"Ang cute mo sa picture mo."
Pagkatapos ng ilang sandali, nagpop-up muli sa screen ko ang message niya. Medyo may naramdaman pa akong pagkilig na nag-umpisang naglaro sa balakang ko, paakyat sa aking balikat. Isa pa sa mga ugaling kina-iinisan ko, ay ang madaliang pagsang-ayon ko sa mga maliliit na bagay. Kahit na gaaano pa ito kakarampot, basta paukol sa hitsura ko, tiyak compliment na ito para sa akin. Maging masama man o mabuti.
"Hehehe hindi naman!" tugon ko, na may kasama pang gigil sa pagngiti.
"Hindi ka halatang lalake."
Nagsalubong ang mga kilay ko. Tila nararamdaman ko muli ang unti-unting pag-usbong ng himutok sa butsi ko. "ABA, BASTOS KA TALAGA NO?!"
"Teka Kuya, posible bang magpabug nalang ako sa pinsan mo?"
"Ewan. Bye na, maglolog-out na ako." nagbago ang timpla ng pakiramdam ko, bumiling sa pagka-irita.
"Kahit na magbayad ako ng 500 Kuya? Super need ko lang kasi."
Naudlot ang pagclick ko sana sa log-out button. Naalala ko bigla na kailangan ko tumawag kay mama sa abroad, para ipa-alam sa kaniya ang graduation ko next week. Malaki ang matitipid ko sa 500 na ipambabayad ni Bakulaw kung sakali.
"Okay sige, deal." nanginginig pa ang daliri ko nang pindutin nito ang enter key, sa kadahilanang ngayon lang ako makikipagtransaksiyon ng pera via online.
"Paano ko ipapadala ang bayad?"
"Hmnn..By cebuana? Load? G cash?" pagtaranta kong sagot, napaghahalatang baguhan ako pagdating sa mga ganitong usapin.
"Malabo. hindi ako tiwala sayo Kuya."
Nararamdaman ko nanaman ang manaka-nakang pag-akyat ng dugo sa aking tuktok. "Lalo naman ako! Kapal nito! Hindi rin ako tiwala sayo 'no!"
"Saan ka ba nakatira?"
"Tarlac, bakit?" kumurba ng bahagya ang isang kilay ko.
"Saan sa Tarlac?"
"Sa San. Miguel, bakit mo ba tinatanong?"
"Malapit ka lang pala. meet nalang tayo bukas, bilhin ko nalang yang bug sim mo. Gusto mo?"
Lumundag ang puso ko. "Talaga?! San. Miguel karin ba nauwi?"
"Wala ng maraming tanong. Basta malapit ako sayo. Ano, puwede ka ba bukas sa SM Tarlac kuya? Mga around 2 PM?"
"Okay sige. Tutal sakto namang may dadahanan ako sa SM tomorrow."
"Bye." pagputol niya sa pag-uusap namin.
Buntong-hininga ang kumuwala sa ilong ko pagkatapos kong patayin ang ilaw sa aking kuwarto. Agad kong initsa sa itaas ng kama ang aking katawan. Bumaluktot at nagtago sa ilalim ng kumot. Maya-maya pa ay sumisilip na ang unang tapak ng panaginip sa akin ng bigla akong bumangon sa kama at napatili.
"SHIT! Bakit ko binenta ang sim ko!"
BINABASA MO ANG
Kuya, pa-BUG naman po, please?
HumorDISCLAIMER: This story is not mine. All credits go to the rightful owner. I just re-post this story because it's damn worth sharing. Pinabasa lang sa akin ito ng friend ko long years ago. I was checking my files in my hard drive then i saw this. Na...