Nagulat nalang ako ng may bumukas sa pintuan at nakita kong si Bryan yun.
"Paano ka nakapasok?" Tinaas niya naman ang susi. Ay tanga, siya nga pala may ari nitong hotel. Wala na, tanga ka na talaga Mia.
"Babe naman, let me explain" lumapit siya saakin.
"Try mong lumapit, sasapakin kita" pero lumapit pa rin siya.
"Okay lang. Sige sapakin mo ako" at sinapak ko talaga siya. Sabi niya e.
"Aw, shit okay, okay tama na" tumigil ako.
"Tss lumabas ka na nga"
"Anong labas? Dito rin kwarto ko no" ahh ganun ha, Edi sakanya. Tumayo ako at nag umpisa ng mag impake.
"Uy babe, anong bang ginagawa mo?" Lumapit siya at pinigilan ako.
"Ano ba? Akin na nga yan!" Kinuha niya kasi yung mga gamit ko.
"Saan ka pupunta?" Tanong niya. Binabalik niya ang mga gamit ko pero kunukuha ko naman balik.
"Lilipat ng kwarto. Diba sabi mo sayo naman to? Edi lilipat, madali lang naman akong kausap. Kaya pwede ba wag mong ibalik ang mga damit ko. Mag che-check in nalang ako balik... Palipatin mo na rin yung kaharutan mo kaninang babae" sabay kuha sakanya ng hinahawakan niyang damit ko.
"Babe naman! Wala lang yun...."
"Anong wala? Kitang kita ng dalawang mata ko ang kalandian niyong dalawa. Teka bat nandito ka ba? Bumalik ka na nga doon" pag tataboy ko sakanya. Niyakap niya naman ako pero nagpupumiglas ako.
"Tsk, let go of me"
"Babe naman e, okay. Okay sorry na nag patulong lang siyang mag lagay ng lotion sa likod niya" pagpapaliwanag niya pero di ko siya pinakinggan.
"Tska, babe ikaw naman mahal ko e. Wala akong paki alam sa babaeng yun. Pansinin mo naman ako o, please" huminga ako ng malamim bago siya hinarap."Nag patulong? E ikaw lang ba ang lalaki sa paligid niya? At ako pa ang sinabihan niya ng assuming? Aba't masasapak ko yung babaeng yun e! At akala mo di ko nakita ang pag lunok mo nung umupo yung babae sa kandungan mo? E gusto mo pa nga e. So if you'll excuse me mag e-empake na ako kasi naudlot yata yung pag lalambingan niyo. Ituloy niyo nalang pag naka alis na ako dito ha. Baka kasi sinusumpa niyo na ako nga---" di ko natapos ang sasabihin ko dahil hinalikan niya ako.
"Rami mo namang sinasabi babe, Ewan ko kung bakit ako ang nilapitan niyo para mag palagay ng lotion sa likod niya at babe napalunok ako dahil hindi sa kumandong siya saakin kundi kung ano ang iisipin mo, sige gawin mo gusto mong gawin sakanya ikaw lang naman ang inaalala ko, hep hep patapusin mo muna ako okay?" Mag sasalita sana ako. "So ayon nga atsaka babe naman kung mag lalambing rin naman ako, sayo ko lang yun gagawin. At babe naman lalandi lang ako kung ikaw yun. Teka lang wait here okay?" Nag taka naman ako ng nag empake rin siya.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ko.
Ngumise siya "Edi sasamahan kang mag lipat. Alangan namang mag isa ka lang? Pano kung may mangyari sayo? Di ko kakayanin yun" lumapit naman ako sakanya at pinigilan siya.
"No way! Ako lang ang aalis dito. Bumalik ka na doon"
"Babe naman e, sorry na po. Ikaw lang naman ang bagay saakin e. Promise di na ako papayag na mag lotion sa iba kundi ikaw lang" napatawa naman ako. Ngumiti naman siya.
"So bati na tayo?" Bakit ba di ko matiis ang lalaking to?
"Hayy, kung di lang talaga kita mahal"
"Mahal rin naman kita ah? Mahal na mahal" at hinalikan niya ako.
"Tsk! Bat kasi saiyo pa siya nag palagay?" Inis kong sabi. Nandito na kami sa isang restaurant. Badtrip nako e.
