Chapter 4

38 4 1
                                    


Nagising ako ng may nakayakap saakin. Tsk, kanino ba to? Ang higpit ha.
Minulat ko na ang mata ko at to may surprise katabi ko si Bryan na tinititigan ako. Ang lalim ng iniisip niya. Ngumiti siya ng makita ako na gising na.

"How's your sleep?" Tanong niya nang nakangiti.

"It's okay" I smiled back.

"Ang ganda mo"

"Bola, lika na nga gutom na ko" reklamo ko.

"Mamaya na, higa muna tayo"

"Ehhh! Okay"

Maya maya nag aya na siyang bumangon. Kumain kami ng desserts sa sala niya, nanonood rin kami ng movie.

"Kailangan ko ba talagang manligaw sayo? Di ba pwedeng tayo nalang?" Sabi niya

"Diba sabi ko slowly? Bakit nag mamadali ka?... Ayaw mo no? Okay lang naman kung ay--" pinutol niya yung sasabihin ko nag salita siya ulit.

"Hep hep, wala akong sinabing ayaw ko kaya okay lang. Alam mo namang gagawin ko lahat diba? Kaya okay lang"

We cuddle each other. Di namin namalayan na gabi na pala.

"Dito muna tayo ha? Kahit 3 days lang I want to spend more time sayo. Miss kita e" sabi niya

"Sus! Hahaha hindi pwede. Marami pa akong trabaho"

"Ako naman ang boss e" sabay pout. I pinch his nose ang cute e.

"Oo nga pala. Kasama ko pala yung boss ko hays di na ako bagay sakanya"

"Sinong may sabi? Bagay ka kaya saakin. Maganda ka gwapo ako so we're compatible for each other" hahaha loko loko talaga to.

"Hahaha, sino namang may sabi na gwapo ka?"

"Di ba ko gwapo?" Tampo kaagad.

"Hahaha joke lang gwapo ka kaya, marami nga akong kaagaw sayo e"

"Di naman ako magpapaagaw sayo lang ako. Akin ka lang rin ha?"

"Sayo naman ako e. Kahit noon pa"

Niyakap niya lang ako. Aba nawiwili natong yumayakap saakin ha 'kunwari ka pa gusto mo naman rin' oo nga naman.

"Mia, pwede mag tanong?"

"Nag tatanong kana"

"Ehh! Seryoso na kasi.. Wag na nga lang" hahaha ang pikon talaga nito.

"Eto naman, joke lang po. Ano ba yun?"

"M-may naging boyfriend ka ba n-nung nag hiwalay tayo?"

Mapag tripan ko kaya to hahaha

"Hmm, oo meron" pero ang totoo wala naman e. Remember busy ako sa kakahintay sa kanya dati.

"I-ilan?" Hahaha namumula na yung tenga niya.

"Hmm wait bibilangin ko muna" kunwari ako nag bibilang ng bigla siyang tumayo at pumunta sa kusina. Iniwan ako? Ang sakit ha.

Sinundan ko siya.
"Uy, Bryan" tinatawag ko siya pero di niya ako pinapansin.

"Bryan"

"......."

"Bryan, uy"

No response pa rin.

"Bryan, I love you"
At sa wakas humarap na siya saakin.

"A-anong sabi mo?" Nabibigla niyang sabi.

I'm Shattered But Now Your BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon