwi sila tita?"

"Hindi pa. Sa isang linggo pa sila babalik"

"Okay. So punta na tayo?" Tumango ako.

******

Nandito na kami sa resort at iisang room lang kami, ayaw niya kasing maghiwalay. Adik talaga.

"Babe, may dala ka bang swimsuit? Swimming tayo" pag aaya niya.

"Oo naman, teka mag bibihis lang ako mauna ka na dun" tumango naman siya at nauna na.

Nag bihis na ako. May dala naman akong swimsuit. Two pieces siya. Nag bihis na ako tapos tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Okay naman siya pero di kasi ako sanay kaya nag sout ako ng pantabon (sorry di ko alam tawag don't hehe- author)

Bumaba na ako at hinanap si Bryan. Di ko pa narinig ang mga tilian ng mga babae di ko pa makikita si Bryan. Lumapit ako at ang mokong naman kaya pala siya pinag titilian ay dahil nag hubad ito ay may minamasaheng babae sa likod. Pagkarating ko sa babaeng yun tumikhim ako. Tumingin naman sila saakin.

"I believe that's my man that is massaging you girl" tinaasan lang naman ako ng kilay ng babae. Aba't!

"Girl, alam kong naiingit ka lang. Wag ka ngang assuming. Ikaw? Boyfriend mo to? Tss too much for a woman like you" inirapan niya naman ako. At ako pa ang assuming ngayon ah? Sabunutan ko kaya to?

"Ahm, miss totoo yung sinasabi niya. Girlfriend ko siya" sabi ni Bryan. Tiningnan naman siya nung babae at tumawa.

"Oh c'mon babe don't joke around alam ko namang hindi ganyan ang type mo" bumangon siya at umupo sa kandungan ni Bryan. Nakita ko namang napalunok si Bryan. At nagustuhan niya pa ngayon? Huh!

"Wow, okay so sino ang bagay sakanya? Ikaw?"

"Uhm, what do you expect? Hot ako at hot rin siya. Ako lang naman ang bagay sakanya dear, so umalis ka na dahil mapapahiya ka lang" tiningnan ko naman silang dalawa ng masama. Di ko na lang papatulan dahil ayoko pang lumaki ang away. So I turned my back to them, di naman ibig sabihin nun talo na ako. Kinuha ko naman ang juice na hawak ng isang babae at sinabuyan silang dalawa.

"Oh ayan, diba sabi mo hot kayo? Pasalamat kayo at dahil sinabuyan ko kayo baka kasi masunog kayo dahil sa ka-hotan niyo. And Your welcome" ngumisi ako at tinalikuran ko na sila. Narinig ko namang sumigaw yung babae at tinatawag ako ni Bryan. Tss bahala siya jan, doon na siya sa malanding babaeng yun.

Pumasok ako sa kwarto namin at ni lock ang pinto. Di ko siya patutulogin dito. Narinig ko namang kumakatok siya at tinatawag ang pangalan ko pero wa pakels ako sakanya. Bahala siya jan.


"Babe naman oh, mag usap naman tayo" patuloy pa rin siya sa pagkatok pero di ko parin siya pinagbuksan.

Ilang sandali lang tumigil na ang pagkatok niya. Tss siguro bumalik na doon sa higad niya. Edi mag sama sila.

Humiga naman ako sa kama. Sumama na ba siya doon? Tsk bakit ko kasi siya pinag buksan e! Tanga mo rin minsan Mia e. O ngayon nag sisi ka? Tsk pakipot pa kasi e. Oo na, e sa nasaktan ako e. Nakita ko pa siyang napalunok sa pag upo nung higad na yun sa kandungan niya.

Shete! Ang sakit nun ha! At yung lalakeng yun wala man lang ginawa kaya mabulok siya jan.

Mas maganda naman ako kesa sa hidag na yun. Tss!

I'm Shattered But Now Your BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon