"Sinabi ng i'm sorry, 'di ba? Ang akala ko talaga lalake ka." mahinhin niyang tugon, ni hindi makagawang tumingin ng diretso sa akin, busy niyang iniinom ang inorder nitong kape, habang maya't-maya niyang ginagalaw ang ensymada na halos mapangalahati na niya.
"Ibang klase ka rin no?!" Impit kong pagtalak, iniiwasan na makahatak muli ng maraming atensiyon. Kahit na pakiramdam ko'y namumula na ako sa galit, pilit ko parin pinapakalma ang aking sarili. Mahirap kasing ipagpatuloy ang plano kapag parang dumidilim na ang paningin mo sa galit.
"Nasaan na yung sim?" tanong niya na hindi inaalis ang titig sa iniinom.
"About 'dun, nasa loob ng mall yung sim." pagturo ko sa Esem na katapat lang ng kinaroroonan namin.
"Nagsho-shoping yung sim mo?" walang kaemo-emosyon niyang usisa sa akin, animo'y para siyang batang nagtatanong kung pwede niya bang kainin ang isang bagay na nadampot niya lang sa kung saan.
"Hindi!" sunod-sunod na pagpiit ng ulo ko sa kaliwa at kanan. "Hawak ni Chikka yung sim, iyong kaibigan ko."
"Kasama ng kaibigan mong sim si Chikka, na namamasyal sa mall?" pakurap-kurap niyang usisa. Ang sarap niya tuloy sapakin. Hindi ko alam kung sadyang engot talaga siya o nagtatanga-tangahan lang.
"Sira ka ba? Paaano makakapamasyal yung sim?"
"Required ko bang sagutin yan?"
Napasapo ako sa aking ulo. "Nakup! Tinamaan ka nga naman ng lintik!"
"Saan banda ka tinamaan? Masakit ba?" walang emosyon ulit nitong tanong.
Pumitik ang ugat sa sentido ko. "Makinig ka, Bakulaw!" pagtaas sa aking presyon. "Yung sim." gumuhit ako ng maliit na hugis kuwadrado sa hangin. "Hawak ni Chikka na nasa loob ng Esem." pagturo ko sa mall, na sinabayan ko ulit ng pagguhit sa hangin ng isang korte ng babae. "Ako at ikaw." pagturo ko sa aming sarili. "Papasok tayo sa loob para kunin kay Chikka yung sim. Klaro?"
"Okay." mahinhin niyang tugon, na nagpakalma sa akin. Hindi ako makapaniwala sa taong 'to, kailangan ba talagang iexplain sa kaniya ng paunti-unti?
"O taralets, naghihintay na si Chikka. Para matapos na rin 'tong stress day na 'to. Baka maisipan ko pang magsuicide." pagsukbit ko sa dala kong shoulder bag.
Hindi siya gumalaw sa kaniyang kina-uupuan. Bagkus, tahimik lang siyang nakatitig sa basong walang laman sa tapat niya. "Okay. Kukunin natin si Bakulaw, yung sim mo. Tapos papasok tayo sa loob ni Chikka para hanapin si Bakulaw. Gotcha."
"MAY SALTIK KABA?!" tila napalakas muli ang tinig ko, lahat kasi ng mata sa loob ay dumapo ulit sa akin.
+++
Isina-ayos ko muli ang aking plano habang naglalakad kaming dalawa ni Bakulaw sa loob ng mall. Tinatantiyang plantsado at walang ano mang himulmol ang makakagusot sa planong naiukit ko na sa aking utak. Una, pupuntahin namin si Chikka; nakausap ko na siya kanina at pumayag naman sa binabalak ko, na Supervisor sa isang sikat na restaurant. Yayayahin ko si Bakulaw na kumain saglit. Siyempre, oorder na akong oorder. Iyong tipong parang fiesta ang dating ng mesa namin. Magpapatake-out pa ako kung may pagkakataon. Tapos, kunwari naiwala ko ang wallet ko. Doon papasok si Chikka sa eksena, pipigahin kaming husto nito, lalo na si Bakulaw. At dahil sa kaibigan ako ni Chikka, papatakasin niya ako at maiiwan si Bakulaw na maglilinis ng pinggan. O kaya maging service crew nila ng ilang linggo na walang bayad! Ligtas akong makaka-uwi sa amin, na bitbit ko ang aking sim, busog pa ang tiyan ko! Ayos!
"Manang, ayusin mo naman ang tawa mo. Ako ang nahihiya sa ginagawa mo, pinagtitinginan ka ng mga tao." pagbasag ni Bakulaw sa pagmumuni-muni at malakas na halakhak ko. Pumutok tuloy sa harapan ko ang imaginary bubble na kinapapalooban ng eksenang naiplano ko na.
"Anong Manang?! Wala kang paki-alam!" talak ko sa kaniya. "Teka! Bakit ang layo-layo mo sa akin?! Nahihiya ka paba sa lagay na iyan?! Lumapit ka nga! Nandito na tayo!"