"Ewan ko doon. Babe naman wag ka na mag selos. Ikaw lang naman mahal ko. Di ko nga matandaan ang pangalan nun eh" paninigurado niya saakin.
"Okay. I believed you. Sorry naman selosa girlfriend mo e" ngumisi naman siya at hinawakan ang kamay ko.
"Kaya nga mahal kita e. Ang cute mo mag selos. Paselosin kaya kita palagi?" Aba't
"Sige gawin mo" ngumisi naman siya at tumayo tapos nilapitan niya ang babae na kanina pang tumitingin sakanya. Tapos kinausap niya. At tumabi pa sa pag upo.
Tumayo rin ako at lumapit sa lalaking nag iisa lang na kumakain.
"Hi, can I join you?" Tumingin naman ang lalaki saakin at ngumiti.
"Sure" hinilaan niya ako ng upuan. Nilingon ko naman si Bryan, ang sama ng tingin niya saamin. Tss Kala mo ha.
Katabi ko ang lalaking di ko nga pala alam ang pangalan.
"So, anong pangalan mo?" Tanong ko.
"I'm Sean, you?"
"I'm Mia" bigla namang may humawak sa binti ko. "H-hey!" Singhal ko at tinanggal ang kamay niya.
"O c'mon babe, alam ko namang magugustuhan mo ito. So Saan tayo? Your place or mine?" At binalik ang kamay niya sa hita ko. "Don't touch me!" Napalakas yata ang boses ko at nagsilingunan naman ang ibang tao. Tumayo ako at lumayo sakanya but he grab my hand.
"Bitawan mo ako!"
"Wag ka nang pakipot babe" hinila niya ako at hahalikan sana pero may sumuntok sakanya.
"Shit pare, what's your problem?" Galit na tanong nung lalaki.
"Ang problema ko? Hinahwakan mo lang naman ang GIRLFRIEND ko" galit niyang sambit. Susuntukin niya sana ulit pero pinigilan ko. Tiningnan niya naman ako at winasik ang kamay ko na naka hawak sa kanya. Shit! Sakit nun ah.
"Girlfriend? Tss yeah, ang flirt pala ng girlfriend mo" at naka tanggap nanaman siya ng suntok.
"Don't you ever call my girlfriend a flirt! Kung sino man ang flirt dito ikaw yun" Sinuntok niya pa ulit at hinila na ako.
Hanggang sa naka balik kami sa villa di niya parin ako pinapansin. Sinusubukan ko siyang lapitan pero lumalayo lang siya.
Tanga mo naman kasi Mia eh! Sige makipag landian ka pa sa iba. Tingnan mo ang nangyari sayo nabastos ka pa, nagalit pa boyfriend mo.
Nasa Terrance siya ng villa kaya sinundan ko siya. Niyakap ko siya sa likod niya. Nararamdaman ko ng malapit na akong umiyak. Ikaw ba naman hindi pinapansin ng boyfriend mo di ka maiiyak?
"Bry, sorry na naman oh" sinobsob ko ang ulo ko sa likod niya. Tapos bigla nalang bumuhos ang luha ko.
Tinatanggal niya ang pagyakap ko sakanya pero hinihigpitan ko naman. Pero ang lakas niya naman kesa saakin kaya nagawa niyang tanggalin ang mga kamay ko.
Akala ko iiwan niya ako pero nagulat ako ng niyakap niya ako ng mahigpit ng makaharap siya saakin.
"Shit Mia!" Mas lalong himigpit ang yakap niya at mas lalo naman akong humagugol.
"Sorry, I'm sorry shhh" niyakap pa ako.
Nag salita na siya ng tumahan na ako "Why did you do that? Tsk! That was such a bad move, paano kung tuluyan ka na talagang binastos ng gago na yun? Buti nalang at nandun ako"
"I-im sorry. H-hindi ko dapat yun---" pinutol niya ako sa pag sasalita. Hinalikan niya ako.
BINABASA MO ANG
I'm Shattered But Now Your Back
أدب المراهقينMy heart broke scrach that.. My heart shattered into million pieces that I don't know how to build it up again anymore You left me hanging... You left me without a reason... You left me... Pero bakit sakabila ng ginawa mo saakin mahal pa rin kita? A...