Pumasok kami sa loob ng isang restaurant at pumuwesto sa bandang sulok.
"Waiter!" pagtawag-pansin ko sa mga empleyado. "Kain muna tayo, nagugutom na ako."
"Okay." mahinhin niyang tugon, kasabay ng paggala ng kaniyang mata sa paligid.
"Ano pong or---" pagputol ng babaeng waiter sa kaniyang sasabihin nang mapatingin kay Bakulaw. Namula at namilog ang mata nito, tila nanginginig pa ang katawan.
Nadako tuloy ang titig ko kay Bakulaw. Ngayon ko lang napansin, may hitsura pala ang gung-gong na 'to. Napakaputi at napakakinis ng kutis niya. Mapungay ang mga mata. Mahahaba ang mga pilik-mata. Katamtaman ang tangos ng kaniyang ilong, at nakaka-akit ang nunal niya na nakapark sa may baba nito. Pero mas nakakatuksong titigan paulit-ulit ang umbok at mamula-mula niyang labi. Kung hindi ko lang siya kakilala, tiyak malalaglag ang panty ko sa lalakeng 'to. Siya iyong tipong puwedeng maging kampeon sa mga artista reality show. Kaya hindi ko masisisi ang babaeng waiter na 'to kung nabihag siya sa kinang ni Bakulaw. Kung alam lang sana ng dalagang 'to kung gaano kabobo ang kasama ko.
Maya't-maya pa, napuno na ng maraming pagkain ang mesa namin. At sinumulan ko ng upakan at pataubin isa-isa ang mga putaheng inahin sa amin. Mag-umpisa sa nakapalayok, paibaba sa dessert. Nakaka-irita nga lang minsan kapag lahat ng empleyedo ng restaurant ay nakatingin sa amin. Tila hindi makapaniwala ang naka-ukit na ekspresyon sa kanilang pagmumukha. Ang mas nakaka-inis, pati si Chikka ay parang hindi mapakaling minamasdan itong si Bakulaw. Nakaka-irita tuloy. E ano ngayon kung papable 'tong kasama ko? Gusto ko tuloy ipangalandakan na guwapo nga 'tong katabi ko, pero saksakan naman ng bobo!
"SHIT?!" pagtapak ng unang paa ng aking plano, ang pag-eeskandalo. "NAWAWALA ANG POUCH KO!"
Effective! Nakuha ko na ang lahat ng attensiyon sa loob. Maliban kay bakulaw na abalang nginunguya ang kinakaing manok. Lumapit sa amin si Chikka. Ayos! Smooth ang takbo ng plano!
"Mrs., ikaw ba ang manager dito?! Naiwala ko ang wallet ko. Pwede bang umalis muna ako saglit? Magwiwithdraw lang ako. Pero don't worry, iiwanan ko dito ang kasama ko. Tsaka, patake-out nitong kare-kare at letchong paksiw." pagkindat ko kay Chikka, senyales na siya na ang bahala para sa susunod na hakbang ng plano.
"Te-teka, Mam!" pag-awat sa akin ni Chikka nang papalabas na ako ng restaurant. Parang wala 'to sa plano ah.
"Magwi-withdraw lang ako, ikaw na ang bahala sa kasama ko." hindi mapandaugaga kong pagkindat kay Chikka. Ano bang problema ng mga tao ngayon? Bakit parang ang bagal ng ikot ng kanilang utak.
"Hi-hindi po pwede. Kailangan niyo po bayaran ang lahat ng iyan." pagtaranta ni Chikka.
"Chikka!" pagtakip ko bigla sa aking bibig, natatakot na baka mahalata kami ni Bakulaw. "Ano kaba, iyong plano natin." pagbulong ko sa kaniya.
"Hi-hindi po pwede, kailangan niyo pong bayaran yung bills niyo." pag-ulit niya, na namumutakti ang pawis sa mukha. Nakapinta pa ang tila kabang nagpapaputla sa kaniyang balat.
"Let her." biglang bulyaw ni Bakulaw. Napatingin tuloy ako sa kaniya, na abalang nagpupunas ng bibig.
"Yes Sir!" pagderetso sa katawan ni Chikka.
"I-account mo na lang sa akin ang lahat ng nagastos. Ako na ang bahala." ani ni Bakulaw. Napataas ang kaliwang kilay ko.
"Pssst, Lyka." sitsit sa akin ni Chikka. "Bakit kasama mo ang manager namin?"
"THE FUCK?!" dumapo muli sa akin ang mata ng mga tao sa loob ng restaurant.
BINABASA MO ANG
Kuya, pa-BUG naman po, please?
HumorDISCLAIMER: This story is not mine. All credits go to the rightful owner. I just re-post this story because it's damn worth sharing. Pinabasa lang sa akin ito ng friend ko long years ago. I was checking my files in my hard drive then i saw this. Na...